webnovel

Meet the Jeon family.

Blessy's Pov

Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto. Teka bakit ako nandito? Kaninong kwarto ito.

"Gising ka na pala ate Blessy. Gusto mong kumain?" sabi nung batang maliit.

"Huh? Di ba ikaw yung anak na bunso ni Mam Lisa at Sir Jungkook?" tanong ko sa bata.

"Opo ako po iyon." sagot nya

"Teka nasaan tayo?" tanong ko ulit.

"Nasa bahay ka po namin." sabi nya.

"Ha! Nasa bahay nyo ako! Anong ginagawa ko dito?" tanong ko.

"Di ko po alam. Tara na ate baba tayo. Papatikim ko sayo yung cookies ni Mommy." pag aaya nya sakin.

Lumabas kami ng kwarto at bumaba. Natapilok ako sa hagdanan buti na lang nakakapit ako. Nahiya naman ako pagbaba ko nandun ang buong pamilyang Jeon. Gusto kong lamunin ako ng lupa sa kahihiyan.

"Ang clumsy talaga tsk!" narinig ko na sabi ni Leo.

"Good morning po. Ahm... Di ko po alam kung bakit ako nandito pero salamat po sa pagpapatulog nyo sa akin dito. Ah cge po mauna na po ako. Salamat po ulit." sabi ko sa kanila.

"Nakatulog ka sa kotse ni kuya tapos si ka magising kaya dinala ka dito. Di kasi alam ni kuya bahay mo." sabi ni Lucas.

"Ah ganun ba. Sorry Leo, siguro sobrang pagod ko." sabi ko.

"Yeah right." sabi ni Leo.

"Iha, sunday naman ngayon pwede bang dito ka muna. Dito ka na maglunch. Nagluto kasi ako ng marami. Sama ka sa bonding namin." sabi ni Mam Lisa.

"Pero nakakahiya na po. At isa pa po may gagawin po ako mamayang hapon." sabi ko

"Mamayang hapon pa naman eh. Ihahatid ka na lang ni Leo mamaya. Sige na..." sabi pa ni Mam Lisa

"Pagbigyan mo na ang asawa ko, tinotopak kasi yan ngayon hahaha." sabi ni Sir Jungkook.

"Huh? Ano po iyon?" tanong ko.

"Naku wala yun ate Blessy. Halika breakfast muna tayo." pag aaya ni Lala.

Pumunta kami ng dining table at isa isang naupo duon. Naghahain si Mam Lisa ng mga pagkain. Napanganga ako sa hinahain ni Mam Lisa. Isa isa ko silang tinignan.

"Bakit iha hindi ka ba kumakain ng mga yan?" tanong ni Mam Lisa.

"Ah hindi po.... Ah i mean nakain po ako nyan. Hindi lang po ako makapaniwala na kumakain kayo nyan." pagpapaliwanag ko.

"Huh? Masarap naman to eh. Arte nila ha. Pareparehas lang naman tayong tao." sabi ni Lala at napangiti ako.

Nagdasal muna kami bago kumain. Masaya silang nag uusap usap. May nag aasaran, tawanan at lambingan. Wow lang ha. Maiinggit ang lahat sayo kung mayroon kang ganyang pamilya.

Natapos kami ng pagkain. Nagliligpit ako ng pinag kainan nang pigilan ako ni Leo.

"Bisita ka dito kaya wag ka nang kumilos. Kami gagawa nyan." sabi ni Leo.

"Naghuhugas ka din ng plato?" tanong ko.

"Oo naman. Sinanay kasi kami ni Mommy na wag iasa sa kasambahay ang gawain sa bahay namin." sabi pa nya. Tumango ako. Ang galing akala ko rich kids na panay utos lang sa mga katulong pero hindi pala ganon.

Nag usap usap sila kung ano ang magiging bonding nila ngayon. Gumawa sila ng bunutan kung saang lugar. Kaso nanlaki ang mata ko nang mabunot nila ang swimming pool.

Magsasalita ako sana para magpaalam na lang kasi hinila ako ni Mam Lisa sa kwarto ni Lala. Paano ko agad nalaman? May kanya kanyang pangalan sa labas ng pinto hahaha.

Naghalungkat sina Mam Lisa at Lala sa wow..... walk in closet. Ang daming damit, sapatos, bags at etc. Ibinigay sa akin ni Mam Lisa ang isang 2pcs bathing suit color blue sya. Medyo sexy sya sa taad pero buti na lang pa shorts na maiksi sa baba nya. Kasi kung hindi mahihiya ako lalo.

For a 14yrs old medyo matured na ang katawan ko. Bumaba kami at nagtungo sa pool. Nakita ko ang suot ni Mam Lisa ang sexy nya. Kahit lima na anak, as in wow hahaha.

Ang laki pala ng bahay nila Mam Lisa. May malaking pool sa loob ng bahay. Akala ko sa labas kami magsuswimming kasi may pool sa labas pero hindi pala. Sa loob ng bahay at ang laki ng pool kumpleto na lahat. May tv, sofa, may bar na maliit at may slide pa sa pool. Ang sarap siguro tumira sa kanila.

"Oh ano game na. Volleyball tayo sa pool." sabi ni Lala.

"Sure!" sabi ni Lucas.

Nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Leo at inihagis sa pool. Ganun din ang ginawa nya kay Lala. Tinulak naman ni Sir Jungkook sina Lucas at Leo. Tapos binuhat ni Sir Jungkook si Mam Lisa tapos tumalon sila sa pool.

Naglaro kami ng Volleyball. Si Mam Lisa, ako at Lala tapos kalaban namin si Sir Jungkook, Leo at Lucas. Nananalo na kami nang mandaya yung mga lalaki. In the end naghabulan sila. Isa isang pinagbabatukan ni Mam Lisa ang mga lalaki.

Sobra akong nagenjoy lalo na ng magvideoke kami sa pool. Grabe ang kukulit ng pamilya nila. Nagpicture taking din kami at puro wacky ang kimalabasan. Tapos mahilig sila magpranks

Nakakalungkot lang at hapon na pala kailangan ko na umuwi.

"Di ba pwedeng dito ka muna? Wala na kami kakampi ni Mommy eh." sabi ni Lala.

"Hindi pwede eh. Kailangan ko na magpakita kay tita. Baka magalit sakin yun." sabi ko.

"Tara na hahatid na kita. Magbihis na muna tayo." sabi ni Leo

"Pwede naman ako magtaxi na lang. Masisira bonding nyo." sabi ko.

"Magpahatid ka na Blessy. Mapapanatag sin kami kung si Leo ang maghahatid sayo." sabi ni Sir Jungkook.

"Salamat po ng marami. Nag enjoy po ako sa pamilya nyo. Salamat po ulit" sabi ko. Tumango sila.

Nagpaalam na ako at umalis na kami ni Leo. Sinabi ko sa kanya ang address sa bahay. Nang makarating kami sa bahay ay nagpaalam na ako sa kanya.

"Ahm... Salamat nga pala Leo. Sobrang nag enjoy talaga ako. Sige pasok na ako. Mag iingat ka sa pagmamaneho mo.

"Cge. Salamat din at sana hindi ka nakulitan sa pamilya ko. Hanggang sa uulitin. Cge na kita na lang tayo sa school." sabi nya at umalis. Pumasok na sin ako sa bahay.

Ang ganda ng naging araw ko. Ang saya ng pamilya Jeon. Napakayaman nila pero hindi sila matapobre. May mga kalokohan din pala sila. Sa totoo lang nakakainggit sila. Naalala ko tuloy si Mama. Kung hindi ba sya namatay, masaya ba kami ngayon?