webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 10

Sa Classroom,

Kelly: Bakit wala pa si Vince?

Mimay: Kasama niya si Patrick eh.

Kelly: Sabi mo kanina pa eh katagal naman.

Mimay: Di ko rin alam pero sa tingin ko confidential pinaguusap nila.

Kelly: Hmmm...bakit naman kaya?

At dumating na nga yung dalawa "Oh, ayan na sila."Ang sabi ni Mimay.

Lumapit si Kelly kay Vince "Tol, san kayo galing?"Aniya.

Nagkatinginan sila Vince at Patrick "Ha? Halika muna sandali."

Kelly: San?

Hinila na ni Vince si Kelly papalabas "Saan ba tayo pupunta?"

Vince: Sa canteen libre mo ko eggpie.

Kelly: Ano? May klase pa tayo.

Vince: Halika na bilis.

Samantala,

Nakaupo sa gilid sila Dave at Patrick sa kanilang silid aralan "Dude, anong sabi?"

Patrick: Di ko alam.

Dave: Ha? Paanong di mo alam? Eh di ba kinausap mo si Vince?

Patrick: Oo pero parang ayaw rin ni Vince.

Dave: Eh paano yan anong gagawin mo kung pagkalat nila na anak ka ng mayari ng SM?

Patrick: Di naman sila ganun kaya sa tingin ko safe parin ang identity ko.

Dave: Pero dude, bakit ba ayaw mo samantalang may karapatan ka naman tapos hindi ka pa nauwi sa inyo ilang taon na..

Patrick: Ayoko lang na sumama ang loob sakin nila mommy.

Dave: Di mo parin ba napapatawad ang sarili mo sa pagkawala ni Paula?

Patrick: Ayoko munang pagusapan bro.

Sa Canteen,

Kelly: Bayan, wala naman silang eggpie eh pinatakam mo lang ako asar.

Naupo sila sa isang bakanteng table and chairs "Hayaan mo na nga ere na nga oh paborito mo rin naman ang buko pie di ba?" Sabi ni Vince.

Kelly: Tsss...pero mas fav.ko ang eggpie.

Vince: Oh? Eh ayaw mo? Kakain kong lahat yan.

Kinuha naman ka agad ni Kelly yung slice niya ng buko pie "Tsss...syempre kakainin ko minsan ka lang manlibre eh."

Vince: Kow! Basta talaga pagkain ang bilis mo.

Habang nakain "Spill the beans Bro." Sabi ni Kelly.

Vince: Tsismosa ka eh noh?

Kelly: Bakit nga? Bakit ka kinausap ni Patrick?

Vince: Alam mo naman eh bakit tatanung mo pa?

Kelly: Bakit? Sinabi niya rin sayo na iha-hire ka nila pagka graduate natin?

Vince: See, I knew it at wala kang balak sabihin sakin?

Kelly: Di naman sa ganun tinanggihan ko na nga eh kasi kala ko di ka kasama.

Vince: Jusmiyo ka! Trabaho na yung lumalapit luka ka ba?

Kelly: Ehhh..kasi nga kala ko ako lang ang ininvite niya ng work malay ko bang ikaw rin pala.

Vince: Paano kung di nga ako ininvite ni Patrick? Edi sasayangin mo yung opportunity mo? Bungol ka talaga!

Kelly: Ehhh...alam mo namang ayoko walang kasama eh.

Bineltukan siya ni Vince "Bungol! Secretary? Gusto mo may kasama? "

Kelly: Ehhh...di naman sa ayaw ko kung si Patrick lang ang magiging boss ko di nalang uy...

Vince: Ayaw mo ba sa kaniya?

Kelly: Ha? Bakit mo naman na tanong?

Vince: Paano kung may kamukha ka palang isang mayaman ano ang gagawin mo?

Kelly: Wala.

Vince: Bakit naman?

Kelly: Ano namang gusto mong gawin ko? Maglupasay? O ipagdiwang? Ikaw areng bungol diyan eh.

Sa isip-isip ni Vince "Sigh...poor Kelly wala talaga siyang kaalam alam sa buhay."

Kelly: Ano ba yang mga pinagtatanong mo? Tsaka sino naman ang kamukha ko?

Vince: Ha? Wa---wala...

Kanina sa may Hardin,

Vince: Ano?! Kamukha si Kelly ng kapatid mong bunsong babae?

Patrick: Oo nito ko lang napagtanto nung nakasama ko kayo ng ilang araw sa office.

Vince: Kaya gusto mong i-hire si Kelly?

Patrick: Oo gusto ko siyang maging secretary then pag okay na kami gusto kong mag panggap sya as my sister.

Vince: Huh! Are you kidding me? Iha-hire mo si Kelly as your long lost sister? Dude, are you in drugs?

Patrick: Di ako addict okay? Gusto ko lang mapasaya ang mga magulang ko.

Vince: No way! Mapasaya? Kung gusto mo silang mapasaya mag hire ka ng clown.

Patrick: Look Vince, pag pumayag si Kelly di lang mga magulang ko ang magiging masaya ikaw rin kayo ni Kelly dahil magkakaroon na kayo ng permanenteng trabaho sa SM bibigyan ko pa kayo ng mataas na posisyon.

Lumapit si Vince kay Patrick at sasapakin niya sana ito pero tinulak nalang niya ito "Bakit mo ginawa yon? Baliw ka ba?"

Vince: Baliw? Ikaw ang baliw hindi kami mukhang pera ni Kelly na kayang kaya mong bilihin at hindi isang laruan si Kelly para paglaruan.

At iniwan niya si Patrick "Sandali lang!"

Huminto si Vince at sinabing "Simple lang ang pamilya namin at may dignidad kaya kung ako sayo iba nalang ang lokohin mo."

