webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 337

Iniwanan muna nila May at Kevin sila Wendy at Julian dahil may kailangan pa silang gawin bilang sa DLRH sila parehas nag tatrabaho.

Nakaupo naman sa labas ng kwarto ni Jules sila Wendy at Julian at para bang nagkakahiyaan…

"Ahm… sorry kanina na carried away lang ako." Ang nahihiyang sambit ni Wendy.

"It's okay sabi ni kuya Kevin lumaki ka raw sa ibang bansa kaya baka sanay ka sa ganoong gesture."

"Ah…eh…actually it's like that talaga. Ha…ha…ha…

Pero sa isip-isip ni Wendy "my gosh bakit ko nga ba sya niyakap kanina? Nakakahiya."

"Ahem…friends pala kayo ni Jules?"

"Ah… siguro?"

"Hmm? Bakit parang di ka naman sure?"

"Ah…eh…kasi dun lang naman sa foundation day ni Jacob kami nagkita ni Jules."

"Ahhh…dun pala ako dapat ang aattend dun kaso hindi pa ako pwedeng pumunta dito sa Manila kasi sa Cebu talaga ako naka destino."

"I know Kelly told me that actually my dad and I are from Cebu din."

"Really?"

"Um. But I don't know much the dialect. He…he…"

"Ahh…okay lang tagalog o english is fine naman sakin."

Ngumiti lang naman si Wendy at di na kumibo…

"Ahm…kumain ka na ba? Lunch na."

"Ah…hindi pa sabi kasi ni May sabay kami pero mukhang busy sya. Director kasi sya sa hospital na ito."

"Oo nga raw sabi ni kuya Kevin. Ahm…kung gusto mo…sabay nalang tayo kumain?"

"Pero paano si Jules?"

"Hindi naman tayo aalis."

"Hmm?"

"Ah…may pinabaon kasi sakin si Mama Keilla na lunch kung gusto mo salo nalang tayo."

"Ha? Hindi na I'm okay pa naman di pa ko gutom."

Kahit gutom na gutom na talaga si Wendy dahil excited sya pumunta sa hospital para makita si Jules hindi na sya kumain ng breakfast nya.

"Hindi naman maganda kung kakain ako tapos ikaw hindi? Salo na tayo sandali lang kukunin ko sa loob."

"Ha? Ah…eh…"

"Don't worry it's okay just sit back and relax lang."

"O—Okay?"

Pag pasok naman ni Julian ng kwarto ni Jules nag papanic naman itong si Wendy.

"My gosh!!! We really going to eat ba here together?" Aniya at binuksan nya naman ang bag nya at kinuha ang small mirror nya at nag retouch pa sya para hindi raw sya halatang gutom.

Samantala sa bahay ng mga Dela Cruz…

Busy naman makipag laro si Patrick sa mga pamangkin ni Kelly habang nakaupo naman si Kelly sa sofa at nonood ng tv habang nakain ng fruits.

"Honey, gusto mo ng tubig?"

"Meron na hindi mo ba nakikita?"

"Ay, oo nga pala sorry."

"Mag laro na nga lang kayo dyan nila Jacob."

"Sali po kayo mag bubuo kami ng puzzle." Ang sabi naman ni Jacob.

"Hindi sya pwede baby boy kailangan nya mag pahinga remember kalalabas nya lang sa hospital?"

"Ah…opo nextime nalang po."

"No need to sorry baby wala lang ako sa mood makipag laro sa inyo kaya yang tito Patrick mo nalang muna."

"Okay po."

"Nak, aalis na muna ako para mamalengke kayo na muna ni Patrick ang bahala sa mga bata." Ang bungad naman ni Keilla at kasunod na rin naman nito si Faith na sasama rin sa palengke.

"Sige po Ma kasama nyo rin po ba si ate Faith?"

"Oo bunso sana okay lang? Sasama kasi ako kay Mama may order kasi saking cake para bukas eh lima yon kailangan ko bumili ng mga ingredients."

"Ahhh…sige lang ate andito naman si Patrick at mukhang okay naman kila Tum-Tum na kalaro ang tito Patrick nila."

"Oo nga eh buti talaga andito kayo mag asawa. Salamat ha?"

"Ayos lang yun ate. Ma pakibili po ako ng siomai at siopao nag ke-grave po kasi ako eh."

"Gusto mo honey? Mag order nalang tayo."

"Hindi na Patrick may gusto kasi si Kelly na siomai sa palengke sa karenderia lang meron nun."

"Eh?"

"Oo bata palang ako gusto ko na ang siomai ni Aling Tarsing."

"Ohhh…"

"Sige na aalis na kami ni Faith kayo na munang bahala dito."

"Opo Ma."Ang sabay sambit ng KelRick at nag paalam na rin muna si Faith sa mga anak nya bago sila umalis ng biyenan nya.

Makalipas ang ilang minuto na bored si Jacob kaya nag yakag sya na gusto nyang mag swimming.

"Swimming?" Ang sabi ni Kelly.

"Opo gusto ko mag swimming."

"Pero Siopao wala naman tayong pool dito."

"Opo pero samin meron."

"Ahhh…sa kabila sige tara honey, buhatin mo sila Tum-Tum pupunta tayo sa bahay nila Siopao."

"Um." Sumunod lang naman si Patrick dun sa mag tita habang dala-dala nya yung mga anak ni Keith.

"Wow, malaki pala ang space nyo dito baby boy?" ang palinga-lingang sambit ni Patrick ng makarating sila sa bahay nila Jacob.

"Hindi pa po ba nakakarating dito si tito Patrick?"

"Ah…oo hindi pa. Ngayon pa lang."

Inilibot naman muna ni Kelly si Patrick sa bahay nila Jacob habang yung tatlong bata ay nakain ng mirienda nila sa baba.

"Ohh…maganda pala ang view dito sa likuran." Ang sabi ni Patrick at nasa balcony sila ni Kelly ng kwarto ni Jacob.

"Oo maganda talaga dito kaya ito ang napili ni ate Rica na maging kwarto ni Jacob pero hindi pa sya dito natutulog."

"Ahhh…oo nga pala ang kwarto nya ngayon eh yung sa underground nyo. Bakit nga pala hindi sila dito manirahan nila kuya Kian?"

"Hindi ba nasabi ko na sayo ang about dun?"

"Hindi pa ata honey…"

"Hindi pa ba? Ganito kasi yun kami kasing mag kakapatid nila kuya na ngako kami na hindi namin iiwan si Mama na mag isa sa bahay."

"Ohhh…parang nabanggit pala sakin yan ni kuya Kevin na kahit magkaroon kayo ng pamilya lahat doon pa rin kayo titira sa bahay nyo kasi yun din ang gusto ng daddy nyo. Tama ba?"

"Oo ganun na nga pero syempre lumalaki ang pamilya namin ang mga anak ni kuya Keith nag lalakihan na tapos dalawang lalaki pa alangan naman dun parin sila sa tabi nila kuya di naman pwede yun di ba? Tapos si ako eto tayo magkakaroon na rin tayo ng anak di naman pwede na parati tayo sa bahay namin kasi syenmpre kailangan mo ring umuwi sa inyo kaya nga gumawa tayo ng schedule kung kailan tayo uuwi samin at kung kailan tayo sa bahay nyo."

"Pero honey, pwede natin pa renovate ang bahay nyo para sama-sama tayo sa iisang bahay."

"Oo may plano naman na talaga yon at may nakalaang pera na para don pero syempre hindi naman sa lahat ng oras kailangan naming magkakasama nila kuya hindi naman na kami bata lalo na ko."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang sakin lang eh hindi na kailangan nila kuya na maging maalaga sakin matanda na ko at may pamilya na kaya lang naman gusto nila kuya na mag sama-sama kami sa iisang bahay gawa ko at ni Mama. Kahit alam naman naming lahat na ang bahay na yon ay nakalaan na para sakin."

"Ohhh…sayo pala na yon?"

"Um. Pero hindi naman kailangan na sakin lang ang bahay ang importante may mag aalaga kay Mama."

"Yah…"

"Ang sakin lang kung dumating ang araw na makaisip sila kuya Kian na bumukod at manirahan dito hindi ako magagalit ang mahalaga dadalaw sila kay Mama. Yun kasi ang ipinangako nila kuya kay daddy syempre bata pa ako nung nawala si daddy kaya wala akong alam sa ganun pero syempre ngayong nasa tamang edad na ko ayoko rin namang iwang nag iisa si Mama."

"Oo naman hindi natin iiwan si Mama."

"Anyways, balita ko ayos na ang divorce papers nila ate May at nung dati nyang asawa."

"Ahhh…oo na ayos na kaya pwede na uli mag pa kasal si ate May."

"Kaso parang hindi pa handa si kuya Kevin."

"Ah…sabi nga ni ate na banggit nya na parang ayaw pa mag asawa ni kuya."

"Oh? Paano naman nya nasabi?"

"Napansin nya lang sobrang dedicated daw kasi nito sa trabaho at sa pamilya nyo."

"Ah…bata pa lang kasi ako sya na ang parang tumayong nanay para sakin bilang nasa ibang bansa si Mama ng lumalaki ako. Kaya siguro sobrang hardworking si kuya Kevin pero wag kang mag alala nasa isip na rin nun ang pag papakasal. Siguro gusto nya lang na mauna sa kaniya eh si kuya Kim."

"Hmm? Bakit naman?"

"Wala lang naisip ko lang ganun kasi kuya Kevin masyadong mapag bigay kahit na sakaniya eh wala na. Matanong nga kita gusto mo ba si kuya Kevin para kay ate May?"

"Ha? A…Ano…"

"Wag kang mag alala hindi ako magagalit kung ayaw mo kay kuya. Dahil sa totoo lang hindi ko rin talaga alam kung si ate May na ba ang gusto nyang makasama habang buhay."

"Actually, ganoon rin ako eh sa tingin ko kasi hindi deserve ni kuya Kevin si ate."

Binatukan naman sya ni Kelly "sira! bakit mo naman na sabi ang ganoong bagay? Para sakin nga hindi deserve ni kuya Kevin si ate May kasi sobrang perfect ni ate May para kay kuya."

"Kung yun ang sa palagay mo pero kasi sakin hindi pa ready ulit si ate na mag settle akala nya lang ang dami nya kasing gustong gawin sa buhay nya kaya baka hindi sya matagalan ni kuya Kevin."

"Nag salita ang magaling. Bakit tayo? Nung una hindi rin naman natin gusto ang isa't isa at marami tayong gustong gawin sa buhay pero ano tayo ngayon? Ilang taon na rin tayong kasal at patuloy nating sinusuportahan ang isa't isa kaya sa tingin ko mas makulit naman ako kay ate May at kaya kung ako nga kaya i-handle ni kuya Kevin sya pa kaya?" Pinisil naman nya ang pisnge ni Patrick "kaya ikaw wag kang nega diyan. Nag mamahalan sila kaya tignan nalang natin kung aabot ba sila hanggang sa huli.

"Um. Mukhang napahaba na ang kwentuhan natin dito baka hinahanap na tayo ng mga bata."

"Yah…buhatin mo ko."

"Ha?"

"Buhatin mo ko…ito naman nag lalambing na ayaw pa."

"O—Okay pero kasi honey."

"Ano? Ayaw mo kong buhatiun kasi mataba na ko?"

"Hindi naman honey."

"Humph! Wag na! Bahala kja diyan." The she walked out.

"Honey!!! Ang akin lang kasi baka…"

"HEH!"

KelRick for the WIN! ♡(っ^▿^) ♡

lyniarcreators' thoughts