webnovel

Explanations

Leo's Pov

Ano ba ang ikinagagalit ni Blessy. Hindi ko naman sya maintindihan. Nagkita lang naman kami ni Claire kanina sa labas ng company. Galing daw ito sa meeting malapit dito. Nandito ako ngayon sa office ko para tapusin ang mga pipirmahan kong papeles. Hindi ako makaconcentrate sa trabaho dahil naaalala ko ang nangyari kanina.

"Saan ka pupunta Blessy?" tanong ko. Hinabol ko ito nung bigla na lang itong umalis.

"Kakain siguro naman alam mo na lagpas na ng lunch. Malamang gutom na ako." sabi nya.

"Bakit hindi ka nagsasabi sakin na hindi ka pa nakain Blessy. Ano ka ba naman nalipasan ka na ng gutom." naiinis na sabi ko.

"As far as i know 11:30 ka dumating sa office. Busy ka kasi kaya hindi mo namalayan na lunch na kaya naisipan ko nang tumayo kasi parang hindi pa kayo tapos mag usap." naiinis na sabi nya.

"Eh di sana nagsabi ka. Di ba ikaw naman ang reremind ng schedule ko!"  galit na sabi ko.

"Oh im sorry nalimutan ko na personal secretary pala ako. Sorry Boss! Bitawan mo na ako para makakain ako." sabi nya habang nakatitig sa akin ng matalim.

"Tara na sumabay ka na sa amin. Maglulunch din kami." malumanay na sabi ko.

"Wow Leo, naalala mong maglunch kasama sya kaysa sakin?" galit tanong nya.

"Ano bang ikinagagalit mo? Simpleng bagay lang nagagalit ka agad." sabi ko. Hindi ko talaga sya maintindihan.

"Maglulunch ako mag isa. Wag mo muna akong kausapin hanggang hindi mo alam ang ikinagagalit ko." sabi nya.

Bigla naman itong pumasok sa elevator ng mga employees. Tinawag ko sya ng ilang beses. Hindi ko na sya naabutan dahil sumara na ang elevator.

Hindi ko na ito nahabol pa. Ang sabi ng guard sumakay na ng taxi.

"Leo mamaya mo na kausapin ang girlfriend mo mukhang mainit pa ang ulo. Tara na kain na lang tayo." sabi ni Claire.

Hindi ko naman mahindian si Claire kasi may utang na loob ako sa kanya. Nung minsan kasi na nawala si Blessy ay sya ang dumamay sakin bukod sa pamilya ko.

Pumasok kami sa isang restaurant malapit sa office ko. Umorder na ako ng pagkain at ganun din si Claire. Naiisip ko pa din kung bakit nagalit si Blessy.

"Leo! Tulala ka na dyan. Kumain ka na." sabi ni Claire.

"Pasensya na kasi may iniisip lang ako" sagot ko sa kanya.

"Ganyan ba ang girlfriend mo, hindi marunong umintindi? Sigurado ka bang mahal ka nun?" tanong ni Claire.

"Oo naman mahal ako nun." confident na sabi ko.

"Eh bakit ganun ang inasta nya." sabi pa nya. Hindi na lang ako kumibo. Nagpatuloy ako sa pagkain.

"Yung reunion ha. Wag ka mawawala." sabi ni Claire. Nagkwento pa ito ng nagkwento. Madalas wala akong maintindihan kasi nakatuon ang isip ko kay Blessy. Nagpaalam ako agad nung matapos kami kumain. Nagsabi pa sya na bibisita na lang daw sya ulit.

Napatingin ako sa orasan ko kasi wala pa si Blessy. 3pm na hindi pa din sya nabalik. Tumunog naman ang cellphone ko. Nagtext lang naman si Lucas na hiniram daw nya si Blessy at kasalukuyang nakikipag usap kay Angel. Importante daw ang pag uusapan.

Iginugol ko ang oras ko sa trabaho. Hindi ko namamalayan na gabi na pala. Umuwi naman ako ng bahay agad. Gusto kong makausap si Blessy. Pagdating ko sa bahay nadatnan ko si Lucas at Daddy sa salas.

"Good evening dad! Asan po si Mommy?" bati ko.

"Maagang natulog. Masakit daw ang ulo nya." sabi ni Dad.

"Kumain ka na lang dun kuya. May nakahanda na dung pagkain." sabi ni Lucas.

"Sya nga pala Lucas, nasan si Blessy." tanong ko dito.

"Tulog na. Napagod sila ni Angel kaya nakatulog agad. Kasama nya si Angel sa kwarto nya." sabi ni Lucas.