Patrick: Alam ko pero desperado na ako dahil miss na miss ko na ang pamilya ko.

Huminto at lumingon muli si Vince "Dahil simula nung nawala si Paula hindi na ako nakauwi samin."

Vince: Anong ibig mong sabihin?

Patrick: Isang taon lang ang agwat ng edad namin ni Paula at sampung taon na ang nakararaan nang nawala siya.

Vince: You mean kasing edad siya ni Kelly? 20years old na rin siya?

Sa isip-isip ni Vince "Di nga kaya ampon si Kelly? Pero bata palang kami magkasama na kami tsaka kamukhang kamukha siya ni tito kaya sigurado akong di siya ampon."

Patrick: Oo, pero isang buwan ang nakalipas noon nakita nalang namin siya na lumulutang sa isang ilog.

Vince: A---ano??? Ibigsabhin patay na yung kapatid mo?

Patrick: Oo at dahil sakin kaya siya namatay.

Vince: Sorry, pero pwede ko bang tanungin kung bakit siya nawala?

Sampung taon ang nakararaan,

Sa Sala "Kuya Patrick, gusto ko din ng cellphone yung mga kaklase ko meron na ako wala pa." Si Paula ang bunsong kapatid nila Patrick.

Patrick: Aba, wag ako ang tanungin mo diyan sila mommy at daddy.

Paula: Pero kuya ayaw nila na mag cellphone ako eh.

Patrick: Oh...yun naman pala eh ako nga nito lang nag ka cellphone eh.

Paula: Pero kuya...

Patrick: Paula, ako eh tantanan mo ha?! Lakad gawin mo na ang mga assignments mo.

Pabulong bulong si Paula "Humph...kill joy!"

Patrick: Ano kamo?

Paula: Wala.

At umalis "San ka na naman pupunta?"Sabi ni Patrick.

Paula: Sa kwarto di ba sabi mo gawin ko mga assignments ko?

Patrick: Tsss...gusto mo mag icecream?

Paula: Ayoko.

Patrick: Sa may park?

Pandalas naman si Paula ng lapit sa kuya niya "Anong oras kuya?"

Patrick: Sus...di ka pa nga nakakaligo diyan.

Paula: Okay liligo na ako.

Patrick: Tsss...siya lumakad ka na sasabihan ko sila manang na aalis tayo.

Paula: Ayos!!! Sige kuya maliligo na ako.

At kumaripas na nga ito ng alis "Silly! Ang bilis talaga pagdating sa galaan eh."Ang sabi ni Patrick.

Makalipas ang isang oras,

Habang nasa sasakyan "Paula, wag na wag kang hihiwalay samin ni manang Inday okay?"

Paula: Yes kuya.

Patrick: Manang, anong sabi po nila mommy at daddy?

"Mag-ingat raw kayo ni Paula at kailangan rin nating umuwi ka agad." Ang sabi ni Inday ang mayor doma ng mga Santos.

Paula: Opo wag kayong mag-alala masyado kayong takot kila daddy noh kuya?

Patrick: Di ba kuya ka diyan kailangan nating umuwi agad at may tutor ka pa mamayang 1pm.

Paula: Tsk...oo na.

Sa Parke,

At nakarating na nga sila pandalas naman ng baba si Paula "Paula, hintayin mo ko sandali lang...Manang, sumunod na lang po kayo ah?"Ang sabi ni Patrick.

Manang: Sige Sir.

At hinabol na nga ni Patrick si Paula "Kuya bilis mag bike tayo." Ang sabi ni Paula.

Patrick: Bike ka diyan di natin dala ang bike tsaka wag ka ngang basta tatakbo delikado.

Paula: Tsk...pano yan gusto ko mag bike kuya.

"Bike for rent...Bike for rent." Sigaw nung isang manong.

Paula: Yun kuya may bike for rent raw.

Patrick: Napaka ulinig mo rin eh noh? Pero pag may iuutos sayo nagiging binge ka.

Paula: Hehe...sige na kuya kuha tayo ng bike.

Dumating na rin si Manang Inday "Sir..."Aniya.

Patrick: Sakto Manang samahan mo po muna dine si Paula pupuntahan ko lang yung nag ba-bike for rent.

Paula: Sama ko kuya.

Patrick: Wag na, ako ng bahala pumirme ka dine.

Paula: Tsk...

Manang: Sige Sir, ako ng bahala kay Miss.

Patrick: Sige intayin niyo ko dine Paula pumirme ka okay?

Paula: Okay...humph...

At umalis na nga si Patrick "Kring...kring..."Tunog ng bell ng mag a-icecream

Paula: Icecream?

Busy si Inday mag-ayos ng bag kaya di niya alam na umalis na si Paula "Miss, gusto mo...Miss???" Luminga-linga siya.

Manang: Miss Paula? Nasan ka? Wag mo kong biruin ng ganito. Miss...

"Oh? Bakit? Nasan si Miss Paula?" Si Tikong ang driver nila Patrick at Paula.

Manang: Nawawala si Paula andito lang siya kanina eh inaayos ko lang yung bag tapos biglang wala na siya.

Tikong: Ano??? Nasan si Sir Patrick?

Dumating naman ka agad si Patrick "Paula, ready na yung...Nasan si Paula?

Manang: Na---nawawala po si Miss Paula sorry po Sir.

Patrick: ANO???

Kabado na si Inday at di mapakali "I---Inaayos ko lang po yung bag tapos..."

Patrick: Di pa yon nakakalayo Manang doon ka sa kaliwa kuya Tikong dun ka sa kanan ako na banda dine.

"Si---sige po Sir."Anila.

Patrick: Okay.

Lumipas ang isang oras pero hindi nila nahanap si Paula,

Patrick: PAULA!!!

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts