webnovel

Devastated

Leo's Pov

Nakarating ang ambulansya sa ospital at dinala agad si Blessy sa emergency room. Napaupo na lang ako sa isang sulok at natulala. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Nagulat na lang ako ng may biglang may yumakap sa akin.

"Iiyak mo lang yan kuya. Alam kong nasasaktan ka. Umiyak ka lang at nandito lang si mommy." sabi nya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na humagulgol sa bisig ng mommy ko.

"Mommy, hindi ko kakayanin pagnawala pa ulit sa akin si Blessy." sabi ko.

"Anak may awa ang Diyos. Tumawag ka lang sa kanya." sabi naman ni daddy.

"Hindi dapat sya mababaril eh. Ako sana yun, pero sinalo nya pa din ang bala na para sa akin. Bakit ba nya yun ginawa?" tanong ko.

"Anak yun ang palatandaan na sobrang mahal ka ni Blessy. Kaya nyang ibuwis ang buhay nya para sayo. Alam ko na ganun ka din sa kanya. Ganun din kami ni daddy mo nuon." sabi ni mommy.

"Mom, nahihiya ako sa kanya. Ako dapat ang pumuprotekta sa kanya pero ganito ang nangyari. Iniisip ko tuloy kung karapat dapat pa ba ako sa kanya." sabi ko.

"Anak, nung magbuwis ng buhay ang mommy mo nuon ay nanliit din ako. Ako ang lalaki at dapat ako ang magtatanggol sa kanya. Nung magkasakit sya nun, ipinagdasal ko na lang na mabuhay sya at habang buhay ko syang pagsisilbihan. Hindi man kami magkasing galing pero gusto kong malaman nya na nandyan lang ako para sa kanya." sabi ni daddy.

"Kaya naman lalo kong minahal si daddy nyo dahil sa sobrang pag uunawa nya at pag iintindi sakin. Nagkulang man kami ng pag aalaga sa inyo pero hindi naman pinapalagpas ang isang araw na hindi kayo yayakapin ng daddy nyo." sabi ni mommy.

Kahit hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi nila ay tumango na lang ako. Wala kasing laman ang utak ko kundi si Blessy. Makalipas ang isang oras ay nagsidatingan naman ang mga kapatid ko.

"Anong pong balita kay Blessy? Kamusta na sya?" tanong ni Lucas.

"Wala pa kaming alam. Hindi pa sila nalabas ng operating room." sabi ni daddy. Hinayaan ko lang silang mag usap. Nakatulala lang ako sa pinto ng operating room at patuloy na umaagos ang luha ko.

"Kuya....." rinig kong sabi ni Lily.

"Hayaan nyo muna ang kuya nyo. Hindi pa makakausap yan ng matino." sabi ni daddy.

Patuloy pa din akong nakatingin sa labas ng O.R. nang biglang yumakap sa akin si Lala.

"Papasok ako kambal sa loob. Pupuntahan ko si Blessy. Hindi ko hahayaang mawala sya sayo." sabi ni Lala. Napatingin ako sa kanya at umiyak.

"Pakiusap Lala, iligtas mo si Blessy." pagmamakaawa ko.

Ngumiti sakin si Lala at tumayo. Pumasok na sya sa loob ng O.R. Lumipas ang mga oras at hindi pa din sila nalabas. Wala akong ginawa kundi maupo at nakatulala. Inaalok nila akong kumain o magkape pero hindi ako umiimik. Panay tulo lang ng luha ko na parang hindi ito nauubos. Maya maya tinapik ako ni Lucas sa balikat.

"Kuya kaya ni Blessy yan. Tiwala lang. Hindi pababayaan ni ate Lala si Blessy." sabi nya sakin.

Maya maya bumukas ang pinto at lumabas si Lala. Tumayo agad ako at lumapit sa kanya.

"Kamusta si Blessy kambal?" nag aalalang tanong ko.

"Maayos ang naging operasyon. Stable na sya kaya lang may problema." sabi nya.

"Anong problema?" tanong ni mommy.

"Baka hindi na magbuntis si Blessy. Medyo malala ang tama nya sa may parte nun at makakaapekto ito sa pagbubuntis ni Blessy." sabi ni Lala.

"Oh my God! Paano tatanggapin ni ate Blessy ang balitang ito. Mahilig pa naman iyon sa mga bata. Siguradong malulungkot ito." sabi ni Lily.

Napaupo ako at yumuko. Paano ko sasabihin ang ganitong bagay sa kanya. Tama si Lily hindi lang malulungkot ito, malamang guguho ang mundo nito. Napatingala ako ng tapikin ako ni daddy.

"Marami pa namang paraan para magbuntis si Blessy. Ikaw na ang boss ng agency, marami ka nang koneksyon. Malay mo may sagot dyan sa problema nyo." sabi ni daddy.

