webnovel

Tatandaan Kita kahit Matapos Kang Mamatay

Éditeur: LiberReverieGroup

Mukhang isang malaking kawalan para sa isang babae na mamatay na lamang ng ganoon. Dahil sa nagawa nga siyang lokohin nito; paano niya hahayaan ito na makalaya na lamang ng ganoon kadali? Sa mundong ito, wala pa ang nakakagawa noon sa kanya, at inaasar siya ng lubusan. Ang buhay ay magiging mas interesante kung nandoon pa siya.

Pero kung hindi siya mamamatay, hindi magtatagal at mabubunyag ang katauhan niya; kaya paano niya hahayaang mangyari iyon?

Ilang sandaling nag-alinlangan ang lalaki bago bumangon ang kawalan ng awa at kalupitan sa puso nito.

Kailangang mamatay ni Xia Meng! Pero…

"Xia Meng, Xia Meng, nangangako ako sa iyo na palagi kang magkakaroon ng puwang sa puso ko kahit matapos ang iyong kamatayan," sabi ng lalaki na may nakakatakot na ngiti. Masasabi na ang interes nito sa babae ay higit pa sa pagkakaibigan. Dahil ito ang unang pagkakataon na nakatagpo siya ng isang nakakaintrigang babae sa buong buhay niya.

Kung hindi ka lamang dating asawa ni Ye Shen at nakaharang sa gitna ng aking landas, siguro ay magiging masaya na nasa paligid ka lamang. Pero… kailangan mong mamatay! Gayunpaman, mamahinga ka ng matiwasay dahil aalalahanin ko ang pangalan mo kahit matapos kang mamatay, isa itong karangalan na hindi ko basta-basta ibinibigay sa kahit na sino.

Sa abilang banda, walang interes si Xinghe sa karangalang iyon. Ang tanging gusto niya mula sa lalaki ay ang buhay nito!

Buong araw na walang malay si Xinghe at si Mubai ay nasa kanyang tabi sa parehong tagal ng oras.

Ang mga mata ni Xinghe sa wakas ay kumurap na pabukas. Pero bago pa siya makapagsalita ng kahit ano, ang unang bagay na lumabas sa kanyang bibig ay isang ubo na puno ng dugo!

Ang ngiti na nasa mukha ni Mubai nang makita na siyang gising ay agad na nawala.

"Xia Xinghe, ano ang problema sa iyo?!" Nag-aalalang tanong ni Mubai habang kumikilos ito para hawakan ang katawan nito.

Ang sagot na natanggap niya ay isa na namang ubo na puno ng dugo. Iniiwas ni Xinghe ang kanyang mukha at ang dugo ay tumulo sa kama. Namantsahan agad nito ang tela. Napuno ng takot ang puso ni Mubai sa eksenang ito.

Napatalon siya, dumungaw palabas ng pintuan, at humiyaw, "Lu Qi, pumunta ka dito ng mabilis!"

"Ano ang nangyayari?" nagmamadaling pumunta si Lu Qi. Nagulat din siya nang makita ang kondisyon ni Xinghe.

"Ikaw ang magsabi sa akin!" utos ni Mubai habang marahas na kinakaladkad ang mabuting doktor papasok ng silid.

"Hayaan mong tingnan ko …" nagmamadali si Lu Qi para maglapat ng lunas. Wala siyang sinabi matapos ang kanyang pagsusuri pero sinaksakan niya si Xinghe ng ilang gamot.

Umayos na ang kondisyon ni Xinghe matapos ang ginawa ni Lu Qi, napatigil na ang pagsusuka niya ng dugo. Pero ang mukha niya ay kasing putla pa din tulad ng isang patay.

"Paano nangyari ito?" malamig na tanong ni Mubai. Diyos lamang ang nakakaalam kung gaano kadami ang ginagamit niyang disiplina niya sa sarili para pigilan ang pagsabog ng galit niya.

Nakunot-noo si Lu Qi at sumagot, "Kahit na madami na akong ibinigay na antitoxin sa kanya, ang pinsalang dulot ng gamot ay masyadong matapang. Halos lahat ng laman-loob niya ay humantong na sa kanilang hangganan."

"Mamamatay ba siya?" Ito ang tanging tanong na may pakialam si Mubai.

"Magagawa kong mapanatili siyang buhay ngunit doon lamang sa vegetative state. Kung dumating siya ng mas maaga ng isang araw, hindi sana siya mananatili na may mga pinsalang hindi magagamot," seryosong komento ni Lu Qi.

Ang tanging sagot ni Mubai ay, "Panatilihin mo siyang buhay!"

Vegetative state o hindi, ang mahalaga ay buhay siya.

Tumango si Lu Qi. "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko."

"Tapusin mo ang pananaliksik sa mga memory cells sa pinakamadaling panahon. Lu Qi, nauubos na ang pasensiya ko. Huwag mong hayaan na tratuhin kita bilang kaaway," malamig na babala ni Mubai.

Tumingin sa kanya si Lu Qi, puno ng pagsisisi at kahihiyan ang mga mata. "Gagawin ko."

Sinisisi din niya ang sarili sa panlilinlang sa kanyang mabuting kaibigan para lamang sa kapakanan ng medikal na pananaliksik.

Ang tanging bagay na magagawa niya ngayon ay tuparin ang pangako niya, para makabawi sa sakit na dinulot niya kina Xinghe and Mubai.

Hindi na siya pinansin ni Mubai matapos nitong matanggap ang pangako ni Lu Qi at tumalikod na para alagaan ang nanghihinang si Xinghe.