webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 374

"What? Andito si Patrick sa Pinas?" Ang gulat na gulat na sambit ni Mimay at ni Harvey na sumunod rin kila Kelly at Vince sa Mall.

"Oo, andun sya sa café na pinuntahan namin kanina ni Kelly." Sagot naman ni Vince.

Nasa isang play ground sa mall sila Kelly at nakaupo silang lahat sa maraming mga bola at foam na malalambot.

"Sa isang café? Eh hindi ba may ari ng tea shop ireng si Kelly at talagang tumatangkilik sya ng iba ah." Opinyon naman ni Harvey.

"Eh anyare dyan? Bakit parang wala sa sarili ang layo ng tingin?" Sabi naman ni Mimay.

"Hayaan nyo lang yan ayos lang yan na gulat lang sa big entrance ni Patrick anyways sa kaniya pala yung café kung nasan kami kanina bukod sa mall na ito na pag mamayari ng pamilya nila." Sagot naman ni Vince.

"Sigurado ka bang okay lang yang si Kelly?" Tanong naman ni Harvey.

"Ako ng bahala." Sabi ni Mimay na niyakag si Kelly na mag slide at nag pa tuloy naman sa pag uusap sila Vince at Harvey

"Nakausap n'yo na ba si Dave? Alam nyang andito na si Patrick?"

"Hindi ko alam sa isang yon pero sa tingin ko hindi pa n'ya alam dahil wala pa syang sinasabi satin."

Ka Ching...

Sabay namang tumunog ang phone nila Vince at Harvey at gaya ng inaasahan na kapag nalaman ni Dave na dumating na si Patrick sasabihin nito sa kanila.

"Kahit kailan tukmol ang isang yon." Sabi ni Vince.

"Pasunudin natin dine?"

"Kow, kahit di mo sabihan yun nararadar tayo nun."

"Well, si Dave nga pala yon. In three..."

Sabay pang nag bilang sila Vince at Harvey at dumating nga si Dave.

"Guys! Sabi ko na andito kayo." Bungad naman ni Dave.

The two smirked "oh? Bakit parang di naman kayo nagulat sa pag dating ko?"

"Di na kagulat gulat yon pre." Sabi ni Harvey.

"Tsss! Nga pala, nasan si Master? Kamusta s'ya? Tagal ko na yung di nakikita eh."

Tinuro ni Vince na nasa slide area sila Kelly at Mimay "wag mo na munang istorbohin hayaan mo na munang mag pa wala ng stress."

"Hmm? Bakit? Badtrip s'ya?"

"Sino ba namang hindi mababadtrip kung makita mo yung kaibigan mong di nag pa ramdam matagal na panahon na?" Sabi naman ni Harvey.

"Eto tandaan n'yo wag na wag n'yong sasabihin sa harapan n'ya ang pangalang Patrick kung ayaw n'yong sapakin kayo nun."

"Teka. Nagkita ba sila kanina? Trending si Patrick kanina eh."

"Oo nagkita sila ni Kelly kasama nga si Vince eh. Di ba pre?"

"Talaga? Lintek na yun di man lang sinabi sakin na uuwi na, nakita ko lang sa social media na nakuwi na ang mga Santos kaya nalaman ko."

"Nako! Baka masapak ko lang ang isang yon feeling kala mo kung sino. Nag kukunwaring di niya kami kilala ni Kelly."

"Ehhh?"

"Oo, yun nga daw ang nangyare kanina tapos bigla nalang ang daming mga babae ang dinumog s'ya kaya iniwan nila yung kumag na yon."

"Nako! Pag nakita ko talaga yon masasapak ko ang bwiset na yon."

"Chill, kaibigan parin naman natin s'ya."

"Kow! Nasasabi mo yan kasi bff mo yon. Nakuha n'ya pang mag pick up line kay Kelly tapos sasabihin di n'ya ito kilala? Miss daw? Miss niya mo mukha nya!"

"Kalma Vince para ka namang nanay ang datingan kay Kelly eh."

"Heh! Sino namang di kakalma sinabihan niya si Kelly ng Ms.?"

"Pero nag bago na nga kaya si Patrick? Porket nanirahan lang s'ya sa US? Iba na ang pakikitungo n'ya satin?"

"Hindi n'yo ba nabalitaan? Na coma si dude ng isang taon. Kaya siguro di kayo na alala."

"Huh! Ewan ko sa kaniya dapat di na s'ya bumalik dito."

"Pero... kung iisipin nakakaawa din naman ang naging lagay ni Patrick mantakin niyo isang taon syang coma? Sigurado nag lalakbay ang diwa nun."

"Nako Harvey! Umandar na naman yang pagka mahilig mo sa horror mag pasalamat nalang yang Patrick na yan na binigyan pa s'ya ng panibagong buhay."

"Well, oo naman kaya nga nag donate ang mom and dad n'ya ng 10M sa sampung mga ampunan at nag donate din sila sag mga churches ng 5M tapos nag pakain din sila sa mga walang bahay yung mga palaboy."

"Iba talaga pag mayaman." Sabay sagot nila Vince at Harvey.

"Di lang yan, nag donate din si ate May ng 4M dun sa mga nasalanta ng bagyo."

"Wow! Iba din." Sabi ni Harvey.

"Tsss! Di pa rin ako na hanga! Bakit si Patrick anong ginawa n'ya? Rumampa dine sa mall? Humph!" Sambit naman ni Vince na naiinis.

"Sa ngayon, wala pa akong alam tungkol kay Dude pero baka tumulong rin yun. Syempre papasalamat n'ya sa second life nya."

"Bakit parang full support ka parin sa tukmol na yon? Hindi ba hindi rin naman sya nag paalam sayo nung pupunta na sya sa US?."

"Oo pero... kaibigan ko pa rin sya kasabay ko na syang lumaki tsaka lagi parin naman ako ina update nila ate May tsaka nung bago sya maaksidente chinachat naman nya ako pa minsan-minsan tsaka sanay naman na ko dun na di nangangamusta ganun din kasi ako minsan hahahaha...."

"Ewan mag kaibigan nga kayo!"

Samantala kausap naman ni Mimay si Kelly habang nakaupo sila sa trampoline...

"Hindi ayos lang... hindi naman ako badtrip dahil nakita ko ang kumag na yon. Nakakainis lang kasi tinawag nya kong Miss."

"Ha? Miss?"

"Oo, na para bang hindi nya ako nako kilala. Tapos pinagkakalandakan na nya ngayon na young master sya ng mga Santos."

"Oh? Nag bago na talaga sya?"

"Ewan ko dun, ayoko na syang makita pang muli baka masapak ko sya ng di oras! Bwiset!"

Sa isip-isip ni Mimay "di daw sya badtrip ng lagay na yan. Gigil na gigil yarn?"

"Sige una na ko sa inyo may kailangan pa akong gawin eh."

"Ha? Uuwi ka na? Pero hindi ba bibili pa kayo ni Vince ng laptop? Tsaka ikaw titingin ka din ng new phone mo right?"

"Ah, hindi na tinatamad na ko eh samahan nyo nalang si Vince at mukhang may kapalit na ko. Look."

Napatingin si Mimay sa pinatitignan sa kaniya si Kelly at nakita nilang papalapit sa kanila yung tatlo nila Vince.

"What the? Bakit andito si Dave?"

Nakatayo na si Kelly at hinila na rin si Mimay "kaya mo yan."

"Ha?"

Tinulak ni Kelly si Mimay sa may trampoline at nag panic naman yung tatlo na nasa baba "Kelly!!!" Sigaw ni Mimay at sinalo naman sya ni Dave pero kahit naman na mahulog sya malambot ang babagsakan nya dahil surrounded ng foams ang playground na yon.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Dave kay Mimay habang buhat nya ito.

"H— Ha?"

Kineltukan naman ni Vince si Kelly na tumalon sa harapan nila "Ikaw! Bakit mo tinulak si Mimay? Delikado yon!"

"Hehe... alam ko naman kasing sasaluhin nyo sya lalo ka na Dave. Right?" May pag taas pa s'ya ng kilay kay Dave na para bang tinutukso niya si Dave.

Ibinagsak naman ni Dave si Mimay "Master!!!" At nilapitan nya agad si Kelly.

"Aray naman." Sabi ni Mimay at tinulingan naman sya ni Harvey na tumayo.

"Malambot naman hayaan mo na."

Mimay smirked "ewan!"

"Ha? Aalis ka na Master? Mamaya na, kararating ko lang dito eh."

"May kailangan pa kasi akong gawin di ko pa na che-check yung chapter ko kailangan ko mag update mamayang 12midnight eh."

"Mamaya na! Sasamahan mo pa kong bumili ng laptop eh."

"Sila nalang, ayan na si Dave oh, madami ka ng kasama."

"Ayoko! Gusto ko kasama ka. Tsaka ipinaalam kita kila kuya Kian kaya wag ka ng mag palusot pa kilala kita sure ako na may stock ka ng chapter kaya tigilan mo ko Kellang!"

"Hayssss....Oo na! Pero umuwi tayo agad inaantok na kasi ako."

"Master, ang aga pa para antukin ka. Tara bilis ililibre kita kumain tayo."

Hinawakan ni Dave ang kamay ni Kelly at sinama nya ito papalabas at sinundan naman sila nung tatlo "selos ka?" Tanong ni Harvey na para bang iniinis si Mimay.

"Heh! Si Kelly yon bakit ako mag seselos? Tsaka wala naman akong karapatang mag selos di naman kami ng mokong na yon."

"Ouch sakit."

"Hoy!"

"Hahaha... halata namang may feelings ka parin."

"Tigilan mo nga ko. Tsaka wala na kong feelings kay Dave may iba na kong crush." Napatingin sya kay Vince na seryoso ang awra at sumusunod lang dun sa dalawa ni Kelly at Dave na napaka jolly.

"Kelly, Dave wag kayong takbo ng takbo!" Pa sigaw na sambit ni Vince.

Siniko naman ni Harvey si Mimay "si Vince ba yung bago mong crush?"

"H— Ha? Hi— Hindi no! Bakit ko naman sya magiging crush? Magka workmate lang kami yun lang yon."

"Ohhh... so, mahal mo na sya di na pala crush?"

"Baliw!!!"

"Uyyyy... namumula sya. Hahaha!"

"Di kaya! Baliw ka."

Napalingon naman si Vince dun sa dalawa para sabihin na "bilisan n'yo nga dyan naiwan na tayo nila Kelly at Dave."

"O— Oo andiyan na." Ang nauutal pang sambit ni Mimay at binilisan nga ang pag lalakad.

Harvey smirked "di daw n'ya crush pero nauutal. Sus!!!"

"Hoy! Bilisan daw."

"Oo na. Ere na kilig yarn?"

"Tigilan mo yan Harveyno!"

***

Dumating si Kevin sa kanila mga 2pm na kaya naisipan n'ya na mag luto ng spaghetti bilang weekend naman.

"Teka, may cheese kanina dito sa ref ah bakit nawala?"

"Kinuha ni Jacob nagutom." Bungad ni Kim na kumukuha ng tubig na maiinom.

Isinara naman ni Kevin ang ref.

"Eh? Kinain n'ya? Lahat?"

"Di ko lang alam andun sila ni Keith sa kwarto ni kuya nag lalaro ng video games."

"Hayysss... kundi bumili ako nire ng cheese sa tindahan nagluluto kasi ako ng spaghetti."

"Ako na, bantayan mo nalang yan at baka masunog."

"Sige kuya salamat kahit mga dalawa kung maliit lang ang nasa tindahan yung nasa pack yun eh pero kung me malaki kahit isa nalang."

"Sige." Pag ka inom n'ya lumabas na agad s'ya ng bahay nila at nag punta sa kalapit na tindahan at nakita n'ya na nakatambay don si Kian.

"Tol?"

"Oh, anong bibilhin mo?"

"Keso. Eh ikaw, bakit ka nandito? Bakit di ka umuwi satin?"

"Ah... Eh... Ano kasi..."

"Don't tell me, iniiwasan mo si Jacob? Ate Heidee may keso kayo?"

"Oo ilan?"

"Ano pong andyan? Malaki ba o maliit?"

"Meron ako yung nasa pack yung budget cheese meron din yung nasa kahon."

"Sige po yung nasa kahon nalang isa."

"Sige sandali lang."

"Ano kuya? Bakit di ka mag salita?"

"Oh eto na 53 lang."

"Eto po bayad."

Pagkaabot ng sukli nung tindera na upo naman sa kabilang side si Kim para kausapin ang kuya Kian nya.

"Huy kuya. Ano na?"

"Ha? Ano?"

"Bakit ba parang lutang ka dyan?"

"Ehhh kasi... nag chat sakin si Rica."

"Oh? Tapos? Text lang pala eh."

"Ehhh... kasi..."

"Nakabuntis yang kuya mo!" Ang pag singit na sambit nung tindera.

"Ate Heidee naman."

"Ano? Nakabuntis ka na naman? Aba naman kuya!"

"Sira! Maka na naman ka naman dyan! Si Rica naman yon at kung hindi kung sino lang."

"Ohhh... buti naman kala ko kung sino na naman eh. Eh bakit ba parang problemado ka?"

"Ehhh... syempre, sa pangalawang pag kakataon na buntis ko na naman si Rica nakakahiya na sa pamilya n'ya tapos di pa kami kasal. Sigurado magagalit sakin si Kelly."

"Nako, sigurado yon. Kain eh "ano ba naman yan kuya? Ano? Tatakasan mo na naman?" Mga ganyan- ganyan ang sasabihin nun sayo sure. Pakasalan mo na kasi para di ka dyan problemado."

"Oo nga naman Kian." Pag singit na naman na sabi ni Aling Heidee.

"Ninang po kayo ah." Sabi ni Kim.

"Aba'y oo, kayo pa ba? Lagi kayong nabili saking mag kakapatid eh kaya sige ninang ako sa kasal mo Kian."

"Oh yon kuya may isa ka ng ninang."

"Ehe... Salamat po. Pero..."

"Bakit kuya? Ayaw mong ninang si ate Heidee."

"Sira! Inaalala ko kasi si Kelly."

"Si bunso? Bakit?"

"Bumalik na si Patrick kaya baka kung ano na naman ang maisipan ni Kelly."

"Kuya... nasa tamang edad na si Kelly kaya alam na n'ya kung ano ang gagawin n'ya tsaka kilala mo yun may isa syang salita di s'ya gagawa ng ikagagalit natin."