webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 57

"Ano? Pati yon alam mo ate?"

May: Oo naman at buti naman di mo na naisipang gawing little sister mo si Kelly. Kung hindi masasampiga talaga kita diyan.

Patrick: Gusto ko lang naman kasing bumawi kila mommy at daddy eh kaya gusto ko sanang magpanggap si Kelly as Paula.

Pinitek ni May ang tenga ni Patrick "Aw...ate naman."

May: Para magtanda ka di lang yan ang makukuha kung ginawa mo yon!

Patrick: Di ko na nga ginawa di ba?

May: At dapat lang! Dahil lalo mo lang palalain ang sitwasyon ni daddy.

Patrick: Naka bisita ka na ba sa ospital?

May: Um...kanina bago ko umuwi dine bakit di ka pa raw nabisita roon sabi ni mommy?

Patrick: Nahihiya kasi ako eh di ko alam ang sasabihin ko.

Pinitek ulit ni May ang tenga ni Patrick "Ate naman!"

May: Mag tigil ka nga gusto kang makita ni daddy ooperahan na siya sa puso sa isang araw kaya bumisita ka bukas ha? Makakatikim ka talaga sakin pag di ka bumisita.

Patrick: Tsk...Oho lola.

May: Heh! Kumain na nga lang tayo.

Patrick: Nga pala ate kailan babalik si kuya ng Pinas?

May: Di ko pa alam sa mokong na yon kung ano-ano na naman kasi pinaggagawa nalulong na naman kasi sa pag ca-Casino.

Patrick: Di pa rin pala siya nagbabago? Paano ang kumpanya pag sya ang naghawak?

May: Kaya nga sayo ipinahawak nila daddy at mommy eh alam kasi nila ang ugali ni kuya.

Patrick: Pero ate paano kung malaman ni kuya na ako ang acting Chairman? Alam mo namang galit si kuya pag ganyan.

May: Sigh...wala siyang magagawa bigla siyang nagbago kaya di nagtitiwala sakaniya sila mom at dad. Baka isang araw ma bankrupt nalang tayo pag siya ang umupo sa pwesto ni Daddy dahil sa pagsusugal niya.

Patrick: Sigh...pero ate ayoko naman talaga ng position ko ngayon di pa nga ako nakakagraduate eh dapat kasi iakw nalang eh ang daya naman.

May: Wag mo ngang isumbat sakin yan kahit nung mga bata palang taiyo di ko na hinangad ang mag mana ng negosyo natin kaya nga nag dentist ako hindi ba? Tsaka sa pamilya natin laging ang anak na lalaki ang nag mamana ng negosyo kaso nag bago nga si kuya kaya panindigan mo na yang acting Chairman mo.

Patrick: Pero ate...

May: Wala ng pero pero sa ngayon ako na lang muna ang magiging balikat mo tutulungan naman kita eh kaya nga umuwi ako agad eh alam ko naman kasing ayaw mo rin ng maagang responsibilidad kaya wag kang mag-alala andito si ate okay?

Patrick: Okay...Sigh...

Kinaumagahan,

"GUMISING NA KAYO!!!" Ang sigaw na naman ni Keila.

"Gising na po kami." Bungad naman nung apat na kuya ni Kelly.

Keilla: Aba, very good at maaga kayo nagising ngayon sandale si Kelly?

Kevin: Wala pong pasok yun kaya di matinag sa pagkakatulog.

Keilla: Ahhh...ganoon ba? Ibigay niyo nga sakin ang mga schedule niyo ng alam ko.

"Okay po." Anila.

Kian: Ma, si Jacob ba sa kwarto niyo natulog kagabi?

Keilla: Hinde, bakit? Kala ko katabi mo sa pagtulog ang batang yon?

Kian: Opo katabi ko siya nung gabi nireng umaga na wala na sa tabi ko.

"Ahhh...Alam na." Tugon nung tatlo nila Kim maliban kay Keilla.

