webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 66

Kinabukasan,

Pagmulat ng mata ni Kelly nasa biyahe na siya nasa likod silang dalawa ni Jacob "A---anong? Nasaan ako?" Aniya.

Jacob: Morning tita Kelly nasa van po tayo.

Kelly: Morning?

Kim: Oh, gising ka na?

Kelly: Oo? Ano ito? Bakit nandito ako?

Habang nasa unahan si Keilla kasama si Kian na driver "Bunso, tulog na tulog ka kasi kaya ayan sinakay ka na ng mga kuya mo dine na di mo namamalayan." Ang sabi ni Keilla.

Kelly: Ho? Saan ba tayo kasi pupunta?

"SA BULACAN!!!" Ang tugon ng mga kuya niya.

Kelly: Bu---Bulacan????

Kinagabihan noong Biyernes,

Sa Sala,

Nanonood at nag uusap sila Kian samantala busy naman yung dalawa ni Kelly at Jacob sa kalalaro sa celphone nito "Ngayong magaling na si Jacob tama lang na makalanghap siya ng sariwang hangin tama ba ako Kian?" Ang sabi ni Keilla.

Kian: Opo? Ano pong binabalak niyo?

Keilla: Dahil weekend naman na bukas at magaling na rin si baby boy pupunta tayo sa Bulacan.

"Bulacan???" Anila Kian maliban kay Keith.

Keilla: Keith? Say something.

Keith: Sigh...Ma naman eh.

Keilla: Magsasalita ka ba o babawasan ko yang daliri mo?

Keith: Opo ere na nga.

Kim: Ano po ba yun Ma?

Keith: Sigh...gusto ni mama na gawin na ang pamamanhikan bukas.

Kevin: Eh? Agad? Agad? Kala ko nagbibiro lang kayo nung isang araw Ma.

Keilla: Well, naisip ko na wag ng patagalin naiinip ako diyan sa kuya mong tukmol ayaw man lang ipakilala si Faith kahit sa picture.

Keith: Mama naman kasi eh...

Keilla: Heh! Tumigil ka!

Kian: Well, ayos na rin po yun para makilala na nga rin kayo ni Faith at ng pamilya niya.

Keilla: That's my goal talaga anak.

Kevin: So, ano pong oras bukas?

Keith: Gusto ni Mama umaga raw para di ma traffic mama naman kasi di nga tayo prepared sila pa kaya?

Keilla: Heh! Sino bang may sabi na di tayo prepared? Nasa ref ng lahat ang dadalhin nating food at yung mga gift nasa kwarto ko ilalagay nalang sa sasakyan.

Kevin: Di nga kayo prepared Ma.

Keilla: Well, ako pa ba?

Keith: Sigh...

Kim: Eh ikaw Keith? Sinabihan mo na ba si Faith na dadayo tayo doon?

Keith: No choice bro pinandilatan ako ng mata ni Mama.

Keilla: Ano?!

Keith: Wala po.

Kian: Tsss...sira! Hoy, Kelly!

Busy pa rin si Kelly at Jacob "Mmm?"

Kian: Ano na naman yang tinuturo mo kay Jacob?

Kelly: Tsk...mamaya na kuya baka mataya ako dine.

Jacob: Opo nga mamaya na po daddy.

Kian: Aba't!

Pinigilan siya ni Keilla at sinabing "Ako na!"

Kian: Si---sige po.

Tumayo at kinuha ni Keilla ang cellphone "Ma!!!!" Ang sabi ni Kelly at "Mamsie!!!" naman ang sabi ni Jacob.

Keilla: Tigilan niyo na yan gabi na kagagaling lang ni Jacob baka mabenat yung bata Kelly!

Kelly: Tsk...Mama naman eh ako naman ang naglalalro eh at di naman si Jacob.

Jacob: Opo nga po Mamsie si tita naman po ang naglalaro at nanonood lang naman po ako.

Keilla: Ohhh...ganun ba? Kevin, kuhanin mo yung munggo sa kusina.

Kevin: Pffft...Opo Ma.

Kelly: Ha? Munggo? Nako, inaantok na nga po ako eh di ba baby boy?

Sinenyasan ni Kelly si Jacob "Ano yon tita? Bakit mo ko ni-wiwink yung mata mo? Masakit po? Hihipan ko po?"

"Pffft...ahahahaha..." Natawa ang mga kuya ni Kelly.

Kelly: Tsk...baby naman eh!

Keilla: Kevin, yung munggo.

Kelly: Ha---ha---ha...naalala ko may gagawin pa nga pala ako bye Ma goodnight everyone.

Pandalas na ng takbo si Kelly patungo sa kwarto niya "Tita Kelly, intay..." Ang pahabol na sambit ni Jacob.

Pero hinawakan siya ng daddy niya at sinabing "Hep, little siopao ngayong gabi hindi ka matutulog sa tabi ni tita Kelly malikot yun matulog madadali niya ang sugat mo sa kamay."

Jacob: Po? Pero gusto ko sa tabi ni tita Kelly ang lambot ng unan at kama niya po.

Kian: Ano? So, hindi malambot ang kama ni daddy? Pati unan?

Kevin: Kuya, sa sobrang kuripot mo ang nipis na ng kama mo di mo pa pinapalitan ka tagal na eh.

Keith: Well, kung ako rin tatanungin mas pipiliin ko ang kama ni Kelly sating lima sa kaniya nag pinakamalambot.

Keilla: Hey! Andito ako noh? Kayo ang pumili ng kama niyo kaya wag nga kayong ano diyan baby boy sa tabi ka nalang ni mamsie okay?

Jacob: Sigh...sige po.

Kian: Pero Ma baka mapuyat kayo me iinumin pa siyang gamot ng 9pm baka tulog na kayo nun.

Keilla: Heh! Edi mag aalarm ako wag ka nga diyan baby halika na tutulog na tayo.

Jacob: Ho? Pero kasasabi lang ni daddy na may....

Keilla: Oo alam ko mag aalarm naman si Mamsie eh.

Jacob: Sige po...Sigh....

Keilla: Sige na maaga pa bukas kaya wag kayong magpupuyat!

"Opo." Anila.

Sa Kasalukuyan,

Sa isang Karendieria,

Huminto muna ang pamilya Dela Cruz para mag agahan "Wow, pwede po pala ilagay ang tokwa sa goto?" Ang sabi ni Kelly.

Kevin: Aba'y oo naman puro kasi manok ang alam mo pwede ngang wala eh kalamansi, paminta at patis swabe na.

Jacob: Sila Mommy po gusto nila po yung labot, twalya po sinasabing part po yun ng balat ng baka.

Kelly: Oh? Alam mo yun?

Jacob: Opo kasi nakain din po ako nun eh kasi di po ako pinapakain ni mommy ng egg.

Kelly: Ay...oo nga pala pero tokwa rin ang pinalagay mo.

Kevin: Syempre lodi ka na ata ng sipao na yan eh.

Jacob: Daddy, gusto ko rin po ng siopao.

Kevin: Ha? Ahahahaha...siopao is your nickname di kita inaalok. Bro, yung anak mo. Hahahaha...

Kian: Sige baby oorder tayo.

Keilla: Ayaw niyo ba talaga kumain ng tapsilog? Di ba't paborito niyo itong lima?

Kim: Eh namiss rin po kasi naming kumain ng goto Ma.

Keith: Tsaka yung tapsilog niyo dapat tawag diyan "Tapsi" lang wala namang itlog yang inorder niyo eh.

Kelly: Opo nga pero ako Ma gusto ko.

Jacob: Ako rin po Mamsie.

Kian: Ha? Hindi ba't gusto mo rin ng siopao? Di naman kaya masobrahan ka nak? Agahan palang yan.

Jacob: Daddy, keribels lang.

Kian: Ano yon? Keri...bels?

Kelly: It means "kaya yan" basta yon naririnig niya kasi yun sakin.

Kian: Haysss....sabi ng wag magsasalita ng salitang balbal eh!

Kelly: Ehhh...sorry na.

Keilla: Oh, tama na yan nakain eh.

" Sorry Ma. " Tugon nung dalawa.

Kelly: Bleeehh...

Kian:Tsk...

Jacob: Daddy, tita Kelly wag na kayong mag asaran kumain nalang po tayo di ba po?

"Yeah...." Anila at natawa sila sa mga sinabi ni Jacob.

Keilla: Tignan niyo daig pa kayo nung bata.

Kelly: Eh, Ma di na bata yang si Jacob eh 50years old na yan.

Jacob: Tita naman.

Kelly: Ahahahaha...joke lang buti nalang matured ka na kasi yung daddy mo immature

Kian: Ano??!!!

Keilla: Oh, tama na yang asaran bilisan niyo na at ng tayo eh makabalik na ulit sa biyahe.

"Yes Ma." Anila nila Kelly at ng mga kuya niya.

"Yes Mamsie." Ang tugon naman ni Jacob.

Sa Office ni Patrick,

"Knock...knock..."

Patrick: Tuloy bukas yan.

Binuksan ni Maricar yung pinto at sinabi niyang "Sir, may bisita po kayo."

Patrick: Sino?

Pumasok naman si Dave "Surprise Dude."

Patrick: Tsss...Ms. Maricar hindi yan bisita paalisin mo na yan may gagawin pa ako.

Maricar: Ho?

Dave: Ahahahaha...Ms. Maricar ako ng bahala pwede ka ng lumabas at gawin ang gagawin mo.

Maricar: Pero...

Patrick: Sige na Ms, nextime pag di mukhang bisita wag mong papasukin ng opisina okay?

Maricar: O---opo sige.

At umalis na nga si Maricar "Napaka mo talaga dude di mo ba ako na miss?" Ang sabi ni Dave at naupo sa may upuan sa harap ni Patrick.

Tumayo at namintana naman si Patrick "Ano na naman bang kailangan mo?" Aniya.

Dave: Um...wala naman na miss lang kita bro grabe ka.

Patrick: Tsss...ano nga? Papakaladkad kita sa security.

Dave: Wagas.

Patrick: Ano nga kasi? Kilala na kita di ka pupunta dine ng walang kailangan.

Dave: Okay, fine pero wala naman talaga akong kailangan ikaw nga ang may kailangan sakin.

Patrick: Ha? Ano na naman yang pinagsasabi mo di'yan?

Dave: It's Kelly.

Patrick: Ha? Anong nangyare kay Kelly?

Dave: Na ospital.

Lumapit ka agad si Patrick kay Dave "ANO??? BAKIT???BAKIT DI MO AKO SINABIHAN????"

Dave: Pfft...Ahahahahahah...

Patrick: Eh? Ano naman ang tinatawa tawa mo di'yan???? Sasapakin na kita eh.

Dave: Kumalma ka kasi okay lang si Kelly yung pamangkin niya yung na ospital.

Patrick: Sigh...salamat naman pero anong nangyare sa matabang batang yon?

Dave: Ahhh...na allergy pero okay na nakauwi na rin kahapon.

Patrick: Ohhh...I see.

Dave: Pero ngayon pupunta sila ng Bulacan.

Patrick: Bulacan? Bakit raw?

Dave: Di ko rin alam di mo pa ba nakita yung IG post ng kuya Kevin niya?

Patrick: Hinde...sandali lang friend kayo nun sa IG??

Dave: Bay oo naman naka public naman account nun kaya pedeng i-follow ng kahit sino.

Patrick: Oh?

Bineltukan niya si Dave "Bakit di mo sinabi sakin???"

Dave: Aba, malay ko naman.

Patrick: Asan? Patingen?

Dave: Wala akong load paconnect sa wifi dine sa office mo.

Patrick: Tsss...sya, sya akin na.

Dave: Yown...malakas ba?

Dave: Heh! Akana yang cellphone mo.

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts