webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 44

Sa Kotse ni Chollo,

Chollo: Saan mo gustong pumunta?

Kelly: Tsss...Gusto ko ng umuwe!

Chollo: Si---Sige.

Pabulong bulong yung tatlo nila James sa likuran "May sinasabi kayo?" Dagdag pa ni Chollo.

"Wa---wala Bro." Anila.

Sa isip-isip ni Kelly "Buset na Patrick yon ang bulok naman pala sa bato-bato pik ako pa ang pinang pusta sa mga tukmol na re."

Kanina,

Patrick: Sayo? Sasabay si Kelly? No way!

Chollo: Ikaw na ba si Kelly ngayon?

Patrick: Huh! Kaklase at kaibigan ko si Kelly kaya malamang sakin siya sasabay di ba Vince?

Siniko niya si Vince "Ah...O---Oo naman."

Chollo: Tsss...Kelly? Tara ihahatid na kita?

Aliyah: Sigh...pasensya na kayo ha? Chollo, tara na!

Hinihila na ni Aliyah si Chollo pero ayaw nireng matinag "Kelly! I like you." Sambit ni Chollo.

Siniko ni Mimay si Kelly at bumulong "Ang haba ng hair mo gurl."

Kelly: Tumigil ka nga diyan.

Lumapit si Chollo kay Kelly pero hinarangan siya ni Patrick "Hanggang diyan ka nalang." Aniya.

Chollo: Umalis ka diyan hindi ikaw ang kailangan ko.

Ang sasama na ng tingin ng dalawa sa isa't isa kaya umawat na sila Vince at Aliyah "Ha---Ha---ha...Chollo halika na baka hinahanap na tayo nila tita." Ani Aliyah.

Vince: Pre, oo baka hinahanap na rin si Kelly sa kanila halika na.

"SANDALE!!!" Sambit nung dalawa.

Aliyah: Chollo!

Chollo: Gusto kong marinig kung kanino sasabay si Kelly.

Patrick: Makulit ka rin eh noh? Nakita mo na ngang kasabay namin si Kelly malamang sakin siya sasabay.

Kelly: Tigilan niyo na nga yan! Mag bibiyahe nalang ako.

Mimay: Pero Kelly delikado ang panahon ngayon.

Dave: Alam ko na! Mag bato-bato pik nalang kayong dalawa kung sino ang manalo sa kaniya sasabay si Kelly.

Kelly: ANO?

Aliyah: Pero lima na talaga kami sa kotse kasi naman itong si Chollo.

Dave: Ohhh...Edi exchange kapag nanalo si Chollo sasabay sa kaniya si Kelly at samin ka naman sasabay.

Aliyah: Ba---bakit ako?

Mimay: Mukhang maganda G ako!

Kinurot ni Kelly si Mimay "Awww..."Reaksyon nito at bumulong naman sa kaniya si Kelly "Bakit nakiki G ka diyan."

"Call!" Sabay na sambit nila Chollo at Patrick.

Patrick: Sige pero gusto ko pag natalo ko si Chollo lulubayan niya na si Kelly.

Chollo: Okay, pero pag natalo ka ako ng laging maghahatid kay Kelly.

"ANO???" Ani Kelly at Patrick.

Kelly: Ayoko! At bakit ba pinagpupustahan niyo ko?

Bumulong si Mimay "Hayaan mo na ano gusto mo mag sapakan sila dine? Nakakahiya baka may makakita sa kanila ano nalang sasabihin nag away yung dalawa dahil sayo? Baka pag chismisan ka gurl."

Kelly: Tsk...bwiset.

Patrick: Ayoko unfair yang mga kondisyon mo.

Chollo: Bakit? Takot kang matalo kita?

Patrick: No way! Ako matatalo wala yan sa bokabularyo ko baka ikaw ang takot na matalo.

Chollo: Oh, edi simulan na naten.

Dave: Okay, mukhang ready naman na kayo ganito ang rules 3 round lang at maka first 2 alam niyo na yun na ang panalo.

"Call!" Anila.

Vince: Sandali lang, Kelly at Aliyah sumasang-ayon ba kayo sa mga kondisyon?

Aliyah: Sa---sakin ayos lang naman pero parang unfair naman ata kay Kelly.