"Tama si daddy kambal, pwede tayong humanap ng ibang alternatibo." sabi ni Lala.

"Ok lang sakin kahit walang anak. Pwede naman kaming mag ampon pero ang inaalala ko ay si Blessy, yung mararamdaman nya. Matatanggap nya ba ito?" sabi ko.

"Kaya nga anak dapat lagi kang nasa tabi nya at habaan mo ang pasensya mo dahil hindi madaling tanggapin para sa isang babae ang balitang ito." sabi ni mommy.

"Mamaya ililipat si Blessy sa ICU para maobserbahan pa. Malamang hindi pa magigising si Blessy kaya naman kambal kumain ka na at matulog. Magpalakas ka para paggising nya nasa wisyo ka na." sabi ni Lala.

"Pero...." tatanggihan ko sana kasi ayaw kong iwan si Blessy.

"Pede kang magpahinga sa opisina ko sa taas. Sasamahan kita dun, para pagnagising si Blessy makakapunta agad tayo." sabi ni Lala.

"Ganun naman pala. Sige uuwi muna kami at babalik na lang bukas. Isasama na namin sina Liam at Lily." sabi ni daddy.

"Ikaw Lucas, sasabay ka ba sa amin?" tanong ni mommy.

"Hindi na mommy, aasikasuhin ko muna ang nangyari kina kuya kanina. Babalitaan kita kuya kung ano ang nangyari sa mga suspek." sabi ni Lucas.

"Salamat Lucas." pasasalamat ko sa kanya.

"Wala yun kuya. Lahat ginawa mo nuon sa amin kaya kami naman ngayon ang babawi sayo. Sige alis na din ako." sabi ni Lucas.

Umalis na ang pamilya ko at naiwan kami ni Lala. Umakyat kami sa opisina nya sa ospital. Nahiga kaagad ako sa kama nya dahil wala na akong lakas.

"Anong gagawin mo sa suspek? Balita ko pinsan pala ni Blessy yun." sabi nya.

"Hindi ko alam. Kilala mo ako kambal kahit sino pa yan basta mahal ko sa buhay ang kinanti ay wala akong pinapatawad. Kaya ko silang patayin agad pero inaalala ko si tita Josie na nagligtas kay Blessy." sabi ko.

"Tama lang ang ginawa mo kambal. Hayaan mong ang batas ang magparusa sa kanya. Malaki ang utang na loob nyo dun sa tao at nabalitaan ko na kinalaban nya ang sarili nyang anak. Kaya naman dapat lang na alalahanin nyo sya." sabi ni Lala. hindi na ako magtataka na alam na nila ang lahat dahil malamang sinabi na ito ni uncle Red sa kanila.

"Lala makikiusap ako, saka na natin sabihin kay Blessy ang problema kapag magaling na sya. Ayokong madepress sya." sabi ko.

"Tama ka, yan din ang sasabihin ko sayo eh. Hindi sya gagaling agad kung madedepress pa sya. Pagnakataon habaan mo na lang ang pasensya mo." sabi nya.

"Alam ko naman yun. Dapat lang naman na yun ang gawin ko kasi dahil din sakin kung bakit ganun ang nangyari sa kanya. Biruin mo sobrang pagkaobsess ni Claire sakin. Nagparetoke sya at nagpalit ng pangalan. Sya pala yung Maui na dating gumawa ng masama kay Blessy. Nakuha nya ang ugali na yun sa mama nya." kwento ko.

"Bakit ano bang nangyari sa mama nya?" tanong ni Lala.

"Nagkagusto sa iisang lalaki ang mama ni Blessy at yung auntie nya na mama ni Maui. Tapos nung magpakasal ang mga magulang ni Blessy ay nagsimula na ang tita nya na gumawa ng masama. Sinet up nya ang mama nito sa isang lalaki at nagkahiwalay ang mga ito. Tapos dahil naman sa pera kaya nagawang nyang patayin ang kapatid nya." kwento ko.

"Grabe naman pala." sabi ni Lala.

"Eh kelan mo papakasalan si Blessy?" tanong nya.

"Soon! Ngayong tapos na ang problema namin ay sisimulan ko nang gawin ang mga plano ko. Hinihintay ko lang naman matapos ang problema namin ni Blessy. Kaya nga kakailanganin ko ang tulong ninyo." sabi ko.

"Sure kambal." sagot nya.

Ikinuwento ko naman sa kanya ang mga plano ko. Nagprisinta pa sya na sya na ang ibang bibili ng mga kakailanganin ko. Nagsuggest din sya ng mga bagay bagay. Buti na lang at may mga kapatid ako na handang tumulong sakin. Daldal pa din ng daldal si Lala ng unti unti ako napapapikit hanggang sa  hindi namalayan ko namamalayan na nakatulog na pala ako.