webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 460

5pm ng araw ring yon...

"Yan na ba ang apo ko?" Ani Keilla.

"Ma, napaka cute manang mana sa tito Keith niya."

Kian bonked him "wag kang maingay! Baka magising!"

"Hehe... Na excite lang naman ako."

"Anak, may name na ba ang apo ko?"

Nagkatinginan sila Kelly at Patrick at sinabing "Prince Kemwell po Ma."

"Oh... You..."

"Opo Ma, ipinangalan po namin ni Patrick kay daddy."

Naiyak naman si Keilla habang buhat-buhat ang kaniyang apong si Kemwell. "Salamat anak."

"Oh Ma, wag na kayong umiyak baka magising si Baby." Ani Keith.

"Heh!"

Click!

"Bunso, congratulations were ninong okay?" Ani Nick.

"Oo kuya lahat naman kayo ninong."

"Ay dapat lang!" Ani Keith.

Click!

"Hi guys! Kamusta naman ang pamangkin ko!!!" Bungad ni Vince na ang daming dalang pagkain at may flowers din para kay Kelly.

"Shhh!" Anila.

"Ay, sorry tulog ba si Baby?"

"Oh? Bakit ikaw lang? Nasan si Ethan at Alice? Sila tita at tito?" Ani Kim.

"Ah, pa sunod na sila pinauna lang nila ako kasi sabi sakin ni Kevin wala pa daw kayong mga kain kaya eto kumain muna kayo ako na muna bahala kay Baby."

"Heh!" Anila.

"Ay grabe! Ay... Hello po tita Keilla."

"Um."

"Wow! Ang pogi-pogi naman ng bebe na yan kamukha ng tito Vince nya."

Keith bonked him "ako ngang kapatid nung nanay ayaw pumayag na kamukha ko eh ikaw pa kayang tito pinsan lang?!"

"Hehe... Baka naman kasi makalusot."

"Wow! Si tita Ada nag luto nito? Ma, merong lumpiang gulay favorite mo." Ani Kevin.

"Oo kuya meron din diyang bicol express mga paborito ni tita Keilla niluto ni Mama kanina at may gulay rin para kay Kelly."

"Oh... Pero need nya muna mag fart eh kasi CS sya. Bunso wag mong pigilin ha? Need mo talagang umutot."

"Kuya naman!"

"Aba eh kailangan mo nga yon."

"Oo na! Kailangan pang i-broadcast?"

"Sige na kumain na muna kayo diyan wag mo ng kulitin ang kapatid mo." 

"Hehe opo Ma. Mga kuy's kain na. Vince ikaw?"

"Kumain na ko samin. Tita ako na po muna mag bubuhat kay baby. Kumain na po kayo."

"Sure ka?"

"Opo sanay naman na po ako sa anak ni ate Alice nung baby si Eloi."

"Hep, di pede kailangan nga pala ibalik ni baby sa nursery. Ma, akana muna si Prince." Sabi ni Kevin.

"Prince."Ani Vince.

"Um. Prince Kemwell name ni baby."

"Eh? Kapangalan ni Ninong?"

"Ninong?" Anila Kevin.

"Abay, oo ninong ko si Tito Kemwell. Di ba tita?"

"Ah, oo inaanak sya ng daddy niyo sa kumpil."

"Oh... Di namin alam yun ah." Ani Keith.

"Anyways, sige na Ma kumain ka na muna. Kelly, dalhin ko muna si Prince sa nursery okay? Patrick sumama ka."

"O-- Oo kuya."

At pag alis nga nung dalawa nagsi kainan na nga mga kuya ni Kelly pwera lang sa kaniya na need muna mag pahinga.

"Are sure, you don't need anything?" Sabi ni Nick.

"Yes kuya kain lang kayo gusto ko na rin muna mag pahinga masakit pa kasi yung tahi sakin."

"Okay, just tell us lang kung may need ka."

"Um. Thankies."

"Okay."

***

Mag iisang linggo na ng makapanganak si Kelly nakabalik na rin sila sa Dela Cruz residence.

Gabi ng Martes,

"Yeobu, next week ba pwede na tayo pumunta samin?" Ani Patrick habang tinatapik tapik si Prince para makatulog.

"Shhh! Baka magising yan pahirapan na naman tayo patulugin yang anak mo!"

"Sorry, mahina lang naman."

"Diko pa alam siguro pwede naman? Paalam nalang tayo kila mama."

"Okay sige mag sabi na tayo bukas?"

"Um. Pero nakabalik na ba sila mommy? Sila ate at kuya? Di ba nasa America sila?"

"Nag chat sakin si ate nasa bahay na sila."

"Ha? Bakit di mo sinabi sakin edi sana sinundo mo nakakahiya naman kila mommy."

"They understand naman. Pupunta nga sana dito after sa airport sinabi ko nalang na wag na pagod sila sa biyahe eh."

"Yeah. Eh gusto mo ba munang umuwi? Ako nalang mag babantay muna kay baby P."

"Okay lang, nag sabi naman na nga ako kila mommy magagalit lang mga yun kapag iniwan ko kayo ni baby P."

"Eh ikaw, ayos lang naman sakin andiyan naman si Mama eh."

"No, ayoko iwan ang apaka cutie na bebe na ito."

"Sya lang?"

"Syempre ang mother bear din."

"Tsss! Sige na mag half bath lang muna ako."

"Mag shower ka na? Teka ayusin ko muna yung pampaligo mo."

"Di na kaya ko naman di naman ako baldado no! Bantayan mo na muna yang si Prince baka magising na agad yan ikaw na naman ang malilintikan."

"Okay, sige na ligo na don't forget na warm water gamitin mo. Yun ang bilin nila mama."

"Yes Sir. Tsss!"

At makalipas ang ilang minuto pag labas ni Kelly ng bathroom nakita nyang tulog na rin si Patrick.

"Sigh... Sabi na hindi lang si Prince ang tulog pati sya. Talaga naman... Ang cute niyong mag ama." Ani Kelly at kinuha ang phone nya at pinicturan ang mag ama niya.

"."

Mag 11pm ng magising si Patrick at nagulat pa nga itong nakatulog na pala sya at pag mulat nya "anong oras na? Ke...lly..." Nakita nyang tulog si Kelly habang tinatapik tapik si Prince.

"Yeobu, tulog ka na ako na mag tatapik kay baby."

"Oh, gising ka na."

"Um. Sleep ka na."

"Okay. Gisingin mo ko pag na gising si baby."

"Oo sige na sleep na."

"Um. Goodnight love you."

"Goodnight rin love you more." Then they kissed before she sleep.

Nakatulog ngang agad si Kelly dahil ilang araw na rin itong pagod.

Bumangon si Patrick at inayos ang kumot ng mag ina nya nasa gitna nila si Baby Prince. At bumalik ulit sa pwesto nya.

At dahil kagigising nga lang nya tinignan nya muna yung phone nya baka may email dahil sa trabaho.

"Oh, may meeting pala ako bukas ng 9am." Tinawagan niya si Mr. Johnsen at nag punta sya sa mag balcony para di nya magising ang mag ina nya.

Johnsen: Opo Young Master 9am po yun kay Mr. Castro.

Patrick: Hindi ba pwedeng mamove yon?

Johnsen: Pero Young Master kayo po ang main character dun.

Patrick: Anong main character? Kakasama mo na talaga yan kay ate eh mga feeling gen Z na naman kayo.

Johnsen: Hehe, pero kung hindi naman po kayo pwede si Chairwoman nalang po.

Patrick: Si Mommy? Pero kababalik nya palang galing America pagod pa yon. I will tell nalang kay kuya Richmond.

Johnsen: Po? Pero nalimutan nyo bang binyag ng pamangkin nyo bukas?

Patrick: What? You didn't remind me!

Johnsen: Pero nag chat po ako sa inyo di nyo pa nga lang po na babasa.

Patrick: Hindi ba ang sabi ko pag di ko na se-seen ibig sabihin nun busy ako kaya dapat tumawag ka.

Johnsen: Sorry po.

Patrick: Okay, okay... Anong time ng binyag?

Johnsen: 11am po.

Patrick: What? Wala pa akong nabibiling regalo!

Johnsen: Wag nyo na pong alalahanin yon na gawa ko na po ng paraan.

Patrick: Ha? Did you buy something?

Johnsen: Opo, red envelope.

Patrick: What? Aanhin naman yun ng baby ha?!