Kelly: Sigh...sige ayos lang din ng matapos nareng kabalbalang ire gusto ko ng umuwi.

Vince: Okay, kung ganon Dave simulan mo na.

Dave: Game!

Sa Kasalukuyan,

Nakarating na si Kelly sa bahay nila "Bye Kelly bukas nalang." Ang sabi ni Chollo.

Kelly: Tsss...

Di na kumibo si Kelly at pumasok na siya sa bahay nila "Di man lang siya nag pa thankyou?" Ang sabi ni James.

Chollo: Okay lang atleast nakatabi ko siya dito.

Wayne: Tsss...umuwi na nga lang tayo gusto ko ng mag pahinga.

Chollo: Yes Sir.

Ngiting ngiti si Chollo at pa sipol sipol na wari'y tuwang tuwa kaya nagkatinginan yung tatlo at nagkasenyasan "Anong nangyayare diyan?" Anila.

Sa Kotse naman ni Patrick,

Naunang bumaba si Aliyah kaysa kay Vince "Salamat sa paghatid at sorry din kung nakaistorbo ako sa inyo." Aniya.

Patrick: Ayos lang yung pinsan mo naman talaga may kasalanan eh.

Vince: Oo nga sa susunod pagsabihan mo nalang din.

Aliyah: Ah...O---oo sige pasensya na talaga.

Dave: Wow...sa inyo pala yang bahay na yan? Malapit lang din ito sa inyo di ba Vince?

Luminga-linga si Vince "Aba, oo nga no! Sa may kanto lang yung samin sa inyo pala yang malaking bahay dine." Aniya.

Namula ang mukha ni Aliyah at wari'y nahihiya "Nako, hindi nakakhiya naman."Aniya.

Dave: Bakit ka naman nahihiya?

Vince: Oo nga buti nga may malaki kang bahay eh bakit mo naman ikahihiya?

Aliyah: Ah...eh...di naman sakin yan sa magulang ko.

Vince: Hahaha...bakit eh anak ka naman ng mga magulang mo.

Napatingin at napangiti si Aliyah at nakita iyon nila Patrick at Dave "Ah...eh...sige salamat uli sa inyo dito na ko ingat kayo.

" Bye." Anila.

At umalis na nga sila Patrick "Pre, mukhang type ka non." Sambit ni Dave.

Vince: Sino ako? Type ni Aliyah? Patrick, pakainin mo nga ire gutom na ata kung ano ano pinagsasabi.

Patrick: Pero tama si Dave nakita kong napangiti siya habang nakatingin sayo habang natawa ka kanina.

Vince: Wag nga kayo diyan.

Dave: Asus...kinikilig ka naman? Ligawan mo na.

Patrick: Tulungan ka namin.

Vince: Sira! Bahala nga kayo diyan.

Biyernes ng hapon,

Dave: Wooohooo...natapos na rin sa wakas ang MIDTERM...Yahooo...

Binato siya ni Mimay na nilukot na papel "Ang ingay mo!" Aniya.

Dave: Tsk...Siguro di mo nasagutan lahat noh?

"Hahahaha..." Natawanan ang buong klase.

Mimay: Mukha mo!

Nakaub-ob si Kelly sa desk niya "Hoy, gumising ka na diyan uwian na." Sambit ni Vince.

Kelly: Mmm...mamaya na kuya.

Piningot ni Vince ang tenga ni Kelly "Awww..." Reaksyon niya.

Vince: Tulog ng tulog ayusin mo na ang gamit mo uuwi na tayo.

Luminga-linga si Kelly "Nasan na si Prof?" Aniya.

Vince: Tsss...Porket nauna ka lang matapos mag sagot eh malamang nakaalis na si Prof. Daina.

Naghikab at nag iinat si Kelly ng lumapit sa kaniya si Patrick "Hey." Anito.

Pandalas naman ng upo ng ayos si Kelly "Tsss...ano na naman?" Aniya.

Patrick: Nagyayakag kasi kumain si Dave baka...

Dave: Sama kayo master.

Siniko siya ni Patrick at bumulong "Sabi mo ako ang magsasabi di ba? Epal ka rin eh noh?"

Dave: Sorry naman na excite lang ako.

