webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 48

Sa kwarto ni Kelly,

Nakaupo at di alam nila Kian ang gagawin nila kay Kelly na tulog na tulog "Paano? Alangan namang tayo ang magbihis sa kaniya. Awkward." Ani Keith.

Bineltukan siya ni Kian "Kuya naman."

Kian: Kevin, kumuha ka ng basawang towel gaya ng dati punasan lang natin ang mukha at ang mga braso at paa niya.

Kevin: Okay, sampalin niyo nga ng isa yang si kuya Keith para sakin.

Keith: ANO? Baka gusto mong!

Bineltukan ulit siya ni Kian "Aray! Kuya sinasadya mo na yan."

Kian: Ano? Lalaban ka?

Keith: Wala naman akong sinabi.

Kim: Shhh...wag kang maingay baka magising si Kelly.

"Yeah..." Anila at natahimik silang pinagmamasdan si Kelly.

Kevin: Oh...ere na.

Kian: Sige puansan mo na kaya mo na yan.

Kevin: Tsss..oo na.

Habang pinupunasan ni Kevin si Kelly ng mukha "Kamukhang kamukha talaga siya ni Daddy ano?" Aniya.

Keith: Di ah si Mama kaya.

Kim: Resemblance halo sila.

Kian: Dalaga na talaga ang baby natin.

"Yeah..." Anila.

Keith: Yung Chollo nga tsaka yung kasama ni Kelly galing sa loob na lalaki sino nga yon?

"Si Wayne." Anila.

Keith: Yun nga, mukhang mahihirapan na tayong bantayan si Kelly dumadami na sila.

Kian: Huh! Malas nila apat ang kuya ni Kelly.

"Yes indeed." Anila.

Kim: Kanina ang ganda ni Kelly kahit mumurahin lang binili nating dress sa kaniya nadala niya parin pinag mukha niyang elegante.

Kian: Aha...at ngayon marunong na rin siyang mag kulot at mag ayos sa sarili. Sigh...tumatanda na tayo guys.

"Ikaw lang!" Anila.

Kian: Gusto niyong mag biyahe sa Monday?

"No way." Anila.

Keith: Ikaw naman kuya di na mabiro.

Kian: Tsss..ewan.

Kevin: Namiss ko biglang katabi si Kelly sa pag tulog dati nung bata siya nasa iisang kwarto pa tayo sa probinsya lagi siyang natabi satin.

Kim: Oo madalas pagkakagising natin di na natin namalayang na nasa lapag na tayong lahat sa kalikutan niyang matulog.

Keith: Ahahaha...oo nga noh? Grabe bata pala siyang ang lakas na niya.

Kian: Sige dito tayo matulog ngayong gabi.

"Ha?" Anila.

Kian: Oo kunin niyo yung extrang bed natin sa underground at dine tayo sa lapag mahihiga alangan namang tumabi tayo kay Kelly kahit ba kapatid natin siya babae parin siya at lalaki tayo di magandang tignan yon!

"Oo naman syempre." Anila.

Kian: Tsss...sige na kunin niyo na yung kama sa underground Kim at Keith at ikaw naman Kevin tapusin mo na yang pag punas kay Kelly at ako ng kukuha ng unan nating apat.

"Okay." Anila.

Kian: Oh? Ano pang ininntay niyo? Kilos!

"Yes Sir." Anila.

Sa Attic,

Nakaupo at nakatulala si Wayne sa mga star sa kalangitan at kinakausap ang sarili "Hayss...ano ba itong nararamdaman ko?"

"Sa unang pagkakataon tumibok ang puso ko sa isang babaeng hindi naman gaya ko."

"Tsk...pero di tama ito gusto ni Chollo si Kelly at bestfriend ko rin siya."

"Haysss....asar dapat kasi di ko nalang nakita dine si Kelly."

"Erase...erase...erase...Wayne, gumising ka sa katotohanan bukod sa libro wala ng ibang nakakapag pakilig sayo okay? Tandaan mo yan! Libro lang !!!"

"Tsk...bakit kasi ang bait ni Kelly tapos ang ganda niya pa ngayong gabi."

"Wayne...jusmiyo! Hindi na tama yang mga iniisip mo baliw ka na gusto ni Chollo si Kelly! Yan ang tandaan mo."

"Pero, siya lang yung babaeng walang pakialam kung wirdo ako."

"Siya lang din yung unang babaeng sinama ko sa secret hide out ko."

"Siya lang din yung babaeng nagpabilis ng tibok ng puso ko."

"Tsk...pero isang gabi mo lang naman siya nakasama wala pa ngang dalawang oras yon, ano Wayne? Inlove na agad?"

"Eto na nga ata yung sinasabi nilang love at first sight."

"Haysss....AYOKO NG GANITO!!!"

Sa bahay nila Renzo,

"Gabi na inaatay mo ko?" Si Rica ang ate ni Renzo na isang callcenter agent.

Renzo: Oh...andiyan ka na pala kumain ka na?

Rica: Oo kumain na kami ng mga kasamahan ko.

Renzo: Want some coffee?

Rica: Bay di ko yan tatanggihan yan.

Renzo: Sige antayin mo ko sa terrace.

Rica: Sige magbibihis lang din muna ako.

Renzo: Okay.

Kianumagahan,

Pagmulat ni Kelly "Eh? Umaga na at nasa kwarto ko na ako?"

Bumangon si Kelly ka agad "Sandali lang, ere parin naman ang damit ko sigurado pinasan ako ni kuya Kevin pauwi."

"Anyways, linggo naman ngayon makaligo muna at tutulog ulit ako. Ahahaha.."

Pagbaba ni Kelly ng kama "Eh? Mga kuy's?"

"Bakit dine nagsi tulog ang mga ire."

"Hmm... Mukhang tulog na tulog sila sandali nga lang."

Pandalas na si Kelly ng kuha ng cellphone niya at kinuhanan niya ng picture ang mga ito "Ahahaha...i-sesend ko pala kay Mama. Pffft...ahahaha..."

At sinend niya nga sa mama nila yung mga picture ng mga kuya niya "Sige, dahil nasa mood naman ako I'll be your cook for today my dear brother's."

Makalipas ang tatlong oras,

Nalimungatan si Kian "Hmmm...Anong amoy yun?" Ang sambit niya.

Kian: Sunog???!!!

Pandalas niyang ginisng mga kapatid niya "Mga bro bilis gising may sunog!!!!" Aniya.

"Hmmm...kuya Sunday naman ngayon." Ani Kevin.

Kian: Bumangon na kayo nasusunog ang bahay natin.

"ANO???" Anila at pandalas na bangon ang mga ito.

Kian: Sandali asan si Kelly?

Kim: Nasa kama siya di ba?

"Wala???" Anila.

Kumaripas na ng baba ang magkakapatid "Kelly!!!" Anila.

Keith: Baby, nasan ka?

Kian: Bunso?

Kevin: Kellang!!

Kim: Kelly!!!!

Nang makarating sa kusina "Oh? Bakit niyo ko hinahanap?" Ani Kelly na inuubo ubo pa.

"Kelly!!!" Anila.

Kian: Bilis halika na nasusunog ang bahay natin.

Kelly: Sunog? Saan?

Kevin: Sandali lang!

Pinuntahan agad ni Kevin yung niluluto ni Kelly "Anak nang! Walang sunog mga bro."Aniya.

"Ha?" Anila.

Makalipas ang ilang minuto ng paliwanagan,

Nasa Hapagkainan ang lima at nakaupo "Sigh...." Napabuntong hininga nalang yung apat.

Kelly: Sorry na gusto ko lang naman kayong ipaluto eh yun nga lang parang ayaw sakin ng pagluluto.

Ang iitim lahat ng mga niluto niya "Sigh..." Napabuntong hininga ulit yung apat.

Kelly: Kuy's!!!

Kian: Sigh...sige na kumain na kayo.

"Ano? Pero kuya..." Anila maliban kay Kelly.

