webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 344

Naalala ni Kelly ang mga tinuro sa kaniya ng kuya Kian at habang hawak sya ni William itinaas nya ang kamay nya at nag taka ang mga nakakakita kung bakit nya iyon ginawa pero ang hindi alam ng karamihan isa yung code na ginawa ni Kelly para sa mga kuya nya sa ganoong sitwasyon.

"Sandali lang, hindi ba yun yung…" Ang sabi ni Kevin na pinahinto ang mga kapatid nya sa pag uusap kasama si Patrick at patuloy namang kinakausap ni Flin si William. "mga kuy's hindi ba yun yung sabi ni Kelly noon satin?" dagdag pa ni Kevin at napatingin naman sila Kim, Keith pati na rin si Julian at Patrick at nag taka nga kung bakit itinataaas ni Kelly kamay niya.

"Anong ginagawa nya?" Ang tanong ni Julian.

"Isa yung code." Ang sabi ng mga kuya nya.

"Code?" Ang sabay namang tanong nila Patrick at Julian.

Naiirita naman na si William sa ginagawang iyon ni Kelly kaya lalo nya pang idinikit ang bibig ng baril nya sa sintido nito. "Kapag hindi mo ibinaba yang kamay mo ipuputok ko na talaga ito!"

"Ows? Edi iputok mo."

"ANO?!"

Ginalit talaga ni Kelly si William pero hindi na sya nag pa tumpik-tumpik pa kaya kinagat nya na ang braso nito "IKAW!!!!"

Matapos niyang kagatin ang braso ni William siniko nya rin ang tagaliran nito kaya naman nagkaroon na ng space sa pagitan nilang dalawa kaya doon nya na tinapakan ang paa nito at hinawakan ang kamay tapos iniikot sa likuran at sumigaw sya "MGA KUY'S!!! NGAYON NA!!!" pag kasigaw nya tinabig nya yung kamay ni William na may hawak na baril tsaka nila Kim sinunggaban si William para ilayo kay Kelly tapos si Keith ang dumagan para hindi makagalaw ito sinalo naman ni Kevin si Kelly na biglang nahilo.

"Honey!!!" Ang sabi naman ni Patrick at lumapit agad kay Kelly nilapitan at inaresto naman agad ng mga pulis si William ngunit biglang dinugo si Kelly at hinimatay.

"Tsk…bilis buhatin mo kailangan natin syang madala sa hospital ngayon din!" Ang kinakabahang sambit ni Kevin kay Patrick.

"Honey…baby, hang in there…"

At dali-dali ngang dinala ni Patrick si Kelly sa DLRH para matignan ng mismong OB nito at si Julian naman ang nakipag usap sa mga pulis para mag bigay ng statement.

"Kailangan na po naming syang isama." Ang sabi ng isang pulis na may hawak kay Flin na may posas na.

"Sige…pakisabi nalang kay Kelly na sana mapatawad nya ko… pati sana kayo mapatawad nyo ko sorry kung hindi ako naging kuya para sa inyo. Mapatawad nyo pa sana ako." Ang sabi ni Flin bago sya isama ng pulis.

Hindi naman kumibo sila Keith at Kim pero si Kevin "balang araw kuya… balang araw."

Napalingon naman si Flin at ngumiti habang hawak sya ng mga pulis at nag patuloy sa pag lalakad.

"Sa tingin nyo ano kayang masasabi satin ni Dad kung sya'y na bubuhay ngayon?" Ang tanong naman ni Kevin.

"Tinatanong mo kung ano?" Ang sabi ni Kim.

"Um. Curious lang ako kasi sa ngayon lang tayo nag ka sundo sundong magkakapatid sa mali pagkakataon pa."

"Yun naman pala eh nurse ka tapos andito ka pa? Magagalit sayo si Dad!"

"Hmm?"

Bineltukan naman ni Keith si Kevin at sinabing "gungong! Dinugo ang kapatid natin tapos hindi ka sumama papuntang hospital?"

"Ay, oo nga pala masyado kasi ako nadala sa sitwasyon dine pahiram ng motor kuya Keith yun nalang sasakyan ko para mabilis."

