webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 97

Sa bahay nila Kelly,

Habang nag hahapunan yung dalawa "Tito Kim, bakit wala pa rin si tita Kelly? Gabi na po eh.

Kim: Hindi ko nga rin alam pati ang daddy mo at si Kevin wala parin eh.

Sa isip-isip niya "Pambihirang bata ito ang tita Kelly niya lang ang inaalala yung daddy niya hindi man lang naalalang tanungin."

Jacob: Tsk...hindi po ako sanay ng wala pa si tita ng ganireng oras.

Kim: Pero sigurado naman akong may good reason si tita Kelly mo kaya wala pa siya.

Jacob: Tawagan na po natin siya.

Kim: Sige sandali lang kukunin ko lang ang telepono ko.

Inilabas naman ka agad ni Jacob yung telepono ni Kim "No need na po nakuha ko na."

Kim: Ha?

Jacob: Sorry po kung nangialam na ko pero kanina ko pa po kasi gustong tawagan si tita Kelly pero hindi ko po mahulaan ang password ng cp niyo.

Sa isip-isip ni Kim "Pambihira! Manang mana talaga siya kay Kelly jusmiyo! Buti nalang pala at face recognition ang nilagay kong password. Thank goodness baka kung ano pang nakita ng batang ire malilintikan pa ako kay kuya."

Jacob: Tito?

Kim: Ha? O—oo sige tatawagan na natin ang tita Kelly mo.

Jacob: Okay po samahan niyo na rin po ng konting bilis.

Kim: Sigh...batang ito talaga daig mo pa ko kung mag alala sa bunso naming kapatid ah.

Jacob: Ay syempre po pero tito bilisan niyo na tama na ang daldal.

Pinisil niya ang pisnge ni Jacob "Oo na ere na po kamahalan."

Sa Condo ni Patrick,

Habang nakaupo "Sigh...buti nalang at may yelo naman siya sa ref jusme puro tubig at yelo ang laman ng ref niya tapos puro instant food naman ang nasa pantry nya kaya siguro siya nagkasakit wala ng sustansya ang mga kinakain niya."

"Ring...ring..."

Kelly: Um? My tumatawag sakin.

Pagkakuha niya ng telepono sa bulsa "Nako! Si kuya Kim!" Sinagot naman niya ito "He---hello? Kuya?"

Kim: Nasan ka na ba? Gabi na eh.

Tinignan ni Kelly ang relo at nakita niyang 8pm na "Ho? Pauwi na rin ako mamaya kuya may tinatapos lang po akong project. He---he---he..."

Kim: Sige mag-ingat ka kung gusto mo text mo si kuya Kian para maisabay ka ng umuwi pauwi na rin yun eh.

Kelly: Si---sige kuya.

"Tita Kelly umuwi ka na agad ah?" Ang pa sigaw na sabi ni Jacob.

Kelly: Si Siopao ba yun kuya?

Kim: Nako, oo kanina ka pa niyang tinatanong bakit wala ka pa daw.

Kelly: Sige pakisabi pauwi na rin kanyo ako.

Kim: Sige itext mo si kuya Kian okay? Para makasabay ka na.

Kelly: Um...sige kuya bye.

Kim: Sige.

Pagkababa niya ng telepono "Sigh...nako, medyo late na nga kanina pa pala ako andine bakit kaya wala pa si Prof.Mina ang oa pa naman nila kuya kahit ang aga pa naman ng 8pm sasabihin gabing gabi na. Pambihira!"

"Ding...dong.." Tunog ng doorbell.

Kelly: Oh! Baka si Prof.Mina na yan.

At pandalas na niyang binuksan ang pinto at pag bukas niya "Paula?" Ang pagulat na sabi sa kaniya nung babae at niyakap siya nito.

Sa isip-isip ni Kelly "Si---sino siya? Infairness ang puti at ang ganda ng kutis mukhang yayamanin rin. Pero sandale! Tinawag niya akong Paula? Yung Paula na naman na yon? Napagkamalan na naman akong si Paula!"

Tinulak niya ng bahagya yung babae "Ah...eh..sorry pero hindi ako si Paula my name is..."

"Kelly Ann Marie Dela Cruz right? I'm Precious nice to meet you."

Kelly: O---okay?

Precious: Where's Patrick?

Kelly: Ha? A---andoon siya sa kwarto niya nilalagnat kasi siya eh.

Precious: ANO?

Pandalas naman siyang pumunta sa kwarto ni Patrick "Tsss...maka ano naman kala mo naman gagaling si Patrick don sa pag sigaw niya. Humph!" Ang pabulong na sabi ni Kelly at sumunod rin kay Precious "Tumawag ka na ba ng doctor?"

Kelly: Ha?

Sa isip-isip ni Kelly "Ba'y oo nga ano? Bakit ba di doctor ang tinawagan ko at si Prof.Mina eh techear yon."

Precious: Tsk...sige na ako nalanag tatawag sa family doctor nila.

"Family doctor?" Ang pabulong bulong na sabi ni Kelly at natahimik nalang siya.

Precious: Yes doc salamat.

"Ahm....ilan ang temperature niya? 38 pero kanina mataas nag 40 pero mukhang ayos naman siya kaya hindi doctor yung tinawagan ko kundi yung Professor namin."

Precious: Ano? Sobrang taas na nun!

Kelly: Sorry hindi ko kasi alam ang gagawin ko inutusan lang kasi ako ng Prof.namin dine na dalhin ko yung modules niya tapos nalaman ko may sakit pala siya.

Precious: Sigh...ayos lang hayaan mo na matigas rin naman kasi ang ulo niya ayaw niyang mag pahinga tapos ayan nag kasakit na sya ng tuluyan pasaway kasi.

