webnovel

Tapos Na!

Éditeur: LiberReverieGroup

Ngayon, ang salitang maputla ay hindi na maaaring gamitin para ilarawan ang mukha ni Wu Rong.

Ang kanyang mukha ay abo na, parang mga namamatay na baga.

Wala ng iba pang tutulong sa kanya.

Kung nagawang makuha ni Xinghe ang mga detalyeng ito, nalantad na nga ang buong katotohanan.

Tapos na nga ang lahat!

Ang kulubot na mukha ni Wu Rong ay bahagyang pumintig. Ang kanyang bibig ay gumalaw pero walang salitang nanulas mula rito.

Nakita ni Wushuang ang reaksiyon ng kanyang ina at naintindihan na niya ito.

Tapos na ang lahat para sa kanilang dalawa!

Ang mag-ina ay natuod. Ang kanilang kayabangan ay nawala, at sa pagkakataong ito ay maihahalintulad sila sa mga baboy na naghihintay na makatay.

"Mom…" dinakma ni Wushuang ang braso ng kanyang ina at nagsalita sa nauutal na boses, "Ano… ano ang… gagawin natin ngayon…"

Ah, ito pala ang pakiramdam na nagunaw ang mundo sa sarili mo.

Nahirapan si Wu Rong na aluin ang anak dahil wala rin siyang maisip. Kung kahit si Black Three ay ipinagkanulo na sila, ano pa ba ang magagawa nila?

Wala sa sariling napatitig si Wu Rong kay Xinghe at naghamon sa isang mahinang boses, "Paano mo nalaman ang lahat ng ito? Nagsisinungaling ka, hindi posible na mahanap mo ang lahat ng ito…"

Bahagyang ngumiti si Xinghe, "Nakakalimutan mo na ba kung saan ako mahusay?"

Information Technology…

Hanggang lahat ay magagawang mai-record electronically, sa kapabilidad niya, walang impormasyon doon na hindi niya kayang hanapin.

Ang katotohanan na nagtrabaho si Wu Rong at Black Three sa isang state-owned na kumpanya, ang kanilang impormasyon ay kailangang irehistro sa sistema. At ang suhol na ibinigay niya sa doktor ay masusundan mo sa mga transaksyon sa bangko…

Kung nag-iisa, ang mga bagay na ito ay walang saysay pero kapag pinagsama-sama, ang realidad ay kasinglinaw pa ng araw.

Ang hindi niya inaasahan ay mahusay si Xia Xinghe sa kanyang ginawa!

"Gayunman, nagtataka ako. Kung hindi si Xia Wushuang ang tunay na anak ni Black Three, bakit gumamit ka ng kumplikadong panlalansi para lokohin siya?" Sinadyang itanong ni Xinghe.

May suot siyang nakatagong camera na hindi lamang irerecord ang mga reaksyon nila Wu Rong at Wushuang, kasama pati ang kanilang mga boses.

At direkta itong nakakonekta sa isang feed cam na nasa loob ng kotse kung saan nandoon si Black Three.

At doon, nakumbinsi na siya na si Xia Wushuang ay hindi niya tunay na anak!

Parang baliw na tumawa si Wu Rong. Trinaydor na sila ni Black Three kaya sasabihin na niya ang lahat.

Nakasimangot ang mukha, sinabi niya, "Dahil plinano ko na gamitin siya sa simula pa lang! Dahil sa paraang ito ko lamang siya mapapasunod. Sabihin mo nga sa akin, mayroon pa bang ibang magandang paraan para maging tapat sa iyo ang isang mamamatay-tao?"

Galit na nagtanong si Xinghe, "So ang masama mong plano ay nagsimula sampung taon na ang nakakaraan?! Kahit noon pa, pinagplanuhan mo na kaming patayin ng dad ko?!"

Hindi na kinailangan pang magtago ni Wu Rong.

Mabagal siyang tumayo at galit na tumingin kay Xinghe. Tumawa siya na tila nababaliw na. "Tama ka. Noon pa man ay nagpaplano na akong patayin kayong dalawa! Pero ikaw – ikaw na maswerteng b*tch — ay dalawang beses na nakaligtas! Hindi bale, Xia Xinghe, aaminin kong natalo mo na ako pero hindi ikaw ang talagang magwawagi dahil ang taong iyon ay ang aking anak!"

Bago pa natapos ang pangungusap, agad na dinakma ni Wu Rong ang paring knife na nasa mesa at sumugod para saksakin si Xinghe!

Hanggang patay na si Xinghe, ang lahat ng pag-aari ng Xia Family ay mapupunta sa kanyang anak.

At si Wushuang ay makakaligtas ng hindi nadadawit dahil handa siyang akuin ang lahat ng krimen!

Determinado na siyang mabuhay man o mamatay, galit na sasaksakin ni Wu Rong si Xinghe. Nang makita ito ni Xia Zhi na nasa kotse, napasigaw ito, "Ate—"

Binuksan nito ang pintuan at tumalon palabas ng kotse.

Nasorpresa nga si Xinghe sa desperadong pagsugod ni Wu Rong. Agad niyang hinawakan ang pulso ni Wu Rong at binaluktot ito matapos niyang mailagan ang matalim na bahagi ng kutsilyo. Ang paring knife ay maingay na nahulog sa sahig kasunod ng sigaw ni Wu Rong.