webnovel

My Brother's Identity

Si Paulo ay lumaki sa pamilyang tumulong dito matapos itong maulila.Sa paglipas panahon ay natutunan ni Paulo na mahalin si Chloe, ang anak ng mga taong nagpalaki at tumulong sa kanya. Naging komplikado ang lahat sa dalawa dahil ang buong akala ni Chloe ay totoo nitong kapatid si Paulo. At ang tanging paraan para iwasan nito ang nararamdaman kay Paulo ay ang tuluyang paglayo sa pamilya nito. Pero gagawin ni Paulo ang lahat para mahanap si Chloe at ariin ito bilang kanya, kanya lamang ng buong-buo!

ynah_mendozaaa · Urbain
Pas assez d’évaluations
3 Chs

Chapter 2

"What's wrong Chloe?" tanong sa kanya ni Brix ng bumalik siya sa inuupuan niya. Alanganin siyang ngumiti dito.

"Nothing. Dumating lang si kuya pero manigurado didiretso naman sa kuwarto nya yun." Pinilit niyang itago ang kabang nararamdaman niya. Hindi naman siguro sila sisitahin ng kuya niya at nasa tamang edad na siya in the first place.At ganun na lang ang gulat niya ng bigla ay may sunod-sunod na katok silang narinig sa labas ng silid na kinaroroonan nila ni Brix. Sana naman ay hindi ang Kuya Paulo niya ang nasa labas ng pinto. Alangan siyang tumayo at talagang inunahan na niya si Brix sa balak nitong pagbukas ng pinto.

"Ako na lang. Manuod ka na lang dyan." Nakangiti kong sabi sa kanya. At nagpatuloy nga siya sa pagkalad papunta ng pinto at binuksan ito. Doon lalong kumalabog ang dibdib niya ng mabungaran niya sa labas ng pinto ang nakainom na Kuya Paulo niya. Gulo na ang kanina at maayos na nitong buhok at tanggal na rin ang dalawang butones ng polo na suot nito.

"Kuya..."

"What hell are you doing Chloe? Bakit kasama mo sa silid ang lalakeng iyan?" Bungad agad nito sa kanya. Para namang nagpantig ang kanyang tainga sa kanyang narinig. Alam naman niyang nakainom ito pero sobra naman ata ang paninita nito sa kanya lalo na at nakita na Brix ang pagdating nito. Malamang na narinig na rin ni Brix ang pabalang na tanong nito sa kanya.

"Kuya Please, not now. May bisita ako."Pakiusap ko sa kanya.

"Then send him out!"

Naiiyak na siya sa paraan ng pagkausap sa kanya nito. Ano ba ang problema nito sa pag-invite niya kay Brix sa kanilang bahay? Bakit napaka big deal dito ang tungkol sa mga lalakeng nagkakagusto sa kanya?

"Kuya, ano ba ang problema mo sa amin ni Brix hah?" Hindi na niya napigilang sumagot dito. Maging ito ay nagulat din sa sinabi niya. Marahil ay palagi na lang nitong ina-anticipate na susunod siya sa gusto nito.

"Wala akong problema sayo, pero sa lalakeng iyan..." Tiningnan nito si Brix na ngayon ay nasa likod na niya matapos marinig nito ang pagtaas ng boses ng kanyang Kuya Paulo.

"Your so insensitive kuya! You always acted this way. Bakit ka ba ganyan ha? Wala ba akong karapatang magpaligaw sa lalakeng gusto ko?" Naiiyak na niyang muling tanong dito. Kulang na lang ay manlisik ang mga mata niya habang nakatitig dito. Samantalang si Kuya Paulo niya ay nanatiling nakatitig lang sa kanilang dalawa ni Brix. Madilim ang mga mata at halatang galit ito.

"Pauwiin mo na yan then we'll talk." At tumalikod na ito sa kanila at saka tumuloy sa sarili nitong kuwarto. Pinahid niya saglit ang mga luhang lumandas sa kanyang mga mata at saka niya nilingon si Brix na ngayon ay nakahawak sa kanyang likod.

"Are you alright? H'wag kang mag-alala...uuwe na rin ako Chloe. Pasensiya ka na at nag-away pa kayo ng kuya mo ng dahil sa akin."

"No, ako nga ang dapat na himingi ng pasensya sayo Brix. Lalo na ginawa ni Kuya Paulo."

"I understand him. May kapatid din akong babae kaya alam kong pinoprotektahan ka lang niya."

"Salamat Brix. You understand me na hindi kayang gawin ng sarili kong kuya." Napayuko na lang siya sa hiya dahil sa mga sinabi at ginawa ni ng Kuya Paulo niya.

Inihatid nga niya si Brix hanggang sa makasakay ito ng kotse nito. Wala siyang balak na kausapin ang Kuya Paulo niya dahil na rin sa inis niya. Baka kung ano pa ang masabi niya dito na pagsisihan niya. Ayaw naman niyang lalo silang mag-away na mag kapatid.

Nasa pasilyo na siya papunta ng kanyang kuwarto ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Kuya Paulo niya. Bagong paligo na ito at nakasuot na ito ng pantulog nitong white t-shirt at loose pajama na kulay black.

"Chloe let's talk."

Imbis na sagutin niya ang tanong nito ay nagpatuloy siya sa paglakad at pumasok na siya sa kuwarto. Isinara agad niya ang pinto at narinig pa niyang nagmura ito ng hindi siya nito naabutan. Napasandal na lang siya sa likod ng pinto ng tuluyan na siyang makapasok sa loob. At muli ay lumandas naman ang mga luha sa kanyang pisngi. Pilit niyang pinahupa ang inis at galit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Bakit parang sa pagkakataong iyon ay hindi niya kayang maintindihan ang pagiging concern ng Kuya Paulo niya. Hindi na siya nito ginalang sa harapan ng lalakeng kaibigan nya pa lang ay galit na galit na ito. Paano pa kaya kapag nalaman nito na balak na niya itong sagutin?

Nanghihina siyang napaupo sa kanyang kama at kalaunan ay nagpasya na siyang maligo bago tuluyang matulog. Sana kinabukasan ay kaya na niyang harapin ang kanyang Kuya Paulo na hindi na siya makakaramdam ng inis dito.

Nagpalate talaga siyang bumaba ng kinabukasan para hindi na niya makita sa dining area ng kanilang bahay ang kanyang Kuya Paulo. Wala pa siya sa mood na kausapin ito. Nasaisip pa rin niya ang ginawa nito kagabi, and she felt embarass after that incident. At sa tingin niya ay wala naman siyang dapat na ikahingi ng sorry dito lalo na at wala naman siyang ginawang mali, sila ni Brix.

Speaking of Brix ay tumawag ito sa kanya kanina lang at tinanong siya nito kung pwede silang magkita, and she said yes. May importante daw itong sasabihin sa kanya. Kaya nagpasya siyang gumayak ng umagang iyon para makipagkita dito.

Muntik pa siyang mapatili ng bigla ay may magsalita sa kanyang likuran habang kumukuha siya ng juice sa fridge.

"Did you eat your breakfast? Bakit juice lang ang iniinom?" Napalunok pa siya ng marinig niya ang boses ng kanyang Kuya Paulo.

Nilingon lang niya ito saglit at pagkatapos ay tumalikod na siya dito para ilagay sa lababo ang baso na ginamit niya. Ni hindi niya ito kinausap kahit isang salita. At tangka na siyang aalis ng kitchen ng muli itong magsalita.

"About what happened last night, I'm sorry." Ito ang sunod niyang narinig na sabi nito. Muli niya itong tiningnan.

"Okay lang, sanay naman ako na palaging ganon ang ginagawa mo sa mga lalakeng lumalapit sa akin." She answered sarcastically.

"Iniingatan lang kita Chloe, you knew that."

"Yeah, like your being paranoid na lahat ng lalakeng lumalapit sa akin ay may gagawing hindi tama. Am I right?" Muli niya itong inirapan.

"Where are you going?" Mabilis nitong tanong sa kanya ng damputin niya ang pouch na dala niya. Maging ang susi ng kotse niya ay kasama niyang kinuha.

"Lalabas, bakit bawal? Hindi ako dito mag lulunch, paluto ka na lang kay Manang ng makakaen mo." Paalala niya dito at sa dinner pa ang dating ng kanilang mga magulang galing ng business trip.

"San ka nga pupunta?" Hinawakan pa siya nito sa braso para pigilan sa pag-alis. Nagsisimula naman itong magpakita ng pagiging mahigpit na kapatid sa kanya.

"Pwede ba kuya, let me do what I want. Kasi ikaw hindi ka naman pinipigilan nila Daddy right? So sana, hayaan mo ring akong gawin ang gusto ko!" Bahagyang tumaas ang kanyang boses na ikinagulat ni Paulo.

Naramdaman niya ang pagluwag ng hawak nito sa braso niya kaya malaya na niyang naibaba ang kanyang kamay. Nakita niyang biglang lumungkot ang itsura nito na kanina lang ay nagbabadya na namang umalpas ang galit sa boses nito.

Hindi na siya nagsalita at naglakad na siya palabas ng kusina. In her peripheral vision, nakita niyang inilagay nito ang isa nitong kamay sa baywang at ang isa naman ay inilagay nito sa loob ng bulsa ng pantalon habang matiim na nakatingin sa kanya.