webnovel

Mr. President is in love with Miss Nobody ( Filipino )

Alam nyo ba yung salitang nobody. Yung tipong tamang dinadaan daanan ka lang at hindi binibigyang pansin. Yung tuwing nasa klase ay nasa isang sulok ka lang at tamang pakinig lang sa teacher na nagsasalita. Yung may pasalumbaba pa at walang nag-aabalang kumausap sayo. Tapos pag-absent ka parang wala lang. Alam nyo ba yon kasi ako yon akong ako Ako si Ella Riza Fuentes isang simpleng mag-aaral sa isang sikat na paaralan tama kayo ng nabasa nag-aaral ako sa isang sikat na school sa aming bayan. At hindi lang iyon ang kagulat gulat sa akin dahil ako lang naman ang sikretong girlfriend ng president ng school na to. Tama uli kayo ng nababasa at kung iisipin nyo na malayo ang agwat ng edad namin nagkakamali kayo. Sampong taon lang kaya ang agwat namin diba hindi naman masyadong malayo a basta I'm proud to say na Mr. President is in love with Miss. Nobody and that's nobody is me.

alleiram13 · Urbain
Pas assez d’évaluations
12 Chs

Chapter 6

Tinignan niya ang oras sa cellphone niya 4:00 na ng umaga.

" Xintia I need to go " paalam niya rito.

Tapos na rin naman ang trabaho nila kaya nagpaalam na rin siya.

Nakasilent rin ang phone niya para hindi gaanong makaabala.

Nakailang tawag na si Craze na kanya at sigurado siyang gising pa ang binata hanggang ngayon.

Babawi nalang siya pagkauwi niya tutal naman ay walang pasok ngayon.

" Gusto mo ipahatid na kita " alok nito sa kanya.

" Wag ka ng mag-abala kaya ko ng umuwi pasabi nalang sa mom mo thank you"

" Sigurado ka ba ?"

" Oo " tumayo na siya at kinuha ang gamit niya.

Lumabas siya ng silid at nagderetso palabas.

Nakasunod lang sa kanya si Xintia.

Ito pa ang nagbukas ng gate nila para makalabas siya.

" Siguradong ayos ka lang?"

" Oo sige na pumasok ka na sa loob" alangan man ay pumasok na ito sa loob ng bahay.

Akmang aalis na siya ng bumukas uli ang gate at niluwa si Xintia.

Nakangiting lumapit ito sa kanya.

Kinuha nito ang isang kamay niya at may inilagay doon.

" Ella mula ngayon ikaw na ang best friend ko " maluha luhang sambit nito.

" Xintia "

" Sige na Ella mag-iingat ka, papasok na ko " pumasok itong muli sa gate nila.

Habang siya ay naiwang nakatulala.

Nakatitig lang siya sa bracelet na binigay nito.

May kalahating pusong design ang bracelet kaya alam niyang may kapares pa ito.

Napangiti siya at umusal ng pasasalamat kay Xintia.

Ngayon lang siya nag-karoon ng isang matalik na kaybigan.

Kahit na hindi pa nila ganong kilala ang isa't isa ay pinagkatiwalaan siya nito ng buong buo.

Lumakad na siya papalayo.

Nang papunta sila rito ay may nakita siyang waiting shed di kalayuan sa bahay ni Xintia.

Duon nalang siya mag-aabang ng masasakyan.

Tahimig lang siyang naglalakad at nakalayo na ng konti sa bahay ng bagong kaybigan ng marinig niyang nagriring ang phone niya.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng bag niya " Craze " basa niya sa pangalan ng caller.

Kaagad niyang sinagot ang tawag.

" Where are you?" Seryosong bungad nito sa kanya.

" Pauwi na "

" Susunduin kita"

" Wag na Craze "

" I just realized one thing Riz "

" What?"

" About your new friend it's my younger sister Xintia "

" I know nakita ang picture nyo sa room niya "

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi na ito kumibo sa kabilang linya.

Nakarating naman siya sa waiting shed na hinahanap niya.

May mangilan ngilan ding nag-aabang. Ang iba ay nakapangopisina pa.

Umupo siya sa available na space sa waiting shed.

" Craze" tawag niya sa pangalan nito.

Nakatulog na ata ang kausap.

" I'm here "

" Anong ginagawa mo?"

" Hinihintay ka" mahinang sambit nito.

" Nag-aabang na ko, may jeep na pala baba ko na muna to tawag ka na lang ulit "

" Sige " pinatay na niya ang tawag at sumakay na sa jeep.

Nagbayad muna siya bago kinuha ulit ang phone at hinintay tumawag muli si Craze.

Pero nakarating na siya sa bahay nito ay wala pa ring siyang natanggap na tawag.

Nakatulog na siguro ang binata.

Pumasok na siya sa gate at sinara itong muli.

Pagdating sa pinto ay kinuha niya ang susing binigay nito.

Nang bumukas ang pinto at pumasok na siya sa loob at inilock itong muli. 

Katahimikan ang sumalubong sa kanya sa loob ng bahay.

Hinubad niya ang sapatos at itinabi sa isang shelf sa gilid. Bago siya dumeretso papasok.

" Craze " tawag niya sa pangalan ng nobyo.

Madilim ang buong kabahayan.

Binuksan niya ang ilaw sa sala at bumungad sa kanya ang natutulog na pigura ng nobyo.

Halatang nakatulog na ito sa sofa matapos niyang ibaba ang tawag kanina.

Nakalaglag pa ang cellphone nito sa sahig.

Lumapit siya rito at pinulot ang cellphone nito.

Inilagay niya iyon sa table pagkatapos ay binalingan naman niya ang nobyo.

" Craze" mahinang tawag niya rito.

" Hmm" tanging ungol lang ang sagot nito.

Mukhang pagod na pagod ito at nagawa pang hintayin siya.

" Craze sasakit lang ang likod mo diyan" tinapik niya uli ito sa pisngi.

Unti unti na nitong minulat ang mata.

" Riz "

" Tara na sa kwarto "

Humihikab pa itong bumangon at hinawakan ang kamay niya.

Sabay silang pumasok sa silid nito habang hindi pinapakawalan ang kamay niya.

" Magpapalit lang ako Craze "

" Don't need " mahinang tanggi nito.

Humiga ito sa kama at hinatak din siya pahiga.

Buti nalang naibaba na niya ang bag niya.

Kinulong siya nito sa mga bisig nito.

" Sleep Riz " napangiti nalang siya at gumanti ng yakap dito.

" I love you Craze "

" I also love you " mahinang bulong nito.

Siniksik niya lalo ang sarili sa nobyo at pinikit ang mga mata.

Ang sarap magpahinga sa bisig ng taong mahal mo.

Parang pakiramdam ko lagi akong ligtas sa kahit na anong bagay.