webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 160

Habang nasa kotse,

Ang tahimik lang ng mga ito at nakatingin naman sa malayo si Kelly "Baby, tanungin mo si tita Kelly kung ayos lang sya." Ang pabulong na sabi ni Faith.

"Pero tita nahihiya po ako."

"Ha? Ayos lang yan baby ka naman eh."

"Pero...hayaan nalang po muna natin siya."

"Well...you have a point naman sige na nga mamaya nalang siguro no? Pag uwi natin sa bahay."

"Opo."

"Kelly, saan mo gustong kumain?" Ang tanong ni Kian.

"Kahit saan kuya basta may icecream at eggpie."

Nagkatinginan naman sila Kian at Keith "Si---sige babysis."

Kinagabihan,

"Andito na po ako." Ang sabi ni Patrick na animo'y tamad na tamad habang umaakyat ng hagdan kumakain naman sa baba ang kaniyang mga magulang at ang kaniyang ate at kuya.

"Kumain ka na muna." Ang sabi ni Mrs. Santos.

"Wala po akong gana mom gusto ko na pong matulog goodnight."

"Anong nangyayare dun?"

"Hayaan niyo na baka may pinagdadaanan na naman ang luko." Ang sabi ni May.

"Nga pala nabalitaan ko yung kababata nila Patrick at Dave na si Gio umuwi na daw ng Pinas?"

"Oo kuya at hindi na siya si Gio siya na si Gia."

"Gia?" Ang pagulat nilang sabi.

"Oo dahil isa na pala siyang transwoman."

"ANO?"

"Yeah...ang ganda niya mas maganda pa nga ata sakin nakita ko siya sa IG eh."

"Oh? Patingin nga." Ang sabi ni Richmond.

"Mamaya na yan nasa hapagkainan kayo!"

"Sorry dad."

"Anyways, honey yung bagong bukas sa mall na isang restaurant kila Mr. Cao yun hindi ba?"

"Oo bakit mo na itanong?"

"Wait, mommy Cao? Yun yung pinakamalaking space ang kinuha sa mall natin di ba? Para sa kanilang resto at shareholder na rin sila satin right kuya?"

"Yes Boss."

"Bakit may problema May?"

"Wala naman po daddy naalala ko lang hindi ba sila yung may-ari ng sikat na bakeshop sa Pinas yung Jellie's Bakeshop."

"Oo sila nga."

"Pagkakaalala ko hindi ba may kaibigan noon si Patrick na ganon ang surname? Yung si..."Ang tugon naman ni Richmond.

"Ryan!!" Ang sabay nilang sambit.

Sa magkaparehong oras,

Wala parin sa mood si Kelly na animo'y tamad na tamad rin gaya ni Patrick "Mga kuy's akyat na po ako sa kwarto ko."

"Ah? O—oo sige."

"Goodnight...baby dun ka ba tutulog sa kwarto ko ngayon?"

Sinenyasan ni Kian ang anak na "oo" pero taliwas ang sabi ni Jacob "Hindi po tita sa tabi po ako ni daddy ngayon."

"Ahhh...okay sige goodnight na."

"Sige po goodnight tita Kelly sleep well."

"Yeah..."

"Goodnight babysis." Ang sabi ng mga kuya niya at ni Faith.

At pagkataas ni Kelly "Baby naman hindi ba at gustong gusto mo na doon lagi natutulog sa tabi ng tita Kelly mo? Bakit ngayon nag bago na?"

"Oo nga Siopao."

"Daddy, mga tito's and tita Faith bata lang po ako at hindi love guru."

"Well..." Anila.

"Hayaan niyo muna po si tita Kelly mag isip tsaka hindi pa naman sila ni tito Patrick eh kaya bakit naman kayo mag aalala diyan?"

"Well..."

"Tsaka si tita Kelly pa ba? Kaya niya po yun kaya don't worry everything is under her control."

Sa isip isip ni Jacob "Kung alam niyo lang sure akong pa sigaw-sigaw na naman si tita Kelly sa kaniyang unan."

"May point naman si Siopao mga bro siguro kailangan niya lang din talaga mapag isa kahit akong babae baka hindi ko siya matulungan sa ganyan bwiset na Patrick yon boto pa naman ako sa kaniya para kay babysis."

"Babe! Anong boto hindi pwede!!! Ang bata pa ni Kelly mabuti na rin yang ganyan nalaman niya ka agad ng maaga para alam niyang sasaktan lang sya ng lintek na yun."

"Oo subukan niya lang na umakyat ulit ng ligaw kay Kelly ilalabas ko na talaga yung calibre 45 ni daddy." Ang sabi ni Kevin.

"Ungas! Wala na yon dito." Ang sabi ni Kian.

"Ha? Pero kala ko ba ikaw nagtago nun o si Mama?"

"Hindi ko alam kung saan nilagay ni Mama pero sure ako nasa kaha de yero niya yun o baka binigay na kay Lolo sa Batangas."

"Ohhh..."

"Pero lintek na Patrick yon kala ko sincere talaga sya kay Kelly natin yun pala kapag hindi tayo nakatingin may kinakalantari ng ibang babae."

"Pero infairness dun sa babae ang ganda." Ang sabi ni Keith kaya bineltukan siya ni Faith.

"Salamat Faith! Isa pa nga lakasan mo."

"Sige kuya Kian."

"Aray!!! Ang akin lang naman ang mga kabataan talaga ngayon masyadong tumitingin sa panlabas na anyo."

"Bakit maganda naman po si tita Kelly ah."

"Oo maganda syempre walang kapares ang ganda ng tita Kelly mo what I mean is akala ko iba yung lintek na Patrick na yon may pa sabi-sabi pa siyang mag iintay raw siya yun pala hindi maka-intay ang hinayupak."

"Pero naisip ko may something dun sa babae kanina." Ang sabi ni Kevin.

"Ano?" Anila.

"Ako rin po tito Kevin may napansin."

"Ikaw rin?" Anila.

"Opo."

"Ano?"

"Hindi po pantay yung kilay niya."

"Ano?" Ang pa dismaya nilang tugon.

"Baby naman kala ko naman kung ano na."

"Eh ano bang napansin mo Kevin?" Ang sabi ni Faith.

"Yung babae kasi kanina na kasama ni Patrick may adams apple."

"WHAT????" Ang pagulat na tugon nila Kian maliban kay Jacob na hindi alam kung ano yung adams apple.

"May apple po?"

"Haha...baby hindi literal na apple."

"Eh ano po?"

"Magkakaroon ka rin noon kapag nag binata ka na."

"Ohhh...wait, so pang lalaki po yung apple na yon?"

"Sigh...sabihin na nating ganoon na nga kuya napakatalino talaga ng anak mo sa sobrang talino para na talaga siyang si Kelly. Haysss...."

"Hayaan mo na at least hindi mana sa isa diyan." Ang sabi ni Kain at patingin tingin kay Keith.

"Hoy!!!"

"Oh...maka react ka naman."

"Pero kung may adams apple yon edi..."

"BAKLA YON?" Ang sabay-sabay nilang sambit maliban kay Jacob na hindi na naman naiintindihan ang pinag uusapan.

"Wait, alam ko maaari ring magkaroon ng adams apple ang mga babae right Kevin?"

"Oo ate pero sobrang rare nun pero iba talaga ang kutob ko sa isang yun eh... May something na malansa."

"Well...nurse ka at alam mo ang mga ganyang parts."

"Hmmmm...let's call Ethan." Ang sabi ni Kim.

"Bakit?"Anila.

"Let's investigate."

"Yeah..." Ang pasang-ayon na tugon ng lahat maliban kay Jacob na wala na namang naiintindihan.

Sa isip-isip nya "Sigh...minsan talaga gusto ko na ring tumanda feeling ko naiiwanan na ko sa bahay na ito. Sana lumabas na ang anak nila tita Faith at tito Keith para naman hindi ako O.P. kakahiya naman sa mga tanders na ito." And he smirked.

Samantala sa kwarto ni Kelly,

Kausap ni Kelly si Mimay sa video call "Oo makapulupot yung babae kay Patrick wagas."

"Oh tapos? Anong ginawa mo?"

"Wala tinaasan ko lang ng kilay ang buset na Patrick na yon!"

"Anong itsura pala nung gurl para masabunutan pag nakita ko."

"Ahahaha...luka! maganda sya pero parang anlasa."

"Ha? What do you mean na malansa? Inamoy mo?"

"Sira! I mean parang hindi siya babae."

"Oh? Paano mo naman na sabi?"

"Napansin ko kasi yung adams apple nya tapos yung kamay parang hindi pang babae tapos parang retokada ang buong pagkatao niya."

"Oh? Grabe ka sa pag judge baby girl."

"Nako, Mims kung makikita mo lang talaga baka ganun ka rin humusga."

"Pero nga pala kala ko ba wala kang gadgets ngayon bakit may cp ka? Ay cp ba gamit mo o laptop?"

"Pc gamit ko hindi naman ako babawalan nila kuya ngayon kasi kala nila badtrip ako sa nangyare kaya okay lang."

"Well, nakakatakot ka naman kasi kung magalit ghorl."

"Pero back to the topic may kilala ka bang Gia na friend nila Patrick? Wala bang nababanggit sayo si Dave?"

"Ahmmm...parang wala naman."

"Hmmm...sino nga kaya yung Gia na yon curious aku'y."

"Eh kamusta ka?"

"Ako? Ayos lang bakit?"

"Hindi ba masakit?"

"Ang alin?"

"Sighh....kakaiba ka talaga ang manhid mo ghorl!!!"

"Bakit naman? Ayoko lang na mag assume hindi naman kami kaya wala akong karapatang mag selos o mag tampo sa kaniya bahala sya!!!"

"Hindi daw nag seselos pero ang diin nung pagkakasabing "bahala siya!!!" may pa rolled eyes pa. Ahahaha..."

"Eh kasi nga kausap ko lang sya kagabi tapos may ganun na akong makikita? Buset sya!!!"

"Ahahahaha....ghorl! nagseselos ka aminin mo na."

"Tssk...hinde!"

"Bahala ka baka di ka makatulog nyan."

"Okay lang wala namang klase bukas wala tayong pasok. Bleeehhh..."

"Ahahaha...ang hirap talagang manalo sayo pero kung gusto mo tatawagan ko si Dave kahit na uma ako dun tatanungin ko kung sino yung Gia na yon."

"Luh! Wag ahh....baka sabihin naman nag sumbong ako sayo tsaka magka galit kayo kamo eh."

"Ayos lang curious na rin ako eh."

"Ikaw bahala pero wag mong sasabihin na ako may sabi ah."

"Ahahaha...luka toh! eh sino pa sa tingin mo ang mag sasabi sakin? Eh hindi mo naman ako kasama kanina syempre mag tataka yun."

"Ay...oo nga pala loading ako dun ah kasalanan ito nung dalawang buset na yun eh wag mo na ngang itanong bahala na ayoko na kay Patrick!!!"

"Hala sya!!!"

"Joke lang..."

"Ahahaha...ghorl Ms. Pokmaru ka?"

"Noway highway!!!"

"Sus..."

"Di nga di ako Pokmaru!!! Pag nag sorry sya at nag explain hindi ko sya kakausapin pero kung may sense naman baka..."

"Aysos...hindi pala pokmaru..."

"Hindi nga!!!"

"Paano kung yung Gia yung magkipag usap sayo at sabihing wala naman silang something ni Patrick anong gagawin mo?"

"Ahm...edi wow."

"Baliw ka!!! Ahahaha..."