Sa isip-isip ni Kelly "Bakit feeling ko kilalang kilala niya si Patrick?"

Precious: Nga pala, baka hinahanap ka na sa inyo you can go now I'm here naman na ako ng bahala sa kaniya.

Kelly: Ha?

Precious: Oo ako ng bahala sa kaniya papunta na rin naman ang family doctor nila dito kaya maaari ka ng umuwi. Salamat!

Kelly: O---okay?

At umalis na nga si Kelly ng condo ni Patrick at pag labas niya "Humph! Di na ko babalik diyan! Mag sama kayo! Tsss..." Ang sabi niya at umalis ng may galit.

9:30pm,

"Andito na po ako." Ang sabi ni Kelly "Sigh...sa wakas naka uwi rin bwiset na yan napaka hirap sumakay sa lugar nila Patrick asar ginabi na..."Nagulat siyang naka upo sa sala ang mga kuya at ang sama ng tingin "H---Hi? Ma---magandang gabi ho?"

"Upo!" Ang sabi ng mga kuya niya.

"O---okay po." Ang kinakabahang sabi ni Kelly at dahan-dahan naman siyang umupo sa may dulo.

Kian: Bakit ang layo mo lumapit ka!

Kelly: Ah? Eh....kasi kuya amoy pawis at usok na ko baka di niyo matagalan.

Kim: At bakit naman? Saan ka ba ng galing? Sa palengke?

Kelly: Ah...eh...hin—hindi naman kuya.

Kevin: Eh bakit parang hindi ka makatingin ng ayos samin?

"Hey!! Andito ko asan si Kelly?" Ang sabi ni Keith via videocall sumilip naman ka agad si Kelly "He---hello kuya kamusta ka diyan kayo ni ate Faith ready na ba kayo sa pag dating ni baby?"

Keith: Heh! Wag mong ibahin ang usapan!

"SAAN KA NANG GALENG!!!" Ang sabi nung apat na medyo pa galit.

Kelly: A---Ahm...kasi mga kuy's...ano..."

"ANO NGA???" Anila.

Kinabukasan,

Nasa hapagkainan na ang mga kuya ni Kelly "Si Kelly? Hindi pa ba gising? Ang sabi ni Kian.

Kevin: Hindi pa ata kinatok ko na yung pintuan niya eh.

Kim: Baka nagmamaktol pa rin kasi napagalitan natin ka gabi.

Kevin: Sigh...kung hindi pa nga sinabi sakin ni Mina yung nangyare nako malilintikan talaga yang si Kelly eh.

Kian: Hayaan niyo na at least hindi naman siya nagsinungaling sinabi niya yung totoo.

Kim: Pero hindi ba't yung Patrick na yun yung anak daw ng may-ari ng SM?

Kevin: Oo bro sya nga pero matagal niya yung itinago sa lahat nito lang nalaman ng sambayanan kasi nagka sakit ang daddy niya.

Kian: Oh eh ano naman ngayon?

Kevin: Eh kasi kuya ako yung naka assigned na nurse dun minsan sa daddy ni Patrick at alam niyo ba naka vip room yun dun sa DLRH alam ko isa rin sila sa may ari nun eh.

Kim: Aba, at talaga palang mayaman ang pamilya nila.

Kian: Ano namang pakialam natin? Kumain na nga kayo!

Kevin: Pero kuya hindi ko sana ito sasabihin sa inyo pero sabi sakin ni Patrick hindi niya na raw guguluhin si Kelly hindi ba sinabi niya noon na may gusto siya sa kapatid natin.

Kian: Mabuti yon mga bata pa sila mabuting alam niya ang gagawin tama ang desisyon niya.

Kim: Pero hindi ba't hindi yun alam ni Kelly? Na gusto siya ni Patrick?

Kevin: Parang alam niya na ata? Pero binusted siya ni babysis galing noh? Haba ng hair.

Kian: Gusto mong ibuhos ko sayo ang kapeng ito?

Kevin: Kuya naman!

Kain: Haba-haba ka pa ng hair dyan mabuting yun ang ginawa ni Kelly dahil bata pa siya hindi pa sya pwede mag boyfriend.

Kim: Tama!

Kevin: Ang akin lang naman kasi napaka gentleman nung si Patrick mantakin niyo sinabi niya sakin na wag daw nating pababayaan si Kelly at wag pababayaang mga lalaki ang lagi niyang ka tropa. Nung narinig ko nga yun nauma ako eh pero na realized ko na talagang mahal niya si Kelly kahit na humahadlang tayo.

"KA BANG!" Nagalit si Kian at naibuton sa mesa .

Kevin: So---sorry kuya.

Kim: Sigh...manahimik ka nalang kasi!

"Daddy!!! Tito Kim, Tito Kevin!!!" Ang sigaw ni Jacob pandalas naman yung tatlo "Bakit???"

Jacob: Si tita Kelly po ang init ng ulo.

"Ano??" Pandalas naman yung tatlo papunta sa kwarto ni Kelly.

Kevin: Kuya Kim pakikuha ng thermometer sa bag ko.

Kim: May dala ka sa bag mo?

Kevin: Oo naman nurse ako eh kailangan boy scout.

Kian: Heh! Ano't mag kukwentuhan pa talaga kayo dine?

"So—sorry bro."

Kian: Bilisan mo na yung thermometer!

Kim: O—oo kuya.

Kevin: Kuya, mabuti pa ata ihatid mo muna si Siopao kay ate Rica bata yan eh baka mahawa.

Jacob: Pero bakit po? Ano po bang nangyayare kay tita Kelly?

Kian: Magiging ayos rin si tita pero ngayon ihahatid na muna kita sa mommy mo okay?

Jacob: Si--sige po.