webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 379

Last Night,

Hindi alam ni Patrick na hinihintay sya ng ate May nya sa sala ng bahay nila.

"San ka galing?" Ang bungad ni May kay Patrick na nag babasa doon sa sala.

"A-- Ate!"

"Upo!"

Naupo naman si Patrick agad dahil alam nyang galit ang ate nya.

"Who told you to drive?!"

"A--- Ate..." lumapit sya kay May para maging clingy at mag pa cute.

"Lumayo ka nga!  Baka akala mo di ko alam na uminom ka. Layo! Kung ayaw mong isumbong kita kila mom and dad?"

At dali-dali namang lumayo si Patrick sa ate May nya "kapag naulit na naman ang ganito ako na mismo ang magiging driver mo. Alam mo namang halos kagagaling mo lang kaya nga binigyan ka ni daddy ng driver para ipag drive ka tapos iiwan mo? Tapos nag inom ka pa? Sawa ka na ba  talaga sa buhay mo?"

"Ate, hindi naman talaga ako lasing di gaya dati na isang shot lang eh lasing na."

May bonked her brother "sumasagot ka pa?!"

"Ate!!!"

"So, how's everything? Did you get Kelly's heart back?"

"Ano namang tingin mo sakin aswang? At kailangan ko pang kunin ang puso ni Kelly."

"Mom, dad..."

"Ate!!!"

"Wag mo kong iniinis kung ayaw mong di lumabas ng bahay."

"Oo ere na nga kukwento ko na."

"Good boy."

"Tsk! Hindi pa, at mukhang mahihirapan ako."

"Ha? Pero alam nya naman na kababalik mo lang from life? Este dito sa Pinas?"

"Ate, para namang ordinaryong tao lang tayo syempre malalaman nya yon kahit di ko sabihin sa kaniya."

"Tapos wala lang? May bf na ba sya?"

"Sa pag kakaalam ko wala naman yun din ang sabi sakin ni Dave."

"Then what are you waiting for? Kumilos ka na!"

"Oo ate, may ginagawa na ko."

Nung gabi ring yon tinawagan ni Patrick si Johnsen about sa picture nila ni Kelly.

Patrick: Oo just make it trend but don't reveal Kelly's face.

Johnsen: Yes young master pero paano po kung may makakilala pa rin kay Ms. Kelly? Dahil ngayon palang po may trending hashtag na po kayo together with Ms. Kelly.

Patrick: Let it be, basta siguraduhin mong walang ni isang mukhang ni Kelly ang lalabas sa social media.

Johnsen: Opo I will make it sure young master.

Patrick: I handle the rest.

Kasalukuyan...

"Huh! You want me to work for you? Are you insane? At ano ito? Frame up? Ibang klase ka Patricio!"

Patrick chuckled "what's funny jerk?!"

"Nothin', I just missed that nickname from you."

Kelly blushed "yo-- you..."

Inilabas ni Patrick ang isang brown envelope "here, contract yan for our partnership."

"What? Part...Partnership? Pinagsasabi mo?" Naalala naman nyang bigla na may bago silang franchise ng coffee and teanapay. "No! NO WAY!!!"

Nakaagaw naman ng atensyon yun ng mga tao dun sa café "ha...ha... wala po ito...ha...ha..." Ang nahihiyang sambit ni Patrick na tumabi sa kinauupuan ni Kelly at bumulong "pwede bang babaan mo yang tono ng pananalita mo! Nag cau-cause na tayo ng commotion dito ayaw mong ma issue tayong dalawa di ba? Kaya..." napatigil naman sya sa pag sasalita dahil na realized nya na sobrang lapit niya pala kay Kelly at ang sama ng tingin nito sa kaniya. " Ah... Eh... so--- sorry..." pandalas naman sya agad ng balik sa kinauupuan nya.

"Tell me, do you still like me?"

Nagulat naman si Patrick sa sinabing iyon sa kaniya ni Kelly.

"A... Ahm..."

"If you... then stay away from me. Hindi na ako ang dating si Kelly na kilala mo nung iniwan mo ko!"

"I...I..."

Tumayo si Kelly at kinuha yung brown envelope na bigay ni Patrick "I will check this out ipapakita ko ito sa lawyer ko within 3days will see each other here same time. Goodbye Mr. Santos." Then she left.

"Ke-- Kelly!"

Huminto naman si Kelly at bumalik "don't call me by my name were not close Mr. Santos and by the way sa dalawang araw ayokong may maririnig about sa issue. I know what you did parehas tayong IT graduate dito kaya kung gugustuhin ko I can torture you via social media. Mark my word Mr. Santos!"

At tuluyan na ngang umalis si Kelly at natahimik lang si Patrick at pinagmasdan si Kelly na umalis.

