webnovel

Date

Leo's Pov

Its Sunday and it means i have a date with my Blessy kaso hindi ko alam kung paano, saan at kung anong ang date ang gusto nya. Manunuod ba kami ng sine? Ano uunahin ko? Magpapabook ako ng restaurant. Shit! Inumaga na ako kakaisip. 3am na hindi pa ako natutulog. Pinilit kong matulog kasi ayaw ko namang maging mukhang zombie sa unang date namin ni Blessy.

Almost 11am na ako nagising. Pumasok ako ng kusina para kumuha ng maiinom. Nadatnan ko dun si Lala, Lily at Blessy na nagluluto.

"Oh kuya kakagising mo lang? Himala tinanghali ng gising si kuya hahaha." pangangantyaw ni Lily.

"Hahaha oo nga kambal, himala nga." madalas kasi 6am pa lang gumigising na ako.

"Magtigil kayo." sabi ko sa kanila.

Good morning my Love, kamusta ang tulog mo?" bati ko sa kanya. Nakita kong namula ang pisnge nito.

"Ayos lang naman." sabi nito sabay talikod para harapin ang niluluto nya.

"Alis tayo pagkatapos kumain ha." sabi ko.

"San tayo pupunta kuya?" tanong ni Lily.

"Hindi kayo kasama. Lalabas kaming dalawa ni my loves ko." sabi ko.

"Shaks! Hindi ako sa pagiging cheesy ng kambal ko." sabi ni Lala.

"Parang sinasapian lang si kuya ng masamang espiritu hahaha!" sabi ng bunso namin na si Liam.

"Tigilan nyo na si kuya at Blessy. Baka mapikon si kuya sa inyo at umiyak yan." sabi ni Lucas. Bwisit na to kala ko kakampi na sakin. Hindi pala.

"Hahaha! Alam nyo ang saya nyong magkakapatid. Lahat kayo close. Ako kaya may kapatid?" tanong ni Blessy.

"Ang alam ko nag iisa ka lang na anak eh." sabi ko

"Pwede ko bang matanong kung sino ang mga magulang ko?" tanong ni Blessy.

"Ahm next time ko na sasabihin sayo pagnasiguro ko na ang mga bagay. Sana maintindihan mo." sabi ko pa sa kanya.

"Okay lang nararamdaman ko naman na hindi mo ako ipapahamak." sabi nya.

Pagkatapos namin na kumain ng tanghalian kanina sinabihan ko sya na magbihis na at aalis na kami. Nagsuot lang ako ng white tshirt at jeans. Tapos nagsuot din ako ng sneakers.

Inantay ko sya sa kotse ko. Baka kasi pagsaloob ko pa hinintay kantyawan ako ng mga kapatid ko. Maya maya dumating na si Blessy at umupo sa passenger seat.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Blessy. Napakamot ako ng ulo, wala kasi akong napagplanuhan.

"Actually ito ang una kong pakikipagdate. Bahay at opisina lang kasi ako dati. Nagala lang ako pagkasama ang pamilya ko ag mga kaibigan ko. Sorry." sabi ko.

"Okay lang yun." nakangiting sabi nya.

"May naiisip ka bang puntahan?" tanong ko.

"Ahm sa mall na lang muna tayo. May gusto kasi akong bilihin." sabi nya.

Nagdrive ako papuntang mall. Nang makarating kami sa mall, dumiretso kami sa bookstore. May bibilihin daw syang libro. Habang namimili sya ng mga libro, naisipan ko lang na tanungin sya.

"Blessy matanong lang kita, ano kaya ang magandang iregalo sa mga bata?" tanong ko.

"Huh? Kaninong anak?" tanong nya.

"Idodonate ko sa foundation yun para sa mga bata. Puro na lang kasi laruan ang regalo ko." sabi ko.

"Talaga? Pwede ba ako sumama dun. Namimiss ko tuloy yung mga estudyante ko." malungkot na sabi ni Blessy.

"Oo naman. Matutuwa ang mga bata dun. Ano, bili na regalo tayo ng pangregalo sa kanila? " sabi ko. Talagang matutuwa ang mga bata dun kaso nakakalungkot lang kasi nde sila maalala ni Blessy.

"Cge excited na ako." sabi nya.