Kian: Sigh...yung batang yon talaga mas gusto pang katabi ang tita Kelly niya kesa sakin.

Keilla: Pansin ko nga giliw na giliw ang anak mo sa titta Kelly niya.

Kim: Nagkakasundo po kasi silang maige.

"Parehas kasing isip bata." Anila.

Keilla: Ahahaha...lagot kayo kay Kelly.

Keith: Ma, sanay na yun minsan nga di niya alam na may gusto na siya dun sa isang guy di niya pa alam.

"BRO!" Anila Kian malaiban sa nanay nilang nagulat.

Keilla: ANO YON???

Keith: Ah...eh...Ma, magpa---paliwanag po kami.

Keilla: Siguraduhin niyo lang na valid yang reason niyo kundi alam niyo na ang kaparusahan.

"O—opo Ma." Anila na wari'y ninenerbyos.

10am ng umaga,

Sa Simbahan,

Dave: Oh? Wala pa ba si Kelly guys?

Mimay: May nakikita ka bang Kelly?

Vince: Tsk...mukhang galit pa ata siya.

Harvey: Ano ba kasing nangyare kahapon kay Kelly di niya ako pinansin eh.

Mimay: Tsss...kung sino-sino kasing ang iniintindi mo kaya wala ka na namang alam.

Harvey: Ano naman sayo? Selos ka?

Mimay: Huh! Asa naman.

Harvey: Tsss...

Dave: Tama na nga kayo diyan paguuntugin ko na kayo eh.

"Subukan mo." Anila.

Vince: Heh! Wag kayong maingay tinatawagan ko si Kelly.

"Hello? Kelly?"

Mimay: Sinagot niya?

Tumango si Vince "Ah...Oo nasa simabahan na kaming apat asan ka na?"

"Ahhh...malapit ka na? Sige andine lang kami sa bukana ng simbahan."

"Okay, bye." At binaba na nga ni Vince ang telepono niya.

"Ano raw sabi?" Anila.

Vince: Nasa bahay pa raw siya mukhang mag aantay tayo dine ng isang oras.

Mimay: Ano? Ang init init na.

Vince: Mukhang gumaganti satin dahil di natin sinabi sakaniya ang katayuan ni Patrick sa buhay.

Dave: Sigh...ibigsabihin pinaparusahan niya tayo? Grabe naman.

Harvey: Ha? Bakit ako kasama kayo naman ireng kasama kahapon eh.

Mimay: Tsss...

Vince: Hayaan niyo na tara na muna mag palamig sa convenience store.

"Game!" Anila.

"Harvey?" Sabi nung isang babae.

Paglingon nila "Bella?" Tugon naman ni Harvey.

Pabulong bulong si Dave "Sino naman yan?"

Vince: Yan yung "Queen Bee" raw ng school cheerleader din.

Mimay: Sus...queen bee, queen bee ano siya bubuyog?

Siniko si Dave si Mimay "At baket? Selos ka?"

Mimay: Asa naman! Bakit naman ako magseselos. Huh!

Bella: Kasama ko sila Gigi eh kaso mukhang naiwanan na ata nila ako.

Harvey: Ahhh...ganoon ba saan ka ba pupunta?

Bella: Sa convenience store sana may bibilhin, kayo?

Pabulong bulong si Mimay at ginagaya ang mga sinasabi ni Bella "Shhh...Mimay." Ang sabi ni Vince.

Dave: Doon rin kami pupunta sama ka?

Mimay: Ano?

Dave: Bleeh...

Bella: Talaga? Pwede ako maki join sa inyo?

Vince: Ah...eh...pwede naman?

Mimay: Vince!

Bumulong si Vince kay Mimay "Hayaan mo na nakakaawa naman siya lang mag-isa."

Mimay: Tsk...nadaan ka rin sa ganda eh.

Vince: Di naman grabe ka pero ang ganda ng dimple niya ang lalim ang cute.

Mimay: Grrrr....

Harvey: Talaga pwede siya sumama satin?

"Oo." Ang sabay sagot nung dala ni Vince at Dave.

"Hinde!" Ang tugon naman ni Mimay.

Tinaasan ni Harvey ng kilay si Mimay "Sorry, isa ka lang dalawa kami." Ang pabulong bulong na sabi ni Harvey habang inaasar nito si Mimay.

Mimay: Tsss...

At na una na si Mimay umalis "Okay lang ba talaga na sumama ako sa inyo? Bakit parang ayaw naman niya?" Ang pabebeng sabi ni Bella.

Harvey: Ahhh...si Mimay wag mong intindihin yon baka may red tide kasi.

Bella: Ha?

Harvey: Wala, halika na guys tara na?

"Ah...Oo susunod kami." Ang tugon ni Dave at Vince.

Harvey: Okay?

At nagpahuli nga sila Vince at Dave "Pre, ano sa tingin mo? Gf na ni Harvey si Bella noh?" Ang sabi ni Dave.

Vince: I think, hinde.

Dave: Hmmm...sa palagay ko din eh pero malakas pakiramdam ko na pinagseselos niya lang si Mimay. Na ireng isa naman selos na selos. Tsk...baliw talaga yung babaeng yon may pagka slow.

Vince: Tapatin mo nga ako sinong gusto mo si Kelly o si Mimay?

Namula bigla ang mga tenga ni Dave "A---ano? Pre, ikaw ata itong baliw eh hindi si Mimay."

Vince: Okay, gets ko na.

At iniwan niya si Dave "Ano? Raw? Gets? Ang alin? Hoy!!! Intayin mo ako." Ang pahabol na sambit ni Dave.

Makalipas ang isang oras,

Habang naglalakad si Kelly papuntang simbahan "Hmmm...di kaya parang ang oa ko na? Pinaghintay ko sila ng matagal?" Ang sabi ni Kelly sa sarili.

Kelly: Sigh...asar!

"Kelly!"

Paglingon ni Kelly "Wayne?"

Wayne: Anong ginagawa mo dito?

Kelly: Ikaw bakit ka nandito rin? Wala ba kayong pasok?

Wayne: Um...panghapon ang class ko eh kaya sisimba muna sana ako. Ikaw?

Kelly: Ko? Bakit sila Aliyah di mo kasabay?

Wayne: Ah...oo hindi na late kasi ako ng gising kaya nag panghapon nalang ako.

Kelly: Ohhh...I see.

Wayne: Ikaw bakit ka nandito? Wala ka bang pasok?

Kelly: Wala, alternate ang class ko ngayon may kasama ako mga kaklase ko kilala mo naman sila Vince di ba?

Wayne: Ah...oo naman pinsan mo siya di ba?

Kelly: Um...tara pumasok muna sa loob ng simbahan?

Wayne: Sige.

Makalipas nag ilang minuto,

Vince: Sabi ni Kelly nasa simabahan na raw siya nasan na yon?

Dave: Baka nasa loob nag dasal muna.

Bella: Catholic ba kayong lahat?

Mimay: Ano naman sayo?

Harvey: Huy!

Mimay: Tsss...

Dave: Ha---ha---ha...ang init ng ulo Mims meron ka ba?

Mimay: Ano??

Bella: Ayos lang ganyan rin talaga kaming mga babae pag may period ganyan rin kasi ako madalas wala sa mood.

Harvey: Ohhh...ganun ba? Ang hirap siguro maging babae ano?

Pabulong bulong na naman si Mimay "Tsss...kung naging babae ka di bagay."

Dave: Alam mo bakit di mo nalang kasi sabihin na nag seselos ka? Halatang halata eh.

Mimay: Ewan sayo! Layuan mo nga kong bwiset ka.

Nakita na ni Vince si Kelly na kasama si Wayne "Oh, ayan na si Kelly...at?"

" Sino yung kasama nya?" Anila maliban kay Bella.

Bella: Siya si Wayne di ba?

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts