webnovel

Front Seat

Sa loob ng kotse ni Jeremy.

"Kuya Jeremy, girlfriend mo na ba si Ate?"

Napaubo si Jeremy sa deretsahang tanong ni Earl.

"EARL!!!"

Galit na pinadilatan ni Eunice ang kapatid.

"Bakit ba? Nagpropose ka dyan alangan naman hindi ako magtanong!"

Pero tumahimik lang si Jeremy at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.

Ngunit sadyang makulit si Earl.

"Kuya Jeremy, sumagot ka naman! Hindi mo ba gusto ang Ate ko?"

Muling napaubo si Jeremy.

"NICHOLAS EARL!!!"

ISUSUMBONG NA KITA KE MOMMY!!!"

"Bakit ka ba galit dyan? Kunwari ka pa gusto mo rin naman malaman!"

Nag blush si Eunice at napatingin ito sa salamin sa harapan. Doon nakita nya na napatingin din si Jeremy sa kanya.

Hindi nito alam ang gagawin. Bigla syang nahiya. Binawi nito ang tingin at inilipat sa labas.

Pulang pula ang magka bilang pisngi nya at hanggang tenga ang ngiti.

Kinagat nya ang mga labi nya para pigilan ang sariling kiligin.

"Asus, si Ate Eunice kinikilig! Sumbong kita dyan ke Daddy e!"

Binato sya ni Eunice ng kanina pa nyang hawak na ballpen.

"O tama na yan baka magkasakitan pa kayo!"

Saway ni Jeremy sa dalawa.

"Saka Earl bata pa ang Ate Eunice mo, hindi pa sya pwedeng mag jowa!"

"Hindi naman bata forever si Ate ah! Tatanda rin yan! Pagtumanda na ba si Ate ijo jowa mo na sya?"

Hindi na muling sinaway ni Eunice ang kapatid. Sa kalooban nya gusto din nyang malaman ito.

Kunwari lang syang nakatingin at nag eenjoy sa tanawin sa labas pero nanlalaki ang tenga nya na nakikinig sa paguusap ng future na mag bayaw.

"Bakit hindi! Maganda kaya ang Ate mo!"

'eeeiiii!!!' Kinikilig ako!'

Nagsusumigaw ang puso ni Eunice.

Hindi namalayan ni Eunice na pumasok na sa entrance ng school ni Earl ang kotse.

"Teka, bat ako inuna mong ihatid? Gusto pa naman kitang kausapin pa!"

"Wagkang mag aalala pag may time maguusap tayo!"

"Ikaw din ba ang susundo sa akin?"

"Baka hindi na! kasi late na ang uwian ko!"

At binitbit na nito ang bag saka binuksan ang pinto ng sasakyan.

Pero bago tuluyan lumabas kinausap nito ang ate nya.

"Oh ayan Ate Eunice aalis na ako dito ka na sa harapan para tabi kayo ni Jeremy!"

At kumaway na ito sa dalawa. Iniwan ang dalawang biglang nagkailanganan.

"Uhm.. gusto mo bang lumipat?"

Bigla itong nagbukas ng pinto at hindi na inantay ang sagot na nagtungo sa likuran pinto para pagbuksan sya.

'Jusko, anong gagawin ko! Anong gagawin ko?!'

'Lilipat ba ako o hindi?'

'Paano pag nalaman ito ni Daddy? Lagot ako dun!'

'Pero sino bang mag sasabi kay Daddy?'

Luminga linga ito.

Tininingnan nya si Jeremy na kanina pa nagaantay na nakatayo sa gilid nya at nakataas ang isang kamay hinihintay ang kamay nya.

'Ay naku bahala na nga! Sinong bang niloloko ko e gusto ko rin naman ito! Go!'

Iniabot nito ang kamay nya kay Jeremy at saka tumayo.

Inalalayan siya nito hanggang makaupo sa makalipat ng upuan sa harap, katabi ni Jeremy nya.

"Uhm.. Pasensya ka na kahapon sa akin."

Sabi ni Jeremy.

"Hindi naman ako galit sayo dahil sa sinabi mo sa stage. Naiinis lang ako kasi hindi mo man lang ako hiningan ng tulong kahapon nung nasira ang bike mo!"

Gustong sabihin ni Eunice na sinubukan nyang habulin at kausapin kahapon pero hindi nya sya naabutan.

"Kasi ang tagal mo na akong hindi kinakausap, feeling ko iniiwasan mo ako! Iniiwasan mo ba talaga ako!"

Napalunok si Jeremy.

Totoong iniiwasan nya si Eunice.

Bakit? Hindi nya maintindihan pero mayroon syang hindi maipaliwanag na nararamdam dito simula pa ng pasko. Simula ng sya ang naging date nito sa isang Christmas party ng family nila.

Hindi nya sigurado kung ano ito at ayaw nyang sabihin kay Eunice.

'Bata pa sya. Gusto ko munang masiguro ang damdamin ko!'

"Sorry Eunice, medyo naging busy lang. Ang hirap kasi ng graduating eh!"

Mula sa entrance ng school ni Earl hanggang sa school nila, siguro mga 5 minutes lang.

Pero pinatakbo ng sobrang bagal ni Jeremy ang sasakyan para matagal pa silang makapagusap.

Mas mabagal pa ito sa prusisyon, kaya ng dumaan ang sasakyan nya sa gate ng school, nakanganga at nakamulagat ang mata ng mga bullies na nag aantay kay Eunice.

Hindi man sila maniwala pero kitang kita ng mga mata nila, si Eunice, nasa front seat ng kotseng minamaneho ni Jeremy.