webnovel

Chapter 1: Family Background

Kriing!! Kriing!! Kriiing!! Kri-

Alas 4:00 ng madaling araw ng tumunog ang maliit na alarm clock ni Joana, bago pa ito matapos mag alarm agad na siyang nagising at pinatay agad ang istorbong alarm clock.

Labis pa ang antok nya ng mga sandaling iyon, ngunit mas pinili nyang bumangon na dahil alam nyang kailangan na nyang gumayak para mahabol ang bus na daraan sa lugar nila ng ala 5:00 patungo sa kanyang trabaho. Isa't kalahating oras din ang binabyahe nya araw araw makapasok lamang sa trabaho bago mag alas 8:00 ng umaga.

Isa siyang beauty consultant sa isang sikat na brand ng Cosmetics. Hindi nya iniinda ang pagod sa araw araw na trabaho dahil sa kagustuhan nyang makatulong sa nanay nya sa mga gastusin sa bahay. Tumutulong din siya sa pag aaral ng kaniyang bunsong kapatid na kasalukuyang nasa 1st year high school na. Mahal na mahal nya ang pamilya nya kaya mas minabuti nya na munang magtrabaho pagkatapos ng high school at pinagpaliban na muna ang kanyang kagustuhang makatungtong ng kolehiyo.

Raised in a poor and broken family, Joana became a strong and independent woman. Bata pa lang siya, madalas na nyang masaksihan ang pag aaway ng kaniyang mga magulang na nauuwi sa pisikalan. Wala siyang magawa kundi umiyak lang habang nagsasakitan at nagbabatuhan na maaanghang na salita ang kanyang ama't ina. Mabait na anak si Joana, kaya naman ni minsan hindi siya nagtanim ng galit sa kanyang mga magulang. Malinaw sa isip nya ang sanhi ng lahat ng tensiyon sa kanilang pamilya - KAHIRAPAN.

Agad nagtungo si Joana sa loob ng banyo at mabilis na naghubad para maligo. Kasalukuyang natutulog pa ang kanyang ina dalawang kapatid. Alam nyang maya maya din lang ay babangon na din ang nanay nya upang magluto ng almusal habang gumagayak siya papunta sa trabaho.

Mag uumpisa na sana siyang maligo nang mapansin nyang , wala nang sabon pampaligo , tiningnan niya din ang lalagyan ng shampoo, ngunit wala na rin laman kahit kaunti. Labis na kalungkutan ang naramdaman nya dahil inisip niya ang sobrang kahirapan ng kanilang pamilya. Napaiyak siya sa samu't saring alalahanin, pagod na pagod na siya sa ganoong klase ng buhay dahil simula pagkabata puro hirap na ang dinanas nya.

Iwinaglit muna nya pansamantala ang malungkot na na mga alalahanin. Ibinalin na lamang nya ang atensiyon sa panlabang sabon na nakita nya at pinagtiyagaan na muna nyang gamitin panligo.

"Hay, tama na muna ito sa ngayon, mamaya uutang ako kay melody kahit isang daan para makabili ng sabon at shampo, malapit nanaman na ang sahuran" sa isip nya.

Lumaki man sa hirap, hindi maitatangging hindi mukhang mahirap si Joana. Napakakinis ng balat nya na may maputi, matangkad at seksi ang katawan, kaya naman di maiwasang marami ang nagkakagusto sa kanya. Ngunit sadyang walang interes si Joana sa usaping pag -ibig dahil wala siyang ibang inisip kundi magtrabaho para may makain sila.

Samantala, habang nasa banyo si Joana, nagising na ang kanyang nanay na si aling Marie. Mabilis itong nagtungo sa kusina at inayos ang ulingan para maghanda ng agahan.

Pagkatapos ng tatlumpong minutong pagligo , lumabas na siya sa banyo at naabutan nyang abala na ang nanay nya sa pagluto.

"Tagal mo naman maligo 4:30 na di ka pa bihis" ani ni aling Marie himbis na batiin ang anak ng magandang umaga.

Sanay na si Joana sa nanay nya, laging maiinitin ang ulo at palasigaw simula pa nung bata sila. Kahit sa harap ng pagkain pinapagalitan sila basta mainit ang ulo. Naiintindihan naman ni Joana ang ugali ng kanyang ina, alam nyang dala lamang ng maraming problema at kahirapan kung kaya't laging mainit ang ulo ng nanay nya. Ngunit inaamin din nya na minsan ay naiinis na sya sa ina dahil araw araw na lang galit na para bang pasan ang daigdig.

Mabilis na nagbihis si Joana ng uniporme sa trabaho, bagay na bagay sakanya ang suot na itim na hapit sa katawan at litaw ang taglay na kaseksihan. Nang makabihis, agad nag make up ng kaunti, inisip nya na mag retouch na lang pagdating sa trabaho dahil ordinaryong bus lang naman ang sasakyan nya.

Nang matapos, agad na nagtungo sa kusina.

Nang mga sandaling iyon tapos na din maghanda ng agahan ang kanyang ina.

Naabutan nyang nakanda na ang plato nya, tinapa at kamatis ang ulam at sinangag.

"Kain na, kinse minutos na lang dadaan na ang bus andito ka pa , dapat nakaabang ka na sa kalsada. Hay naku tagal tagal mo kumilos pag nawalan ka ng trabaho pano na ang mga utang natin." patuloy na sermon ng kanyang ina habang siya any halos mabilaukan na dahil di na halos nginunguya ang pagkain sa sobrang pagmamadali. Di na rin nya pinansin ang mga sinabi ng nanay nya dahil sanay na siya rito.

Pakatapos kumain, mabilis na nag sipilyo si Joana at matapos ang 1 minuto kinuha na nya ang bag at nagpaalam na aalis na.