Dahil nga almost half ng café is transparent nakita ni Patrick na hinubad ni Kelly ang hijab nya nagulat syang naka dress pala ito at sa loob bumilis naman ang tibok ng puso nya sa kagandahang taglay ni Kelly lalo na nung may dumamping hangin sa buhok ni Kelly na nag cause ng pagkatanggal ng ponytail nito.

"Ang ganda nya." Sabi nung isag lalaki na nasa café na may kasama ring isa pang lalaki.

Pandalas namang lumabas si Patrick ng café na nag iwan ng bayad sa table kahit tubig lang naman ininom nya.

Honk... Honk...

"Sakay na ihahatid na kita." Sabi ni Patrick na gamit ang big bike ni Dave.

"Hindi na. Kaya kong mag commute."

"Oh? Sigurado ka?"

"Aha! Feeling ka naman dyan mas sanay ako dito kesa sayo na spoiled brat."

"Huh! Really? Then look around."

At napatingin nga si Kelly sa kapaligiran nya at napansin nyang walang jeep o tricycle na nag sasakay dun ng pasahero.

Sa isip-isip ni Kelly "bwiset! Yayamanin nga pala ang lugar na ito. Dito pa kasi naki pagkita ang ungas na ito. Dapat pala di ko muna pinaalis yung taxi na sinakyan ko kanina."

"Nag mamadali ka di ba? Kaya..." bumaba sya sa big bike at binuhat si Kelly.

"Put me down!!!"

"Aren't you good at martial arts?  Bakit parang naging weak na ang Kelly Ann Marie na kilala ko?"

Kelly seems sad "ihatid mo nalang ako at wag ka ng maraming tanong!!!"

"Yes Ma'am!"

At iniangkas na nga ni Patrick si Kelly sa big bike ni Dave.

Hinubad naman na muna ni Patrick ang denim jacket nya at ipinatong sa lap ni Kelly. Gamit naman ang sleeves nung jacket, tinali nya ito sa bewang ni Kelly para iwas sa pag lipad ng palda nito dahil nga naka motor eh hindi maiiwasan na liparin.

"Hold on tight Ma'am." Hinila nya ang kamay ni Kelly at napayakap ito sa kaniya.

"Lemme go! Kaya kong mag balance kahit di ako nakahawak sayo!"

Pero ayaw bitawan ni Patrick ang kamay ni Kelly at humaruruot na ng pagpapatakbo.

***

Patapos  na ang dalawang araw na parang hinihila lang ito kaya naman bago pa man magkita sila Kelly at Patrick muli... kinuha ni Kelly ang opinyon ni Vince...

"What? Pumunta si Patrick sa bahay nung gabing nag kita-kita tayo sa mall?" Pagulat na sambit ni Kelly habang nasa isang turo-turo sila ni Vince.

Kumakain naman ng isaw si Vince habang nakikipag usap kay Kelly.

"En. Ang angas nga ng kotse nyang gamit nun eh pero alam ko pinagalitan sya ni Ms. May kasi hindi na pala pinapayagan na mag drive ngayon si Patrick dahil sa nangyaring insidente sa kaniya doon sa America kaya ngayon wala syang kotse kung aalis man sya kailangan kasama niya si Ms. May o yung driver nya."

Sa isip-isip ni Kelly "kaya pala motor ni Dave ang gamit nya nung nagkita kami."

"Pis!"

"Hmmm?"

"Ang sabi ko bakit ayaw mo kumain treat ko naman ayaw mo ba dito?"

"Ayos lang busog pa naman ako nag dala kasi sa office yung isa sa staff ko ng pagkain birthday nya kasi."

"Ahhh... eh wala ka bang gusto kainin? May kwek-kwek dine paborito mo yun di ba?"

"Busog pa ko mamaya nalang siguro bago tayo umuwi."

"Okay sige, tara muna dine at maupo."

At upo na nga muna yung dalawa sa isang batong upuan at mesa doo  kasi sa turo-turo na iyon yari sa bato ang upuan at mesa.

"Hindi na gaya ng dati ang sauce ng fishball dine bago kasi ang nag titinda."

"Nakarami ka na nga nag rereklamo ka pa."

"Ganun talaga. Nga pala, mabalik tayo sa topic mo. Gusto mong kunsultahin sila kuya Kian about sa partnership niyo ni Patrick? Kala ko ba ayaw mo na makita si Patrick?"

"Ehhh... naisip ko kasi sayang eh. Mas lalaki pa ang business namin kung makiki pag partnership ako sa gaya ni Patrick bilang negosyante talaga ang pamilya niya. Tignan mo maraming branches ang mall nila kaya maaari ako dung mag lagay ng stalls or even a franchise na talaga ng milktea shop namin."

"Eh... anong balak mo? Handa ka na ba sa mga consequences? Alam mo namang ayaw ng mga kuya mo kay Patrick. Well, naka depende naman sayo kung mag go ka after all ikaw pa rin naman talaga ang may ari ng coffee and teanay. Ginamit mo ang pera na namana mo kay uncle Kemwell."

"Oo, pero syempre kasama ko sila kuya nung nag simula ako. Alam mo namang malaking capital talaga ang ginamit ko kaya kinailangan ko rin ang pera nila kuya."

"But still, mas malaki parin ang share mo. Pero teka nga... hindi mo pa ba talaga nasasabi ang bagay na ito sa mga kuya mo?"

"Hindi pa nga kaya nga ikaw ang kinakausap ko."

"Sira ka! Baka mamaya ako pa masisi nila kuya Kian diyan ha. Eh si Atty. Anarna nakausap mo na about sa contract?"

"Oo at ayos naman na ang problema ko lang eh kung paano ko sasabihin kila kuya. Alangan namang napilitan ako dahil na frame up ako ni Patrick."

"Pis, kahit san mo tignan ikaw lang ang nag iisip na frame up yon wala namang masamang intensyon si Patrick gusto ka lang nya na maging partner sa business kaya kumuha sya ng ibang tao para sa bago mong franchise."

"Sira! Hindi naman yun yon ang point ko at nakausap ko na si Mr. De Leon sila naman talaga yung owner ng bago kong franchise pero yung ginamit nilang capital ay galing kay Patrick."

"See, tinulungan naman pala."

"Pero kasi iniisip ko parin yung issue about samin ni Patrick malilintikan ako kila kuya pag nalaman nilang nakipag kita ako kay Patrick."

"Ahhh... yung sa mall? Wag mo ng alalahanin yun nagawan ko na rin ng paraan wala ng link o news na makikita about sa inyo kaya wag ka ng mag alala pa. Tsaka di ba nga sabi naman sayo ni Patrick sya ng bahala sa lahat then trust  him."

"Oo nga kaso... Sandali nga!"

"Ha?"

"Nung nakita mo uli si Patrick galit na galit ka tapos ngayon? Nag bago na ba ang ihip ng hangin at bet na bet mo sya?"

"Pis, praktikal! Gusto mong lumago ang negosyo mo then go! Sinusuportahan lang naman kita pero kung tungkol sa love wag na sya dahil pati ako magagalit sayo kasama ng mga kuya mo."

Kelly bonked him "sira! Wala akong balak sa mga ganung bagay. Pero sa tingin mo papayag sila kuya?"

"Don't worry I will help you to tell them about the partnership."

"Really?"

"Aha, pero i-promise mo na wag na wag ka ng maiinlove kay Patrick. Alalahanin mo hindi na ikaw ang dating Kelly."

"Oo na, hindi naman ako ang gusto nya."

"Hindi mo deserve ang ungas na yon. Tignan mo nalang sya bilang business partner hanggang don nalang yon!"

"Yah..."

"Nga pala ang gamot mo ininom mo na ba?"

"Um."

"Kailan pala ang check up mo uli sa cardio? Samahan kita."

"Sa Wednesday pero may pasok ka si kuya Kevin nalang."

"Okay sabihan mo ko kung anong sabi ng doctor ha?"

"Um."

Sa mag kaparehong oras sa bahay ng mga Dela Cruz...

"Andito na ko." Sabi ni Kevin at bumungad sa kaniya si Jacob na binigyan sya ng tsinelas

"Nasa kusina po sila daddy."

"Oh... ang tita Kelly mo? Dumating na ba?"

"Hindi pa po pero sabi po niya kay daddy kasama niya si tito Vince."

"Ahhh... I see. Here may pasalubong ako sayo." Iniabot nya kay Jacob ang supot na may lamang burger at fries.

"Iniispoiled mo na naman yan Kevin." Bungad ni Kian

"Daddy naman eh."

"Konti lang naman yun kuya. Anong niluluto nyo?"

"Dinner malamang. Tsaka may bisita tayo mamaya kaya sige na mag palit ka na ng damit mo tulungan mo kami."

"Eh? Bisita? Sino?"

"Darating po ang mga kapatid ni Mommy."

"Eh? Hindi ba dapat tayo ang mamanhikan at di ang pamilya ni ate Rica?"

"Oo pero hindi naman sila mamanhikan gusto lang nila bisitahin si Jacob."

"Ahhh...kala ko kung ano na."

"Sige na mag bihis ka na at yung susi ng motor pahiram. May kailangan akong bilhin."

"Oo kuya eto."

"Nga pala, sa wednesday ang check up ni Kelly di ba? Sasama ako."

"Sige kuya sabi nga pala sakin ni Dra. Rosal malalaman na rin sa wednesday kung lalagyan ba ng pacemaker si Kelly o hindi at kung lalagyan nga kailangan natin ng malaking pera, tol."

"As long as magiging ayos si Kelly kahit magkano pa yan gagawan natin ng paraan."

"Oo kuya."