"Wag na sumabay ka nalang sakin mag kotse na tayo gusto ko ring malaman kung ano na lagay ng mag ina." Ang sabi naman ni Kim.

"Um. Sige, wag kayo mag alala malakas si Kelly sure akong malakas rin ang anak nya. Manalig tayo."

"Sya sige na sumabay ka na kay kuya Kim ako na ang mag momotor."

***

Mahimbing na natutulog si Kelly habang nag aalala naman si Patrick at ang kanyang mga bayaw.

"Wag kayong mag alala ayos na si Kelly na pagod at na stress sya kaya dinugo yun ang sabi sakin ni Doc Jinzel ang kaniya OB." Ang sabi naman ni Kevin sa mga kuya nya at kila Julian at Patrick.

Nakahinga naman sila ng maluwag at dumating sila Patricia at May at kinagulat yon ni Patrick.

"How's my Kelly?" Ang nag aalalang sambit ni Patricia.

"Mom?" Ang pagulat na sambit ni Patrick at sumenyas naman sa kaniya si May.

"Anong sabi ng doctor nya?"

Lumapit naman si Kevin at sinabi ang findings ng OB ni Kelly "ohh… I see buti naman at okay sya at ang baby."

Nag bubulungan naman ang mga kuya ni Kelly sa may gilid "sino sya?" Ang sabi ni Julian.

"Sya ang nanay ni Patrick at ang biyenan ni Kelly." Ang sabi naman ni Kian.

"Ohhh… kaya pala hawig ni Patrick."

"Yeah…at galing rin sa name nya ang name ni Patrick. Sya si tita Patricia." Ang sabi ni Keith.

"Ohhh…ganun pala ang elegante nyang manamit parang may nakita na kong gaya nya."

Nagkatinginan naman ang mga kuya nya "oo ang mommy mo." Anila.

"Ehe… oo nga no si Mommy."

Kinompronta naman na ni Patrick ang nanay nila "kailan pa po kayo sa Pinas?"

Hindi naman maka tingin ang nanay sa kanya at naka tingin lang kay Kelly na hinihimas ang kamay nito.

"It's been a few days son."

"Bakit hindi nyo sinabi sakin na nandito na kayo?!"

"Bro, chill hindi naman sinasadya ni mommy na hindi sabihin sayo…"

"Isa ka pa ate eh kala ko ba wala tayong secret?"

"Ah…eh…kasi baby bro…"

Bigla namang na gising si Kelly "Hmm? Mommy?"

"Oh my baby…" ang sabi naman ni Patricia at niyakap agad niya si Kelly "anong nararadaman mo? May masakit ba?"

"Ahm…okay lang naman po ako…" sumesenyas sya kay Patrick dahil nag tataka sya na kasama nila ngayon ang biyenan nya.

"Mom, naiipit nyo na yung swero nya." Ang sabi naman ni May.

"Ay, sorry.... darling are you okay? You want us to call the doctor?"

"Ah…eh…hindi na po ayos lang naman po ako. Kai---Kailan pa po kayo dito sa Pinas?"

Bigla namang may tumawag kay Patricia kaya naka iwas na naman sya sa tanong kung kailan pa sya sa Pinas. "Wait a sec. kailangan ko lang sagutin ito."

"Si—Sige po."

At lumabas nga muna si Patricia at ngumiti sa mga kuya ni Kelly bago sya lumabas.

"Anong pakiramdam mo bunso?" Ang tanong naman agad nila Kian.

"Okay naman pero bakit ako nandito sa hospital?"

"Wala ka bang maalala?" Ang tanong ni Patrick.

"Naalala ko lang nung…" napahinto si Kelly at naalala nya si William "anong nangyare kay William mga kuy's? Nahuli ba sya?"

"Oo at dahil yun sayo pero wag mo ng uulitin yon tignan mo ang nnagyare sayo." Ang sabi ni Kian.

"Ano bang nangyare?"

Nakaramdam naman sya ng biglang sakit sa tyan nya "ahh….aray…ang sakit…"

"San masakit?" Ang nag aalalang sambit nila.

