webnovel

Chapter 2: Live in with a gangster?

Hadley's POV

Argh. What a very small world! How come I never knew na gangster ang anak nila Tita Mary Joy at Tito Khaiser? At bakit naman naging gangster ang anak nila knowing na the two mentioned are very religious couple.

Ewan, di lang mag-sink in sa utak ko at parang di ko ma-imagine.

Well, it's kinda obvious na pasaway siya kasi never siyang sumama kapag may mga lakad kami. Napaka-KJ.

Naalala ko na naman ang nangyari kanina.

FLASHBACK

"Please try to understand, sweetheat."

"I would never understand, Mom. Have a safe flight, though. Bye!"

Naiinis ako kasi may bahay naman kami, pwede akong makitira pansamantala sa mga relatives namin and I don'[t really understand why my parents would want me to stay at Tita Reynalyn's house.

It's not that may issue ako sa mag-asawa. They're honestly like a family to me. The thing is, I'm not comfortable to stay at other's home.

"Manong, sa tabi nalang po."

Hindi ko din alam bakit ko nasabi ang bagay na iyon. It's dark and I'm not familiar with the place. I'm werid, correct? Pero siguro, gusto lang mag-unwind ng sistema ko.

"Sigurado po ba kayo, Ms. Hadley?" tanong ni Kuya Ram, ang family driver namin.

"Opo. Tatawagan ko nalang po kayo kapag kailangan ko ng umalis, magpapahangin lang po muna ako." Matapos kong sabihin 'yon ay bumaba na ako ng sasakyan.

So far, hindi naman masangsang ang simoy ng hangin. Ang lamig pa nga kahit na summer ngayon.

Ang dami kong iniisip habang naglalakad lakad. Hindi ako makapili kung saan ba talga ako nagtatampo. Dahil sa pag-alis na naman ng parents ko dahil sa "business" nila, or dahil sa pakiramdam ko walang tiwala sa akin ang mga magulang ko na kailangan pa nila akong ihabilin sa ibang tao.

Napalingon ako nang bigla ay nakarinig ako ng malakas na kalabog. Kung anu-ano iniisip ko. 'Yan tuloy, di ko napansin na andito na 'ko sa madilim na lugar.

Suddenly, nawala ang kaba ko. Wala kasi akong dala na kahit ano kaya kampante ako na walang makukuha sa akin kung sakali mang may holdaper.

Teka, tama nga ba na matuwa ako o kabahan dahil wala kong dala na kahit ano kahit cellphone manlang just in case of emergency?

Binilisan ko ang lakad at lumiko ng eskinita.

Shunga.

Nagkamali ako ng nilikuan.

Paano, mas napalapit ako sa piligro.

Babalik na sana ako, kaso may nakita akong tatlong lalake na mga walang pang itaas na naglalakad. Kinabahan ako at wala ng ibang nagawa kundi ang lumapit sa may mga basurahan at doon nagtago.

Hindi pa nga natatapos sa bugbugan ang dalawa, may mga lalake ang nagtakbuhan papunta sa gawing rito. Grabe, lalo akong kinabahan. Sumagi sa isip ko na baka hindi na ako abutan ng kinabukasan.

Huhu.

Andito lang ako sa sulok hindi makagalaw at patuloy lang na nagdadasal na sana hindi nila ako mapansin at makaalis ako sa lugar na ito.

Ilang minuto bago naubos ang mga "gangster" maging ang dalawang nagbubugbugan, pinalipas ko muna ang isang minuto bago ako tumayo at umalis.

Noong una ay dahan dahan at maingat pa ako dahil baka mayroon pang "gangster" na natitira sa paligid.

Nakahinga ako nang maluwag ng mapansing wala na sila.

Tumakbo ako paalis.

Malapit na ako makalabas ng eskinita ngunit kung minamalas ka nga naman may dalawa pang nag aaway.

Wala na naman akong ibang nagawa kundi ang gumilid. Gumilid lang, wala akong mataguan. Mabuti nalang at may kadilimn dito.

"Ano ha, nasaan ang tapang mo ngayon, you mother f*cker!"

Sabi ng lalake at sinuntok sa mukhang ang kawawang lalake na halos nakahiga na sa sahig.

Napatakip ako ng bibig. Ang lakas sumuntok ng lalake, tipong rinig ko.

Nanginginig ang mga tuhod ko sa nerbyos. Ngayon lang ako nakakita ng ganito... paano kung ma-witness ko pa ang pag-murder niya sa kawawang lalake?

Hindi kakayanin ng konsensya ko!

Hinila niya sa kwelyo ang lalake and pinned him into the wall.

"Di ka pa din ba aamin na kayo ng sumira ng sasakyan ni Dave?" galit na sabi nung nanuntok.

"Ano naman kung kami nga? Gusto mo next time yung iyo naman?"

Naman! Bakit ganun siya? Hindi ba dapat mag-sorry nalang siya para pakawalan na siya nung lalake?

Boys ego..

Susuntukin na naman siya ng lalake. At hindi ko napigilang sumigaw habang nakapikit.

"STOOOOOPPPPP!"

I'M DEAD.

Pagdilat ng mga mata ko ay nasalubong ko ang masamang tingin ng lalake. It wasn't that clear though since ang liwanag ay nanggagaling lamang sa buwan.

The poor guy took the chance to hit him. Pagkatapos ay tumakbo palayo.

"Damn it!" galit na untag nung lalake habang nakahawak sa panga at pinagmamasdan makalayo si poor guy.

Humarap siya sa akin. Napaatras ako dahil para niya akong papatayin gamit ang tingin niya.

"You know what, woman? Just pray we won't cross paths again because if we do," humarap siya ng maayos sa akin bago nagpatuloy. "Ikaw naman ang gugulpihin ko. You being a woman is not an excuse."

At umalis na siya. Iniwan akong parang mamamatay na sa kaba.

With my shaken knees, pinilit kong makalayo dahil baka mas malala pa doon ang abutin ko kung di pa ako aalis. Naghanap ako ng pinakamalapit na computer shop at doon ako nakitawag sa pay phone para kontakin si Manong Ram.

Nag-rent na din ako ng PC and entertained myself by watching funny videos, Vlogs and etc. na magpapalimot sa akin ng nangyari kanina. I payed nung dumating na si Manong Ram dala ang mga gamit ko.

I even told him to bring Manong John, my dad's personal driver, para may magdadala ng kotse ko.

*END OF FLASHBACK*