Hindi makakaila na si Blessy nga ito. Makikita mo ito sa pagiging clumsy nya at ang pagiging malapit sa mga bata. Niyaya ko sya sa department store baka kasi sakali na may makita kami na regalo para sa mga bata.

"May napili ka na bang pangregalo?" tanong ko sa kanya.

"Naku ang hirap kaya pumili. Pwede namang mga bag, damit at gamit sa schools. Ang hirap naman hahaha." sabi nya.

"Pero kung ikaw papipiliin ano ang gusto mo?" tanong ko.

"Shoes. Kasi yung mga student ko dati pag P.E. time namin halos karamihan sa student ko naka black shoes kahit P.E. kasi wala daw sila rubbershoes. Yung iba naman nakarubbershoes na black kahit nakaform. Imbes daw bumili si nanay nila ng dalawa, ganun na lang ang ginagawa nila." malungkot na kwento nya.

"Okay bakit hindi na lang shoes ang ibigay natin. Tutal madalang din namang may magbigay nun." sabi ko.

"Eh Leo ang mahal ng sapatos. For sure hindi lang naman 10 ang bata dun baka marami. At isa pa mahirap magregalo kung hindi mo alam ang size ng mga bata." sabi pa nya.

"Wala namang problema dun kahit mahal ang sapatos. Remember CEO ako ng company ko. Maliit na bagay lang yan. Dun naman sa sinabi mo na mga bata, tama ka hindi lang sila 10. Ang pagkakaalam ko na huling bilang nila ay nasa 127 sila lahat. Medyo nabawasan na sila kasi yung iba nasa tamang gulang na at nagtatrabaho na." sabi ko.

"Wow ganun ka dami. Napakalaki siguro ng foundation na yun." nakangiting sabi nya.

"Tara na pili na tayo. Bili tayo ng ibat ibang sizes at isama na rin nating bilihan ang mga personnel na natulong sa foundation. Siguro bili tayo ng mga 250 pcs na sapatos na ibat ibang sizes." sabi ko.

"Hala sya bakit ang dami naman?" tanong nya.

"Para walang mawalan ng sapatos dahil sa hindi tama ang sizes. At isa pa may 30 personnel kami duon. Including yung mga teachers nila. At kapag may sobra, idodonate ko sa mga less fortunate." sabi ko.

"Grabe ang bait mo naman." sabi nya.

"Hindi naman. Nakagawian kasi namin magdonate kasi gusto ni Mommy yung ganon. Di kami naghahanda ng magarbong birthday celebration o kahit anong okasyon. Nagcecelebrate kami ng araw na iyon sa mga orphanage, schools at mga ospital. Namimigay kami ng foods at gifts. Kapag naman dumarating ang wedding anniversary nila Mommy ay taon taon na dun kami nagcecelebrate sa Errol foundation." paliwanag ko.

"Wow ang galing. Sobrang bait pala ng parents mo lalo na ang Mommy mo. Pero teka di ba Errol ang second name mo? Pinangalan ba sayo yun?" tanong nya.

"Hindi. Pinangalan yun sa uncle ko na namatay. Twin brother sya ni Mommy. Kaya din ginawang Errol ang second name ko sabi ni Daddy ay para daw maalala namin si uncle." sabi ko.

"Kaya pala ganyan kayo kabait. Kasi napalaki kayo ng mga magulang nyo ng tama. Napakasarap sigurong maging magulang sila ano? Naiisip ko tuloy kung ganyan din ba ang parents ko. Pero masaya naman ako kina lolo at lola kasi mahal na mahal nila ako." sabi ni Blessy.

"Kung namimiss mo sila, bakit hindi tayo bumisita sa kanila kapag may bakanteng araw tayo. Sa day off mo." sabi ko.

"Cge gusto ko yun. Salamat Leo. Tamang tama ikakasal yung kapatid ni bestie. Yung kaibigan kong bakla na si Brandon. Abay kasi ako eh." sabi nya.

"Walang problema dun. Sabihin mo kung kailan para maclear natin anv schedule ko." sabi ko. Ngumiti naman sya.

Pagkatapos naming mamili ng mga sapatos, inaya nya ako sa Toms World. Para kaming bata na naglalaro ng mga games dun. Natatawa ako sa itsura ni Blessy ngayon. Gigil na gigil at panay pa ang reklamo.

"Ano ba to ang daya naman eh. Bakit kasi nakuha na eh tapos biglang mahuhulog. Ano ba yan nakakainis. Sayang ang token ko sayo!" reklamo ni Blessy.

"Relax ka lang. Ako na lang muna. Ano ba yung gusto mo dyan?" tanong ko sa kanya.

"Gusto ko yun oh. Yung leon teka leon na ba? Di mo kasi maintindihan kung leon o pusa lang hahaha." masayang sabi nya.

Sinimulan ko nang maglaro sa claw machine. Isang try ko pa lang nakuha ko na ang gusto nya. Ilang ulit pa at naka anim kami na stuffed toy. Bibigyan nya daw isa isa ang mga kapatid ko hahaha.

"Ang daya naman bakit ang galit mo dyan. Hindi fair yun. Kainis naman." nagmamaktol na sabi nya.

"Meron kasi sa bahay nyan. Madalas yan ang nilalaro ko pagstress ako sa school. Hindi mo pa ata napapasok ang gaming room sa bahay." sabi ko.

"Hindi pa nga. Ang laki kasi ng masion nyo. Feeling ko pagnaggala ako dun maliligaw ako hahaha. Next time turuan mo ako ha." sabi nya.

"Sure!" sabi ko.

Nung maubos na namin ang tokens namin ay niyaya ko na sya sa Rainbow Cafe Restaurant. Ang restaurant ni Agent Green o Jericho.

"Good evening boss. Table for 2 ba boss?" sabi ni Jayson. Manager na sya ngaun dito. Dati waiter lang sya at isa sa mga agent ko.

"Oo. Kamusta ang amo? Baliw pa din ba? Hahaha." tanong ko.

"Baliw pa din boss. Lalong lumalala ng tumanda hahaha. Actually boss nandyan sya sa office nya." sabi nya.

"Pagpasensyahan mo na at matanda na hahaha." sabi ko. Naupo kami at umorder. Maya maya nakita ko na papalapit si Agent Green o si uncle Jericho.

"Boss long time no see. Hahaha! Gwapo pa din tayo. Kamusta ang Mommy at Daddy mo?" tanong nya at niyakap ako bilang pagbati.

"Ayun nagbabakasyon. Medyo kinailangan ni Mommy yun eh. Eh ikaw uncle Jericho, mukhang successful ang business ah." sabi ko.

"Ayos lang naman. Sapat na para saming pamilya. Namimiss ko na magtrabaho sa inyo. Balita ko ikaw na ang boss." sabi nya.

"Wag na matanda ka na hahaha. Tama na yang magrelax ka at namnamin mo na lang ang yaman mo hahaha." natatawang sabi ko. Malapit kasi ako sa mga uncle ko na agents.

"Daldal tayo ng daldal nakalimutan mong pakilala sakin ang magandang babae na to. Girlfriend mo?" tanong ni uncle.

"Hindi pa uncle pero malapit na. Wag ka mag alala iimbitahan kita sya kasal ko. By the way sya si Blessy. Future wife ko." sabi ko. Pinalo naman ako ni Blessy at nakipagkamay kay uncle.

"Ang tindi mo parang Daddy mo lang. Ang bilis ah. Cge next time kwentuhan tayo, paalis kasi ako. Enjoy your food Blessy." sabi nya. Tumango kami ni Blessy.

Habang nakain kami nagtanong si Blessy tungkol kay uncle. Tinanong nya kung bakit boss ang tawag sakin. Sabi ko na lang na nagtatrabaho sya sa kompanya dati. Hindi pa kasi ito ang tamang panahon para masabi ko ang tungkol sa mga agents.

Pagtapos namin kumain ay naglakad lakad muna kami. Nagkwentuhan tungkol sa mga karanasan namin. Natatawa ako kasi may mga times na lumalabas ang pagkaclumsy nya. Umuwi kami sa bahay na parehong nakangiti. Kahit walang plano atleast napangiti ko sya buong araw.

Next week na ang anniversary ng parents ko. Ready na kami sa celebration. Ang sarap sa pakiramdam na ang taong mahal mo ay kasama mo na. Masaya ako pag napapangiti ko sya. Mukhang napagod din ako sa gala namin at di ko namamalayan na nakatulog ako agad.