"Yung tyan mo? Sandali lang tatawagin ko si Doc Jinxel. Bantayan nyo muna sya." Ang sabi ni Kevin.

"AHHHHH…" Ang namimilipit sa sakit na reaction ni Kelly kaya dali-dali na lumabas si Kevin para tawagin si Doc Jinzel.

"Honey… relax ka lang…" Ang nag aalalang sambit naman ni Patrick habang hawak ang kamay ni Kelly.

"Ang sakit!!! Honey…yung baby natin…"

"."

Gabi na at pina pauwi na rin muna ni Patrick ang mga kuya ni Kelly alam nya kasing pagod na pagod na rin ang mga ito lalo na si Kian na nag papagaling palang at baka biglang bumuka ang tahi nito.

"Oo mga kuy's ako ng bahala wag na kayong mag alala. Pagod na rin kayo at walang tulog." Ang sabi naman ni Patrick sa mga bayaw nya.

"Ayos lang basta para kay Kelly pero sige bukas babalik nalang kami para maka relyebo mo dito pagod ka rin mag pahinga ka sabayan mo si Kelly." Ang sabi ni Kian.

"Oo kuya ako ng bahala, sanay naman ako sa puyatan may kailangan pa nga akong basahing email kaya ayos lang."

"Wag mong pagudin ang sarili mo baka mamaya kung mapaano ka rin mag aalala pa sayo si Kelly." Ang sabi naman ni Kim.

"Oo kuya alam ko naman yun lalo ngayon na bawal na bawal ma stress si Kelly."

"Kaya nga bukas umuwi ka at kami na bahala sa kaniya bukas." Ang sabi naman ni Keith.

"Salamat kuys."

"Sya ako eh sasabay na rin bukas pa naman talaga shift ko dine sa DLRH pumasok lang ako para kay Kelly. Maaga naman ako dine bayaw kaya bukas ng umaga pwede ka ng umuwi." Ang sabi naman ni Kevin.

"Okay kuya bukas nalang salamat."

"Sige na bukas naman eh pupunta rin dine si Mama. Ingat kayo dine." Ang sabi naman ni Kian.

"Oo kuya kayo rin."

Pagka alis ng mga kuya ni Kelly kinuha naman ni Patrick ang laptop nya na dinala ni Mr. Sensen kanina pero bago sya mag basa ng email tinawagan nya si Mr. Sensen.

"Oo dalhin mo dito bukas ang mga papeles na kailangan kong pirmahan."

Sensen: Yes Chairman, yun lang po ba?

Patrick: Bukas ipagdala mo ko ng damit dito at nga pala alam mong nandito na sa Pinas si Mommy?

Sensen: Ahm… Chair---Chairman…

Patrick: Wag mo ng sagutin sige na.

Sensen: Ahm… Chairman.

Patrick: Ano yon?

Sensen: Paano po si Sir Flin?

Patrick: Hayaan mo na sya sila kuya Kian na ang bahala don.

Sensen: Sige po wala na po ba kayong ipaguutos?

Patrick: Si kuya Richmond, si Mommy ang kumuha sa kaniya sa kulungan, tama?

Sensen: Chairman…

Patrick: Sige na, nextime kapag inutusan ka nila mommy o ni ate May siguraduhin mong sasabihin mo sakin kung ayaw mong palitan kita.

Sensen: Ye—Yes Chairman. Sorry po talalaga.

Patrick: Sige na.

Sensen: Ahm… Chairman ang mommy nyo po balak nya pong ilagay sa pangalan nyo ni Ma'am May ang lahat ng ari-arian nya.

Patrick: Ano? Bakit raw?

Sensen: Ang sabi po kasi sakin ni Madam balak nya pong manirahan sa America.

Patrick: Ano?!

Aja fighting! Penge po votes Hahahaha... beke nemen. ಥ‿ಥ

>Read my other Tagalog novels po (:

• Chasing Her Smile

• PRIDE of Friendship

>Don’t forget to add po sa library nyo po Thankies and Godbless po. Muah! ♡(˃͈ દ ˂͈ ༶ )

lyniarcreators' thoughts