Vince: Kain? G! Basta libre.

Kelly: Puro ka libre.

Vince: Sus...parang siya hindi.

Kelly: Heh!

Dave: Ano master sama ka na? Libre.

Kelly: Game!

Vince: Kow...ayaw daw.

Kelly: Heh!

Harvey: Hoy...ano yan? Sama ko.

Dave: Syempre naman tropa eh.

Patrick: Tara na? Mims ikaw?

Mimay: Ayoko!

Kelly: Ha? Bakit?

Dave: Master, ako na.

Kelly: Okay?

Nilapitan ni Dave si Mimay "Bakit parang lately aso't pusa iyang dalawang yan?" Ang sabi ni Vince.

Patrick: Pansin ko nga rin.

Lumapit naman at bumulong si Kelly kay Harvey na nakatingin lang doon sa dalawa ni Dave at Mimay "Ano? Selos ka?"

Harvey: Oo naman...Ha? Hinde! Bakit naman?

Kelly: Asus...arte pa.

Harvey: Tsss...

Kelly:Alam mo bakit kasi di mo uli ligawan si Mimay? Malay mo these time sagutin ka na.

Harvey: Paano mo naman nasabi? Eh nireng mga nakakaraang araw nga di niya ko kinikibo eh.

Kelly: Slow ka kasi.

Harvey: Ha?

Kelly: Basta!

"Guys! Ano na? G na tomguts na kets." Dagdag pa niya.

Dave: Okay, sasama na raw si Mims.

Mimay: Tsss...

Kelly: Ayos...lika na Mims.

Mimay: Okay!

Makalipas ang kalahating oras,

Nakarating na yung mag totropa sa isang resto "Mura ba dine? Baka di kaya ng budget ko." Ang sabi ni Kelly.

Dave: Master, keri lang sagot ni Patrick di ba Dude?

Kelly: Weh?

Patrick: Oo kahit ano basta ikaw.

Kelly: Iwww...

Mimay: Hahaha...tama na nga yan bilis pasok na tayo gutom na ko.

Nauna na yung dalawa pumasok "Oy, intayin niyo kami." Anila.

Pagkapasok nila "Good afternoon Ma'am, Sir."

Kelly: Aliyah?

Aliyah: Kayo pala yan hi...

Kelly: Dito ka nagwowork?

Aliyah: Ah...eh...parang ganun na nga?

Mimay: Working student ka?

Aliyah: Ah....eh...

Vince: Anyare? Bakit ayaw niyong tumuloy?

Aliyah: Hi?

Nagulat si Vince "A----Aliyah?"

Dave: Wow...dito ka nagwowork?

Aliyah: Oo?

May biglang lumapit kay Aliyah "Ma'am tawag po kayo ni Sir Chollo." Sabi nung isang babeng crew.

"Ma'am? Sir Chollo?" Anila.

Aliyah: Ah...eh...guys, let me explain.

Makalipas ang ilang minuto ng pagpapaliwanag,

Nakaupo na sila Kelly at nakatayo si Aliyah at yung apat nila Chollo sa harapan nila " So, you mean sa inyong lima ang restaurant na ito?" Ang sabi ni Mimay.

James: Yes, walang iba kundi kami.

Pabulong bulong si Kelly "Tsss...yabang naman."

James: I heard you!

Aliyah: James!

Patrick: Guys, can we go to another restaurant?

Chollo: No, dito lang kayo kung gusto mo umalis ayos lang iwanan mo sila lalo na si Kelly.

Patrick: Huh! Asa ka!

Chollo: Aba't!

Kelly: TAMA NA YAN!

Mimay: Ahm...wag niyo nalang siyang pansinin ano? Ako nga pala si Mimay. Hello

Siniko siya ni Harvey at bumulong "Wala ka namang braces bakit bigla kang nagka braces diyan?"

Mimay: Manahimik ka na nga lang diyan.

Vince: Sorry, pero can we ask the menu?

Aliyah: Ah...O—okay. Here.

Vince: Thanks...guys order na kayo.

Patrick: Pre!

Vince: Dude, gutom na kami kaya kumalma ka na diyan.

Chollo: See!

Patrick: Tsss...Bwiset!

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts