webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 331

Kabababa lang ni Julio sa sasakyan kung saan si Mr. Sensen ang nag mamaneho kasunod rin naman noon ang pag dating nila Kelly.

"Wow... mga artista ba sila?" Ang sabi nung isang babae na isa sa mga nanay ng mga estudyante at pinag titinginan nga ang mga Dela Cruz.

"Haysss... sabi ko naman kasi tita eh wag na kayo bumaba ni tito Patrick tignan n'yo para na tayong mga isda sa palengke." Ang naiinis na sambit ni Jacob nung pag kababa nya ng kotse.

"Isda?"Ang tugon naman nila Kelly at Patrick.

"Opo tignan n'yo sila parang gusto nila kayong kuyugin dahil bagsak presyo haysss sige na nga po mauuna na ko."

"Sandali lang antayin na natin ang Tito Julio mo."

"Honey, I think dumating na sila." Ang sambit naman ni Patrick at napatingin sila Kelly at Jacob sa tinitignan nito na si Julio na papalapit sa kanila.

"Eh, formal wear? Ano sya tatakbong mayor ng bayan?!" Ang sa isip-isip ni Jacob.

"Foundation day ba ang sinabi mo sa kuya mo?" Ang pa bulong na sambit ni Patrick kay Kelly.

"O— Oo..."

"Eh ano yan? Parang may business deal sya na dapat i-close sa suot nya."

"Oo nga eh hayaan mo na lam mo na model."

Na una namang bumati si Sensen kila Kelly "good morning Chairman, Madam at sayo din baby boy ready ka na ba?"

Jacob sighed at wala na syang naging kibo "so, he is my nephew?" Ang sambit naman ni Julio na wala na rin sa mood.

"Oo kuya anak sya ni kuya Kian. Ahm... pwede ba kitang makausap." Ang sambit ni Kelly na biglang naging seryoso at nag tungo sila sa likuran ng kotse ni Patrick para makapag usap ng sarilinan.

"Mr. Sensen, natawagan mo na ba sila ate May?"

"Yes, Chairman on the way na daw po siya kasama si Ma'am Wendy."

"Okay... Siopao, pag pasensyahan mo na ang Tito Julio mo ha?"

"Hmm? Bakit po kayo ang nahingi ng sorry?"

"Ah... Eh... kasi hindi ka nya binati ng ayos."

"Ayos lang po kayo rin naman."

Sa isip-isip ni Patrick "nga naman si Kelly lang naman ang pinansin nya."

"Gaya po ng pinagusapan di ko po sasabihin kay Daddy na si Tito Julio ang sumama sakin dito sa Foundation day ng school namin pero..." napatingin sya sa tita Kelly nya roon sa likod ng kotse habang kausap si Julio "paki bantayan po si tita Kelly para sakin."

Napatingin naman si Patrick sa seryosong mga mata ni Jacob "sye— syempre naman asawa ko at mahal ko ang tita Kelly mo."

"Mabuti na pong maliwanag dahil wala po akong tiwala sa isang yon."

Patuloy namang pinagmasdan ni Jacob si Julio ng kaniyang seryosong mga tingin "kakaiba talaga ang batang ito." Ang pabulong na sambit ni Patrick.

"Ahem... Anong ginagawa nyong mag tito?" Ang bungad naman ni May pag dating nila ni Wendy.

"Tita May!" Ang masayang sambit naman ni Jacob.

"Hi baby boy."

Nag mano si Jacob kay May at pinisil naman nito ang pisnge nya "what a cute boy." Ang sabi naman ni Wendy na naka white shirt and black na palda na para bang aattend naman ng tennis tournament.

Sa isip-isip ni Jacob "Eh? Yung isa formal ere naman ready sa sport fest? Ano sya muse? Ano ba naman itong mga pinag kukuha nila tita Kelly para maging guardian ko ngayong araw? Haysss.... panigurado di maganda ang magiging araw ko."

"Ah... Eh... sabi ko kasi di naman nya kailangang maging elegante pero alam mo na si Wendy yan." Ang pabulong namang sambit ni May kay Patrick.

"Bagay nga talaga sila ng kuya ni Kelly."

"Oh, asan nga pala si Kelly? At..." nag linga-linga naman si May at napatingin kila Kelly at Julio na papalapit sa kanila "Ke— Kevin?"

Siniko naman ni Patrick ang Ate May nya "chill sis, chill hindi yan si kuya Kevin si kuya Julio yan ang matagal ng nawalay kila Kelly. But... I...."

"Oh my! Did I see my future husband?" Ang pag singit na sambit ni Wendy.

"Eh?" Ang reaction naman nila Patrick.

Paglapit naman nila Kelly ipinakilala nya si Julio kila May at Wendy "oh, hi are you from heaven? Cause I think you're my angel." Ang cheesy na sambit naman ni Wendy kay Julio at napa "What?" nalang ang mga ito sa kaniya.

Nag pumiglas naman si Julio sa pag kakahawak ni Wendy sa kaniya habang nakatulala lang si May habang naka tingin kay Julio "sorry but I'm not angel I'm Jules."

Bigla namang nag bago ang mood ni Wendy "aha... ha... ha.... ye— yes Julio to Jules not angel ate Wendy. Ha... ha... ha... palabiro kasi talaga itong si kuya eh. Ha... ha... ha..." Ang awkward na sambit ni Kelly at sumenyas pa sya kay Patrick na para bang sinasabi nitong tulungan syang mag pa lusot.

"Ha... Ha... Ha... I think kailangan ng pumasok ni Jacob kasi 8am na baka malate kayo. Di— Diba baby boy?"

"Hmmm? Hindi pa..."

Tinakluban naman agad ni Patrick ang bibig ng pamangkin at ganun din itong si Kelly "Ha... Ha.... ang ibig sabihin nya hindi pa naman late pero need na nya mag attendance. Ha... Ha... Di ba baby boy?" At sumenyas si Kelly sa pamangkin nya habang takip-takip nila ni Patrick ang bibig nito.

"Mmm... Mmm...." Ang pag sangayon na reaksyon ni Jacob.

"."

Tanghali na at malapit na ring mag lunch sila Jacob at ang team lang nila ang walang nakukuhang award dahil parating talo ang mga ito o minsan ayaw sumali ni Jules or ni Wendy kahit si Jacob rin ay tinamad ng sumali.

"Ano ba yan, tanging red team nalang ang walang award." Ang sambit nung isang lalaking tatay ng isa sa mga estudyante from yellow team.

"Mahirap talaga kapag mayayaman di marunong makihalubilo nakaka awa naman ang teamates nila na nag papakahirap." Sambit naman nung isang nanay na galing sa pink team at sumangayon naman ang nakararami sa kaniya.

Narinig naman yon ni Jacob habang busy naman sa kanilang cellphone sila Jules at Wendy na walang pakialam sa paligid nila.

Sa isip-isip naman ni Jacob "haysss... Kainis kaya ayaw kong umattend eh."

Lumapit naman sa kaniya si Naslie na from team blue "hi."

"He— Hello."

Napansin naman ni Jules na lumapit kay Jacob si Naslie pero dedma lang ito at bumalik sa ginagawa nya ang pag lalaro sa cellphone nya "sila ba ang parents mo?" Ang sabi naman ni Naslie kay Jacob na napatingin dun sa dalawa.

"Ah... hindi busy kasi ang parents ko eh kaya ang auntie at ang uncle ko ang sumama sakin."

"Ohhh... kaya pala hindi mo sila kamukha."

"Yeah..."

"Nga pala may sack relay mamaya sasali ba kayo?"

Napatingin naman si Jacob sa teammates nyang mga pagod na "ah... eh..."

"Kapag nanalo ang team nyo dun mahahabol nyo ang score ng yellow team."

Tumingin naman si Jacob sa score board at ang nangunguna ay blue sa score na 95 sumunod naman ay ang pink team sa score na 85 at pangatlo ay ang yellow team sa score na 70 at nangungulelat sa score na 60 ang red team kung saan sila kabilang.

"Kapag nanalo kayo kahit third runner up may chance na mag tie kayo sa yellow team."

Sa isip-isip ni Jacob "bakit ba kasi kailangan may ganito pang event kung hindi naman kasama ang mga parents na busy? Ano ba ang purpose ng ganito?"

"Alam mo ba pinilit ko talagang sumama sila mommy at daddy dito kasi eto na yung pinaka bonding namin parati kasi silang nasa work at hindi ko na sila nakikita."

"Hmm? What do you mean?"

"Yung parents ko kasi parating naalis ng maaga tapos uuwi sila gabi na parati nalang akong tulog kapag umaalis at umuwi sila samin. Kaya thankful ako na may ganitong event kasi nakakasama ko sila."

Masayang masaya naman si Naslie ng sinabi nya yon kaya natahimik at nakinig lang si Jacob sa kwento nito "buti pa sya..." ang pabulong na sambit ni Jacob.

Ang hindi alam ni Jacob naririnig pala sila ni Jules "mukhang kahit buo rin pala ang pamilya nya hindi rin sya masaya." Ang pabulong bulong na sambit nito habang nakatingin kay Jacob nagulat nalang syang lumapit bigla sa kaniya si Wendy.

"I know the feeling, my parents are always busy at work rin when I was a kid like Jacob and until now the I'm adult they always busy dealing to anything that they can earn money. I think money matters the most."

Umusod naman si Jules ng bahagya from Wendy na dikit na dikit sa kaniya "money is powerful but true happiness is the most meaningful."

Napatingin at natulala naman si Wendy sa sinabing iyon sa kaniya ni Jules "minsan akala ng nakararami kapag may pera na sila masaya na sila pero nabibili ba nito ang pagmamahal ng taong gusto mong ni minsan hindi ka binigyan ng atensyon."

"Are you okay? Why you like that? You seem something is bothering you or should I say someone is...."

Hindi naman na natapos ni Wendy ang sinasabi nya dahil hinila na sya ni Jules "wa—wait where are we going ba?"

"Sasali tayo sa games!"

"Wha— What?"

Lumapit naman sila Jules habang hila si Wendy kay Jacob na kinakausap ng team leader nila "ah... eh.. hindi po kasi kami makaka..."

"We're here to join." Ang sabi ni Jules at nagulat naman si Jacob sa sinabing iyon ng tito nya.

Jules pat Jacob's head "don't worry we will win this time."

"Po?"

Wendy smile and Jules winked at Jacob at the same time "we got your back baby boy." ang sabi naman ni Wendy.

"Ah... Ahm... Tha— Thankyou po."

Samantala sa magkaparehong oras rin kausap naman ni Kelly sa office sa SM Corp. si Patrick...

"Mabuti kung ganon mabilis nating maibabalik ang perang nawala sa kumpanya." Ang sambit ni Kelly habang nakaupo sa sofa at may hawak na libro na kaniyang binabasa.

"Oo four more days babalik na ang nawalang pera dahil sa mga bagong investors at sa mga promo nating inilagay sa mall." Sagot naman ni Patrick at napatingin sa librone hawak ng asawa niya kaya lumapit ito kay Kelly. "how to become genius in business?"

"Ahhh... nakita ko lang ang libro ng ito sa shelves mo kaya binasa ko na rin curious ako sa nga nilalaman eh."

"Can I see?"

"Um."

Iniabot naman ni Kelly ang libro kay Patrick "is there something wrong?"

"Ah... no nothing, naalala ko lang kasi ang librong ito kay daddy kasi ito eh."

"Ohh... ganun ba sorry di ko alam. Sige ibabalik ko na."

"Hindi na, I think kailangan ko na ring basahin ito."

"Hmm?"

"Mula pa kasi ito sa lolo ng lolo ko tapos ipinasa kay daddy naalala ko bata palang ako gusto na itong ipabasa sakin ni daddy kasi sabi nya ako raw ang susunod na mag mamana nito."

Bigla namang nalungkot si Patrick at naalala nya ang mga times na kasama nya ang daddy nila "here..."

Iniabot ni Kelly ang shoulders nya "ha?"

"Sige na, gamitin mo,!iiyak mo lang yan alam ko namimiss mo na si daddy."

Instead of crying he hugged Kelly from the back "thankyou."

"Para san?"

"Salamat kasi parati kang nandito sa tabi ko hindi mo ko sinukuan."

"Alam mo I'm thinking din talaga eh."

"Honey naman..."

"Hahaha... char lang! Sira ulo ka ba?" Bineltukan nya si Patrick "ngayon pa ba ko susuko eh magiging isang pamilya na tayo."

Hinawakan naman ni Kelly ang tyan at ganoon rin naman itong si Patrick "magiging responsable tayong magulang para sa kaniya at mamahalin natin sya ng higit pa sa buhay natin."

"Um. Pangako. At pangako ko rin na mag susumikap pa ako para mabigyan ko kayo ng masagana at masayang buhay ng magiging anak natin."

"Basta sama-sama tayo sapat na yon sakin."

Hinalikan naman ni Patrick si Kelly sa noo "hindi tayo maghihiwalay kahit anong mangyari. Mahal na mahal ko kayo ng anak natin."

"Mahal na mahal ka rin namin ng anak mo."

Mag lalapat na sana ang kanilang mga labi ng biglang pumasok si May kaya dali-dali namang nag layo yung dalawa na itulak pa nga no Kelly si Patrick kaya nahulog ito sa sofa "so—sorry..." Ang pabulong namang sambit ni Kelly.

"Ayieee... sorry na istorbo ko ba ang "we time" nyo?" Ang sambit ni May na para bang nambubuyo pa.

Ang sama naman ng tingin ni Patrick sa ate nya " ano bang kailangan mo ate?!"

"Wala naman."

"ANO?!" Ang pagalit na sambit ni Patrick at tumawa naman ng tumawa itong si May.

"Hahaha... sorry na nga I just want to say na may nalaman ako kay Julio... ay Jules pala."

"Hmmm? Kay kuya Jules?" Ang pagulat na sambit ni Kelly dahil hindi nga inaasahan na pinamamanmanan pala ni May ang kuya Jules nya.

Thanks for reading geysh. Godbless. ♡(˃͈ દ ˂͈ ༶ )

lyniarcreators' thoughts