Hindi na ako nagsalita pa. Pumunta akong kusina at kumain. Pagkatapos umakyat na ako sa kwarto ko para matulog. Medyo pagod na din ako. Bukas ko na lang kakausapin si Blessy.

Kinabukasan maaga akong nagising. Bumaba agad ako at nadatnan kong nag aalmusal silang lahat kasama si Angel pero wala si Lala at Blessy. Umupo ako at nag umpisang kumain.

"Angel, tulog pa ba si Blessy? Aayain ko sana sya para bumili ng damit para sa reunion namin." sabi ko. Napansin ko na nagkatinginan sila ni Lucas.

"Maagang nagpaalam si Blessy ah. Akala ko nga kasama ka. Pupunta daw syang Baguio. Magkagalit ba kayo at di mo alam na may lakad sya?" sabi ni Mommy.

Damn! Nalimutan ko ang dadaluhan naming kasal at ang pagbisita namin sa lolo at lola nya. Kaya ba ito nagalit? Ang tanga mo Leo. Bakit kinalimutan mo.

Hindi na lang ako nagsalita ulit. Tinapos ko ang pagkain ko at nagpunta ako sa theater room. Nanuod lang ako ng kung ano ano. Wala namandun ang focus ko kundi kay Blessy. Bumukas ang pinto at naupo din sa tabi ko si Daddy at Lucas.

"Anong problema Leo?" tanong ni Dad.

"Si Blessy Dad nagalit sya sakin dahil pumayag ako sa reunion. Inaamin ko naman na nakalimutan ko ang pagpunta namin sa Baguio." sabi ko.

"Bukod dun may nagawa ka pa bang mali sa kanya? Hindi naman mababaw si Blessy para magalit sayo." sabi pa ni Dad

"Hindi ko po alam, nagalit sya sakin nung dumating kami ni Claire sa office." sabi ko.

"That make sense. Alam ko na kung bakit." sabi ni Dad.

"Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung bakit nagalit agad si Blessy. Ang babaw naman nya kung pagseselosan nya si Claire." sabi ko.

"Ang tanga mo kuya! Malamang magagalit yun sayo. Ang manhid mo naman para hindi makita yun!" sigaw ni Lucas.

"Wala naman kaming ginagawang masama ni Claire." sabi ko. Huminga ng malalim si Lucas bago nagsalita.

"Kuya, nagalit si Blessy kasi nakikita nya na sinusubuan ka nya ng cake at pagkatapos kung makahaplos sayo si Claire ganun na lang. Naiinis sya kasi hinahayaan mong gawin sayo kahit na nansun ang girlfriend mo. Tapos nakalimutan mo pa ang pagpunta nyo ng Baguio. Alam mo rin ba nung magkita kami eh gutom na gutom sya? Naalala mo bang tanungin bago ang ibang tao?" sabi ni Lucas.

"Wala lang yun. Ganun na naman dati pa si Claire." sabi ko. Umiling naman si Lucas.

"Leo, mahal mo ba talaga si Blessy?" tanong ni Dad.

"Yes Dad!" sabi ko.

Alam mo hindi ako naniniwala. Kasi kung mahal mo sya, lahat ng atensyon dapat nasa kanya. Magiging aware ka sa feelings nya. Uunahin mo sya sa lahat ng bagay. Ang dami mong maling ginawa kaya naman pala nagalit si Blessy." sabi ni Dad. Hindi ako nakaimik at nag isip din.

"Alam mo kuya, subukan mong ilagay ang sarili mo sa kanya. Kunwari si Blessy nakikipaghawakan sa ibang lalaki. Si Blessy ay may kadinner na ibang lalaki. Si Blessy sinusubuan ng ibang lalaki, ano ang mararamdaman mo?" sabi ni Lucas.

Hindi ako nagsalita. Nakayukom ang kamay ko at parang gusto kong manuntok nang marinig ko na may ibang kasama si Blessy. Ganun ba ang nararamdaman nito ng kasama ko si Claire.

"Learn from your mistakes Leo. Suyuin mo sya. Lakad na at sundan mo sa Baguio." sabi ni Dad.

"Kuya wag mong hayaang mawala pa sayo si Blessy. Gusto namin sya para sayo. Gusto kitang kampihan kaso mali eh. Minsan kailangan mong mamulat sa ibat ibang bagay. Kailangan mong matuto." sabi ni Lucas. Tumango ako.

"Thanks Dad, thanks Lucas. Salamat kasi nandyan kayo para sakin. Salamat sa pagpapaliwanag. Naintindihan ko nang maige." sabi ko.

Dali dali naman akong nagimpake at sumakay sa kotse ko papuntang Baguio.