webnovel

Male Bonding

Leo's Pov

Masaya kaming umuwi ng bahay galing sa foundation. Tinadtad kami ng tanong at kantyaw mula sa pamilya ko. Kakasagot pa lang sakin ni Blessy pero ayun inagaw naman agad ng Mommy ko at mga kapatid kong babae si Blessy. Nandun sila ngayon sa kwarto ni Lala. Kaming mga lalaki ang nagbonding sa gaming room. Naglalaro si Dad at Lucas ng billiards, si Liam naman naglalaro sa computer. At ako naman, nakahiga lang sa sofa.

"Anong pakiramdam at girlfriend mo na si Blessy?" tanong ni Daddy.

"Masaya po syempre." sabi ko.

"Gagayahin mo ba si Daddy? Kasal agad hahaha. Maghahanda na ba ako para maging bestman?" tanong ni Lucas. Binato ko naman sya ng unan.

"Siraulo! Iba diskarte ni dad at iba diskarte ko. Syempre tatanungin ko pa si Blessy." sabi ko.

"Maiba tayo, sasabihin mo na ba aa kanya ang pagkatao nya?" tanong ni Daddy.

"Sasabihin ko ang totoo Dad. Mahirap na, ngayon pang nalaman ko na may nagtatangka sa buhay nya. Gusto kong malaman ang dahilan ng pag alis nya sa palasyo nila." sabi ko.

"Wag mong biglain kuya baka maospital na naman si ate Blessy." sabi ni Liam.

"Base sa mga itinawag mo sakin, mukhang babangga tayo ng mga mahaharlikang pamilya." sabi ni Dad.

"Tama ka Dad, napag alaman ko na may isa pa palang anak ang ama ni Blessy. At hindi magkasundo si Blessy at ang madrasta nito." sabi ko.

"Kaya ba pinapahanap mo si Noah? Balita ko sya ang alalay ng kapatid ni Blessy." sabi ni Lucas. Tumango ako.

"Masasagot lang lahat ng katanungan natin pag sumagot si Noah sakin. Sinabi ko na gusto ko syang makausap. Sana naman ay pumayag sya." sabi ko.

Tumunog naman ang cellphone namin ni Lucas. Nagkatinginan kami ni Lucas. Tinignan ko ang message sa groupchat namin.

The Vadazz Club yan ang pangalan ng groupchat namin at ang admin ay si Vincent the alien.

AlienVin- @BoyfieLeo painom ka naman!

BoyfieLeo- @AlienVin bakit ano okasyon?

SavageLucas- hahaha sorry na lang kayo, nagcecelebrate na kami ni kuya.

FlowerChrys- waahhhh! @AlienVin gago ka sabi mo magpapainom sya. Bwisit ka nandito na ako sa bar!

SavageLucas- seriously Chrys? Naniwala ka talaga sa alien?

FlowerChrys- Damn you Lucas.

SavageLucas- Bakit ako? Si alien murahin mo hahaha

AlienVin- @FlowerChrys wag ka mag alala nakikita na kita. Nasa loob lang din ako ng bar. Hahaha!

SavageLucas- 🤣🤣🤣🤣🤣

BoyfieLeo- 😒😒😒

FlowerChrys- 😤😤😤😤😤

AlienVin- Dalian nyo na @BoyfieLeo @SavageLucas pumunta na kasi kayo.

FlowerChrys- Oo nga nandito na ang ibang barkada. Hinahanap na kayo

SavageLucas- talaga? Miss ko na sila. Papunta na ako. Ikaw kuya?

BoyfieLeo- @SavageLucas siraulo! magkatabi lang tayo magtatanong ka pa sakin dito sa groupchat.

SavageLucas- tinatamad ako magsalita. Hahaha!

AlienVin- ano na ang tagal nyo.

BoyfieLeo- Oo na! @AlienVin subukan mo ulit palitan ng kung ano ano ang pangalan ko sa groupchat. May kalalagyan ka sakin.

AlienVin- Okay lang yun gwapo pa din ako.

FlowerChrys- @AlienVin Anong konek?

SavageLucas- 👎👎👎👎

BoyfieLeo- 😒😒😒😒

Pinatay ko na ang tawag at nagpaalam kami ni Lucas kay Dad. Tutal naman alam kong hindi papakawalan nila Mom si Blessy kaya aalis muna ako. Gusto ko ring makita ang iba pa naming barkada. Mga anak ng mga tito ko na barkada ni Dad. Nagbilin na lang ako kay Dad na sabihin na lang kay Blessy.

Nagkarating kami sa club at pumanik sa VIP room sa taas. Pagpasok namin nakita kong kumpleto ang barkada.

"Andito na si Loverboy!" sigaw ni Jv, anak ni tito Jhope.

"Lucas, Leo kamusta?" tanong ni Rm, anak ni tito Namjoon.

"Ayos lang." sabi ko.

"Balita ko dude may girlfriend ka na? Ang tagal mong magkasyota." sabi ni Jigs isa sa anak ni tito Jin.

"Eh ano naman gusto mo itulad sayo na babaero?" tanong ni Jugs. Isa pang anak ni tito Jin.

"Siege pare kelan alis nyo papuntang New York?" tanong ko kay Siege na anak ni tito Suga.

"Sabi ni dad magdinner daw tayo bago kayo umalis. Halos abandonahin nyo na daw ang BTS Village." sabi ni Lucas.

"Sure pre. Sasabihin ko kay dad." sabi ni Siege.

"So kamusta ang girlfriend, san mo nakilala?" tanong ni Jugs sakin.

"Classmate dati nila Lucas." sagot ko.

"Maganda ba?" tanong ni JV.

"Syempre naman. Half Dutch half Pilipino." sabi ko

"Naks foreigner." sabi ni Jigs

"Mga dude hindi kayo maniniwala. Girlfriend nya ay si Lady Blessy Emery Visser. Anak ng isang count sa Netherlands." sabi ni Vincent.

"Ano? Isang maharlika?" tanong ni Rm.

"Wag nyong ipagkakalat dahil nanganganib pa ang buhay ng girlfriend ko." sabi ko.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Siege.

"May gustong pumatay sa kanya." sabi ko.

"What!" sabay sabay nilang sabi maliban kina Lucas, Chrys at Vincent.

"Okay lang ba kayo i mean kailangan nyo ba tulong?" tanong ni Rm.

"Nah its okay. Kaya na namin yan ang beside si kuya na ang bagong boss." sabi ni Lucas.

"Saan ba sila nagmana, kundi sa pinagsamang tita Lisa at tito Jk." sabi ni Chrys.

"Tama na yan nag enjoy na lang tayo!" sabi ni Vincent.

Napuno ang VIP room ng kwentuhan tawanan at asaran. Ang tagal na kasi naming di nagkakasama. Madalang na lang silang magpunta sa BTS Village kasi napatira sila sa ibat ibang lugar. Sina Jigs at Jugs sa Davao nakatira. Si Siege dating sa Rizal nakatira tapos ngaun papunta na sila ng America. Si Rm naman ay sa Palawan at si Jv sa Subic.

Nakaramdam na ako ng tama kaya nagsabi na akong uuwi na. Ayaw pang umuwi ni Lucas kaya naman nauna na ako.

Nakauwi na ako ng bahay. Papasok na sana ako kaya lang nakita ko si Blessy sa bench sa may garden. Nilapitan ko ito at naupo sa tabi nya.

"Anong problema my loves? Bakit ka nandito? Anong oras na bakit hindi ka pa tulog." sabi nya.

"Inaantay kasi kita. Gusto kong magtanong tungkol sakin. Ayaw nilang sabihin sakin ang tunay kong pagkatao. Dapat daw ikaw ang magsabi." sabi ni Blessy. Inakbayan ko ito at humilig sya sa dibsib ko.

"Magkukwento ako sayo ha pero pag di mo na kaya sabihin mo lang." sabi ko. Tumango naman ito.

"Nung una kitang makilala ikaw si Blessy Guevarra. Namatay ang mama mo nung ikaw ay 10yrs. old. Meron kang tita, si tita Mel. Kaso sa ngayon wag ka muna magpakita sa kanya. Nung muntik ka nang marape sa school dinala ka namin sa ospital. Dun namin nalaman ang tunay mong pagkatao. Ikaw si Lady Blessy Emery Visser, anak ni Count Thomas Julian Visser. The Count of Limburg in Netherlands. Kinabukasan nun nagpaalam ka na samin na babalik ka na sa Netherlands. Dito ka nagpaalam sakin at dito sa garden na ito ako umamin sa iyo na gusto kita." sabi ko.

Di naman sya naimik. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkukwento sa kanya.

"Hindi ako nakapaghanda sa pag alis mo kay naman ibinigay ko sayo ang kwintas ko. Ipinangako ko sayo na magtatapos ako at magkakatrabaho para pagpinuntahan kita sa Netherlands ay nay ipagmamalaki ako sa Papa mo. Kaso tumakas ka daw at hindi ka na namin makita. Matagal kitang hinanap at dun lang pala kita matatagpuan sa Baguio." sabi ko.

"Nasan ang Papa ko. Bakit hindi natin sabihin sa kanya na nandito lang ako?" tanong ni Blessy.

"Hindi pa pwede hanggat hindi ko alam kung bakit ka nawala at bakit nagka amnesia ka. Parang may gustong pumatay sayo. Pero wag kang mag alala kaya kitang proteksyunan." sabi ko kay Blessy.

Wala nang nagsalita sa amin. Nakatingin lang kami sa langit. Maya maya naramdaman ko na di na gumagalaw si Blessy. Pagsilip ko sa kanya ay tulog na pala ito. Dahan dahan ko syang binuhat at dinala sa kwarto nya. Hinalikan ko ito sa noo bago ako umalis ng kwarto nya.