Kelly: Masarap yan yun nga lang di ka aya-aya ang istura pero promise di kayo malalason. Edible naman yan mga kuy's.

Sa isip-isip nung apat "Edible nga pero parang uling naman ang kakainin namin."

Kelly: Sige na try nyo kahit one bite lang promise di na ko magtatangkang magluto.

"Sigh...Sige na." Anila.

Kelly: Ayos!

At nung isusubo na nila "Ding...Dong..."

Pabulong bulong yung apat " Lord, thankyou ayaw pa po naming mamatay."

Kelly: Ano yon?

"Wa---wala ako na mag bubukas ng gate." Sabay-sabay nilang sambit.

Kelly: Kayong apat?

"O—oo kami na diyan ka nalang at mag pahinga baka pagod ka sa pagluluto." Anila at kumaripas ng takbo.

Kelly: Tsss...ayaw lang talaga nilang tikman ang luto ko.

Pumiraso si Kelly sa niluto niya at tinikman "OH GOD!" Aniya at pandalas siyang nagtungo sa kusina para iluawa ang kinain niya sa lababo.

Samantala,

"Ikaw?" Sambit nung apat pagka kita kay Renzo.

Siniko ni Kim si Kian at bumulong "Bro, bakit naki IKAW ka rin kilala mo na ba siya?"

Kian: Hindi ginaya ko lang kayo may feeling ako na isa rin siya sa mga umaaligid aligid kay Kelly eh.

Renzo: Can I talk to you Mr.

Tinuro niya si Kian "A---ako?" Aniya.

Renzo: Yes you!

Kian: O---okay?

Sa magkaparehong oras,

"Knock...Knock..."

Dave: Dude, bilis gumisng ka diyan.

Pagbukas ng pinto ni Patrick "Bakit ba? Inaantok pa ako eh."

Dave: Yung mommy mo andito sa bahay.

Patrick: Yun lang pala eh ano naman?

Sinarado ni Patrick ang pinto "3...2..." Ani Dave.

At pandalas ng binuksan ni Patrick ulit yung pintuan "SINO??? SI MOMMY???"

Sa Terrace,

"Kamusta naman kayo dito?" Si Patricia ang nanay ni Patrick.

Devine: Ayos naman kami dito healthy rin naman si Patrick di namin siya pinababayaan.

Patricia: Salamat sa pag aalaga niyo sa kaniya at pasensya na rin kung matagal na siyang naging abala sa inyong pamilya.

Devine: Nako, wala yun parang anak na rin namin si Patrick simula pagkabata sabay na sila lumaki ni Dave kaya wala yun. Small thing ika ng ng mga kabataan ngayon.

Patricia: Alam mo na iinggit ako sayo dahil close kayo ng anak ko samantalang ako ni hindi niya man lang ako bisiahin kahit nakaka ilang text at miscalls ako sa kaniya hindi niya ko sinasagot.

Devine: Nako, sinabihan ko na rin yang batang yan di ka parin pala tinatawagan?

Patricia: Wag mo ng banggitin sa kaniya baka lalong lumayo ang loob niya samin.

Devine: Hayaan mo aamuin ko na umuwi sa inyo minsan ngayon kasi naging busy sila sa school kaya sana maunawaan niyo muna siya.

Patricia: Nga pala...

May kinuhang puting sobre si Patricia sa bag niya at inabot kay Devine "Konting abala lang dahil kay Patrick."

Devine: Ano ito?

Patricia: Para sa inyo yan sa pagkupkop niyo kay Patrick kung tutuosin kulang pa iyan dahil matagal ng panahong nandito si Patrick.

Devine: Nako, hindi na kailangan ng ganito.

Patricia: Hinde we insist tanggapin niyo na yan sobrang na abala na kayo kaya deserve niyo yan kunin mo na.

Devine: Pero...nakakahiya.

Patricia: Nako, hinde kami ang dapat mahiya dahil simula noong umalis sa bahay si Rick kayo na ang umaruga sa kaniya.

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts