webnovel

Tuluyang Kalabanin Siya

Éditeur: LiberReverieGroup

Pero matapos na mawala ang Tong Family, wala na talagang matitira sa kanila. Gayunpaman, naiintindihan din ni Tong Yan na huli na para ayusin pa ang lahat ngayon. Hindi na siya ang mahalagang eredera ng Tong family. Mawawala na ang respetong ipinilit niyang ibigay sa kanya ng iba. Ang kinabukasan niya ay nasira na… mabuti na lamang at kalahati na ng hita ng kanyang ina ay nasa kabaong na, pero paano naman siya? 

22 pa lamang siya! Marami pang panahon at aasamin sa buhay ang nasa harap niya…

Takot at kawalan ng pag-asa ang bumangon sa puso ni Tong Yan; nakatayo siya doon na tila isang manekin na tila umalis na ang kaluluwa niya sa kanyang katawan. Nawala na ang naunang kayabangan nila ni Shen Ru. Ang kanilang pagpupunyagi at mga plano ay nasira ng nag-iisang DNA test report.

Kahit gaano pa nila igiit na sila ang may mataas na moralidad, ang basehan ng kanilang hinihingi ay walang saysay dahil si XInghe ang may karapatan na manatili sa Shen family at palayasin sila dahil, hindi tulad nila, ay kadugo niya ang Shen family.

Ang pangyayaring ito ay nabaliktad ang lahat. Ngayon ay tila si Xinghe ang nasa tama at nabunyag na sila ang wala sa katwiran.

Hindi talaga inaasahan ni Shen Ru na si Xinghe ay parte ng Shen family, pero bakit ang isang nakakasuklam na pagkakataon ay nangyari sa kanya pero hindi sa kanila? Mas nararapat ito sa kanila kaysa sa kanya…

Habang lalo itong iniisip ni Shen Ru, mas lalo siyang nahihirapan na tanggapin ito. Hindi nagtagal, nagsimula na itong tumawa na parang nababaliw na babae na.

"Nawala na siya sa katinuan, ang lahat ay lumayo!" Naaalarman hiyaw ni Ali. Agad na lumayo ang mga tao sa pares ng mag-ina. Ang biglaang paglayo sa kanila ay lalong nagtulak sa kawalan ng pag-asa kina Shen Ru at Tong Yan. Kahit si Chui Ying, ay nilayuan na din kasama nila, ay hindi na din maganda ang nararamdaman.

Hindi niya inaasahan na ang plano na may siyamnapung porsiyentong tiwala siya ay papalpak ng ganoon na lamang. Napakahusay naman, ngayon ay parte na ako ng katatawanan.

Gayunpaman, nagkamali siyang malaman na ang pinakamalaki niyang pagkakamali ay ang kalabanin ang Shen family…

Salamat na lamang at nandoon si Xinghe para paalalahanan siya nito. Dahil ang puntirya ni Xinghe ay hindi si Tong Yan at Shen Ru kundi si Chui Ying. Tinitigan niya si Chui Ying at malamig na nagtanong, "Miss Chui, ngayon gusto mo pa din bang tuparin ng Shen family ang pangako sa iyo maraming taon na ang nakakaraan?"

Nahulog ang mukha ni Chui Ying. Paano niya sasagutin ito? Si Xinghe ay may ugnayan sa Shen family sa pamamamagitan ng dugo, isa itong kaugnayan na hindi niya basta-basta maiaalis.

Gayunpaman, mabilis siyang kumalma at gumanti, "Sino ang makakapagsabi kung talagang may kaugnayan ka sa pamilya o wala? Kahit na mayroon ka ngang kaugnayan, sinadya mong itago ito bilang sikreto para gamitin ito sa pamamahiya kina Auntie Ru at Little Yan sa piging na ito, tama? Xia Xinghe, isa ka talagang kasuklam-suklam na babae!"

"Dapat ko pa bang ipaalala sa iyo na kayo ang nag-imbita sa akin sa piging na ito? Hindi ba't ikaw ang nagsimula ng gulo sa pag-uutos sa Shen family na putulin ang ugnayan sa akin?" Sawata sa kanya ni Xinghe ng may malamig na tawa. "Kung wala talaga kayong intensiyon na paghigantihan kami, mauuwi ba sa ganito ang lahat? Kaya sabihin mo nga kung sino ba talaga ang nakakasuklam dito? Sigurado akong alam na ng lahat ang sagot sa kanilang mga puso. Ang totoo, pinagdududahan ko pa nga na ikaw, Miss Chui, ang nagbigay kina Tong Yan at Shen Ru ng tapang para kumilos ng ganito. Kaya naman, Miss Chui, ibabalik ko sa iyo ng eksakto ang mga salita mo, ikaw ay talagang kasuklam-suklam na babae."

"Ikaw, pine-frame mo ako…" nauutal na sabi ni Chui Ying. Hindi niya inaasahan na ibubunton sa kanya ni Xinghe ang lahat ng sisi. Kinakatawan siya ng presidente ng Country R at ang Shen family ay may Madam Presidente ng Hwa Xia. Kung ang Shen family ay talagang pinagdudahan siya ng pagmamanipula kina Tong Yan at Shen Ru, magiging isa itong internasyonal na krisis. Isa itong kasalanan na maaari niyang akuin.

"Alam mo naman talaga kung pine-frame kita o hindi."