MAG-IISANG linggo na rin si Athena sa trabaho at ilang beses pa lang niya ulit nakikita si Dan madalas kasi ay pinapasya na lang niyang maging busy sa trabaho. Isa pa hindi na rin biro ang demands ng mga customers halata kasing gusto-gusto ng mga ito ang mga gawa niya lalo pa at hindi lang particular na matatamis ang binebenta nila, meron silang mga non fat pastries at ilang mga healthy bread na siya mismo ang nagdevelop.
Mas lalo lang tuloy niyang ibinaon ang sarili sa trabaho, pero masasabi pa rin niyang nage-enjoy siya lalo pa at 'ni minsan ay hindi pumalya ang energy niya sa pakikipagsabayan sa kakulitan sa mga kasamahan niya.
"Athena." Napakurap siya nang marinig siyang tinawag ni Leila noon lang niya napansin na wala na palang tao sa loob ng kusina maliban sa knaila.
Sinipat niya ang niya ang wallclock na at saka na-realize na tapos na ang oras ng trabaho kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit wala nang tao doon.
"Uwian na ba?"
"Kanina pa po, akala ko napansin mo na kaya nauna na ko sa locker room hindi pa pala."
Napakamot na lang siya sa noo, ganon na ba talaga siya ka focus sa ginagawa niya at pati oras hindi na niya namamalayan?
Napatingin siya sa minamasang harina, kailangan kasi niyang i-ferment 'yon para madali na lang ang trabaho bukas ng umaga, pero hindi pa siya nangangalahati sa ginagawa, nakita din 'yon ni Leila kaya nakita niya ang pagaalangan nitong umalis.
"Ako nang bahala ditto Lei, siguradong hinahanap ka na ng anak mo uwi ka na tatapusin ko lang 'to tapos magliligpit na ko."
"Sigurado ka? Mas mapapabilis kung tayong dalawa ang tatapos niyan."
"'Ay nako sige na ako nang bahala wag nang makulit ako lang ang may karapatang maging ganon."
Natatawa na lang ito sa kanya saka nagpaalam nang umalis, nabalot ng katahimikan ang paligid niya.
Ayaw niya ng katahimikan pakiramdam kasi niya ay bumabalik siya sa panahong may malulukot siyan alaala.
Ipinilig niya ang ulo saka muling nagsimula sa pagmamasa niya ng harina mas mabilis niyang matapos 'yon ay mas maaga siyang makakapagpahinga.
Lumipas ang oras nang hindi niya na naman namamalayan hanggang sa mapapitlag siya nang may narinig na nagsalita.
"Hindi ko naalalang nagbabayad ako sa overtime ng mga empleyado ko."
Anak ng pitong tupa agad siyang nagangat ng tingin sa ginagawa, akala niya may multo pero laking gulat niya nang makita niya si Dan na nakasandal sa may pintuan mukhang kanina pa ito naroroon at ngayon lang kinuha ang atensyon niya.
"Andito pala kayo,Sir. Gabi na ah." Pilit niyang binalewala ang paghuhuramentado ang puso niya. Hindi niya dapat ipahalata na nagso=short circuit ang utak niya sa presensiya nito.
"This is my restaurant I can go anytime I want. Ikaw ang hindi na dapat nandito dahil tapos na nag working hours." Nakahalukipkip na ito.
Nagsungit na naman ang lolo mo nakakaloka.
"Nagpaalam ako kay Sir Rainier 'no." ingos saka nilalagay sa isang container ang namasa na niyag dough saka 'yon tinakpan ng cling wrap nang ilibot niya ang tingin sa table na noon lang niya napansin na tapos na pala ang mga natitira niyang trabaho.
Gusto niyang mapapalatak kung kailan naman kailangan niya ng distraction ngayon pa 'to nangyari.
"You really have a sharp tough you know." Naghugas na sya ng kamay kailangan niyang hindi makita ang mukha nito kung hindi mapapatanga na naman siya sa kagwapuhan nito baka mamaya niyan isipin nitong may pagkukukulang siya sa pag-iisip masesante pa siya ng wala sa oras.
"Nakakalimutan mo yatang may atraso ka pa sa'kin."
Natigilan siya. "Quits lang tayo Sir, ako ba naman 'yung paaliisin mo na parang kuting ewan ko na lang kung hindi ka mapipikon 'don."
Tinaasan siya nito ng kilay. "Pagkatapos kitang tulungan? Patulugin sa condo ko at pakainin ng almusal ikaw pa ang masama ang loob?"
Sa pagkakataon na 'yon ay humarap na siya rito at nameywang. "Dagdagan mo pa kulang pa ata ang pambubugbog mo sa konsensya ko eh."
Noon lang niya napansin ang pigil na ngiti nito sa labi, nagiwas siya ng tingin kung hindi magmumukha na naman siyang eng-eng sa harap nito.
Syet Bes, ang pheromones tumatambay sa paligid parang gusto niyang manghuli ng isa at itago sa bulsa niya o kaya ang mismong sanhi ng pagpapalpitate niya.
"Have you eaten?"
"Ha?" teka kailan sila nag change ng subject? Daig pa nito ang ipo-ipo sa bilis magbago ng isip hindi niya masundan ang wave length nito.
"Have. You. Eaten?"
Parang gusto niyang upakan na ito nang magsalita ito na para siyang three years old na bata. Ginawa na nga siya nitong dwende itutulad pa siya sa batang paslit.
"Yes." Pasupladang sagot niya pero ang tinamaan ng lintik biglang nagprotesta ang mga bulate niya sa tiyan. Ang malala pa ang lakas pang mag-ingay, goodbye pride! Kakahiyang life ito may gulay.
"Really huh?" tuluyan na itong napangisi, wala na uwian na may nanalo na sa most handsome award.
Sasagot pa sana siya para kahit papaano ay maisalba ang nag walk out niyang pride pero another welga na naman ang narinig niya. "Hindi pa ko kumakain." Pagsuko niya.
Mas mabuti na 'yon kaysa tuluyan nang kainin ang mga bulate niya tiyan ang laman loob niya.
Napailing na lang ito sa kanya. "Kailan ka huling kumain?"
"Kaninang umaga ata." Muling nagingay ang tiyan niya. "Oo kaninang umaga pa nga."
HastagworkIsLife kaya pati pagkain niya ay hindi na niya namamalayan.
"Hindi kasama sa medical insurance ng mga empleyado ang over fatigue dahil sa stress sa trabaho."
"Oo na." mabuti pang umalis na siya nang makakain na siya.
Nadia Lucia