Johnsen: Yung sobre po walang wenta pero yung ilalaman nyo may kwenta!

Patrick: Tsss! Oo na bukas sunduin mo ako dine. Tumawag ka! Understand?

Johnsen: Yes Boss!

Patrick: Sige na.

Johnsen: Opo.

Pag off ni Patrick ng phone nya nakita nya si Lenny at Kim na nag aaway sa baba.

Kim: Bahala ka kung ano gusto mong paniwalaan!

Lenny: Eh bakit nga ayaw mong sabihin kung sino yung nag chat sayo kanina?!

Kim: Ang kulet, sinabi na ngang si Elison at may team building nga bukas.

Lenny: Team building? Bakit wala namang nabanggit sila kuya Kian at Keith? Ha?!

Kim: Ay, bahala ka! Matutulog na ko!

Lenny: Sige, uuwi na ko samin bukas!

Kim: Ano ba naman Lenny?!

Lenny: Bahala ako di ba sabi mo? Edi bahala ka na rin sa buhay mo!

At pumasok na nga si Lenny sa loob.

Kim: Lenny!

"Tsk! Nag aaway na naman sila..." Ani Patrick.

"Nag mamarites ka na naman Patricio!" Ani Kelly.

"Ay kabayo! Kelly!"

"Anong ginagawa mo? Gabi na."

"Ah, kasi tumawag ako kay Johnsen nalimutan ko kasi na binyag pala ng anak ni kuya Richmond."

"Ha? Di mo sinabi!"

"Si Mr. Johnsen kasi... Pero nagawan ko naman na ng paraan. Nga pala bukas bago mag 9am aalis ako ha may meeting kasi ako. Ayos lang ba?"

"Um. Okay lang, pero di ba sabi mo uuwi tayo sa inyo?"

"Siguro kahit mga hapon nalang pag balik ko?"

"Ah. Okay lang naman ako nalang bahala mag paalam kila Mama."

"Ah, hindi sasamahan kita bukas ng umaga."

"Okay sige. Pero sino bang tinitignan mo diyan sa baba?"

"Ah... Sila ate Lenny at kuya Kim."

"Hmm? Bakit? Di pa pala sila tulog?"

"Um. Mukhang nag tatalo eh."

"Tsk! Si kuya na naman yan."

"Oo narinig ko may nag chat daw kasi kay kuya Kim tapos parang ayaw maniwala ni ate Lenny na colleagues lang yun."

"Nako... Umandar na naman si kuya. Hayaan mo na bukas okay na rin mga yan. Halika na matulog na tayo habang tulog si baby."

"Oo maaga pa ko bukas."

"Um. Pag luto kita bfast?"

"Ha? Ahm... Ano..."

"Tsss! Joke lang! Alam ko namang di ako masarap mag luto. Hmph!"

"Ah... Eh... Kasi..."

"Hmph! Let's sleep na!"

"Sorry na."

"Ewan!"

"Kiss nalang kita?"

"Tsss! Tulog!"

"Goodnight kiss ko."

"Wow ha? Abuso?"

"Sige na nga tutulog nalang ako ng sad..."

"Hayssss! Pambihira! Pag pala nagising ng gabi need ulit ng unli goodnight kiss."

Pero kiniss pa rin naman nya si Patrick kahit nag rereklamo sya.

Kinabukasan,

"Opo Ma, kung ayos lang po sana umuwi kami nila Kelly at baby." Sabi ni Patrick habang nainom ng coffee.

"Oo naman nak, na sabi na rin naman sakin ni Kelly na pupunta nga daw kayo sa inyo. Okay lang naman para makita narin ng mommy mo ang apo nya." Sagot ni Mama Keilla na may dalang pancakes at pandesal.

"Thanks Mom."

"I told mom na kasi nung isang araw pa. What time tayo later?" Sambit ni Kelly na may dala namang fried eggs and hotdogs.

"Sya kumain na kayo habang tulog pa si baby P."

"Opo Ma." Anila.

"Mga 4pm siguro andito na ako. Ma, kung gusto nyo po pwede po kayo sumama di ba Kelly?"

"Opo nga Ma para maka bonding nyo rin si Mommy."

"Siguro pwede naman..."

"Morning!" 

"Kuya Keith! Eat breakfast na." Ani Kelly habang napatayo naman si Patrick at nag good morning rin.

"Oh, maaga ata kayong dalawa."

Naupo naman na si Patrick after syang mapansin ni Keith. Kinagawian na ni Patrick na maging formal sa mga kuya ni Kelly.

"Ah, oo kuya may meeting kasi si Patrick ng 9am."

"Ohh... I see. Ano yung narinig kong pupuntahan nyo?"

"Ah, oo kuya uuwi muna kami ni baby P kila Patrick dumating na kasi sila mommy."

"Ohhh... Anong oras kayo aalis?"

"Sabi nga namin ni Patrick sasama namin si Mama. Okay lang ba kuya?"

"Oo okay lang sakin. Gusto mo ba Ma?"

"Okay lang para naman makagala din? Hehe..."

"Sige Ma sumama ka na para magkakilanlan kayo ng mommy ni Patrick right, bayaw?"

"O-- Opo kuya."

"Ano ba Lenny?! Bumalik ka dito!!!"

"Uuwi na ko!!!"

Narinig nila Kelly na nag sisigawan sila Kim at Lenny.

"A-- Ate! Ano pong nangyayare bakit may maleta ka?" Sabi ni Kelly.

"Sige nga Bunso kausapin mo yang ate Lenny mo padalos dalos na naman."

"Huh! Ikaw! Ikaw kasi sinungaling ka!"

"Kim, ano na naman ba ito?" Ani Mama Keilla.

"Good morning po Ma. Pero aalis na po ako." 

"Ano ba naman Lenny?!"

"Ma, Kelly... Sorry pero di ko na kaya. Uuwi na po muna ako."

"Ha? Ate!!!"

Umalis na nga si Lenny.

"Lenny!!!"

"Lakad sundan mo! Ang aga-aga naman Kim!"

"Sorry po Ma."

At sinundan na nga ni Kim ang asawa niyang si Lenny.

"Ano ba yon? Bakit ang ingay?" Sabi ni Kian.

"Si kuya Kim inaway na naman si ate Lenny." Ani Keith.

"Sigh... Agang aga!"

"Siya, siya... Kumain na ng umagahan." Sabi ni Mama Keilla.

Ring... Ring...

Tumunog ang phone ni Patrick.

"Si Mr. Johnsen?" Ani Kelly.

"Um. Sagutin ko muna ha?"

"Okay."

Then after a seconds,

"Oh? Aalis na kayo?" Sabi ni Kelly na kumakain pa ng agahan habang kausap mga kuya niya at ate.

"Oo nasa labas na si Mr. Johnsen."

"Oh, sige hatid na kita sa labasan."

"Um. Ma, ahm... Aalis na po ako." Nag mano sya kay Mama Keilla at nag paalam na rin sa mga kuya at ate ni Kelly.

"Sige ingat kayo." Sabi ni Mama Keilla.

"Ma hatid ko lang po sa labas."

"Sige, sige."

At ng makaalis nga si Patrick nakisama ulit sa kwentuhan si Kelly.

"So, uuwi pala kayo kila Patrick mamaya?"Ani Kian.

"Ah... Oo kuya sasama namin si Mama. Okay lang po?"

"Okay lang pero hanggang kailan kayo dun?" 

"Kasama naman ako kaya wag ka ng mag alala nak. Gusto ko lang din siguraduhin kung paano nila pakikitunguan si Kelly."

"Mama naman, hindi naman sila mga monster mabait po sila sakin."

"But mom is right we need to secure your safety." Ani Flin.

"Mga kuy's mabait sila sakin di sila yung mga iniisip nyong gaya sa dramarama na mata pobre.

"But still we need to protect you and our nephew." Sabi ni Nick.

"Kuya, ayos lang nga."

"What if, sumama na rin kami?" Ani Faith.

"Oo pwede para pamamanhikan." Sabi ni Rica.

"I like the idea." Sambit ni Keith.

"Sakin okay lang. Mas mapapalapit ako sa hospital di ako malalate di ba Lea?" Sabi ni Kevin.

"Um. Okay lang din sakin."

"We're going din pag all of you are joining. Kian what do you think?" Ani Flin.

"Ayos lang. Mas marami mas masaya. Di ba Bunso?"

"Anoooooo????"