webnovel

Talunin Siya, Talunin Siya

Éditeur: LiberReverieGroup

Agad na naririnig ang hagikgikan mula sa madla. Malakas siyang binara ni Yan Lu, "So ito pala ang standard ng ikatlong pinakamahusay sa mundo!"

"Hindi mo pwedeng sabihin iyan. Si Mr. Sun ay talagang mahusay sa kanyang trabaho pero alas, mas mahina lamang siya ng konti kaysa kay Miss Xia," may nananadyang nagdagdag nito.

Biglang sinabi ni Xinghe, "Hindi lang kaunti ang kahinaan."

Nagulat ang madla, ano kaya ang ibig niyang sabihin dito. Tinitigan ni Xinghe si Sun Yu. "Sa tingin ko ay alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin doon."

Namutla ang mukha ni Sun Yu. Ito ang unang beses na hindi siya mapakali. Paano niya nalaman na na-hack ko na ang system dati pa? May nakita kaya siyang ibang ebidensiya? Hindi, imposible, masyado akong mahusay para mahuli niya.

"Ano ang ibig mong sabihin doon? Huwag mong sabihin na nanalo ka dahil sa pandaraya, ay pwede mo na akong insultuhin!" Galit na sagot ni Sun Yu.

Walang tuwa na tumawa si Xinghe. "Sino kaya talaga ang eksaktong nandaraya?"

"Xinghe, ano ang ibig mong sabihin diyan?!"

"Ang ibig kong sabihin ay simple, pero hindi kita ikinunsidera na isang banta pero pinilit mo ako na gamitin ang pitumpung porsyento ng aking lakas."

Agad na naiintindihan ni Sun Yu ang ibig niyang sabihin. May nakitang mali si Xinghe sa gitna ng kumpetisyon, kung kaya binilisan nito. Talagang nabuking siya…

Gayunpaman, ang bagay na masyadong mahirap na sikmurain ni Sun Yu ay 70 porsyento lamang ng kanyang abilidad ang ginamit para talunin siya! Sa madaling salita, nagpigil pa siya. Hindi ito sa hindi siya hinihiya ni Xinghe, ito ay nangangahulungang hindi siya karapat-dapat para maging seryoso siya. Isa itong malaking kahihiyan para sa isang hambog na tao na tulad ni Sun Yu. Hindi niya matanggap na mayroong malaking kaibahan sa kakayahan sa pagitan nilang dalawa.

Nalukot ang mukha ni Sun Yu sa sobrang galit. "Xia Xinghe, sa tingin mo ay ganoon ka talaga kagaling? Ano kaya at magkaroon tayo ng isa pang labanan? Kung ganyan kababa ang tingin mo sa akin, ipakita mo sa akin na madali mo uli akong matatalo!"

"Dapat ko bang tanggapin ang hamon niya?" Bumaling si Xinghe sa mga tao.

Sabik na sumagot si Yan Lu, "Siyempre! Bakit hindi? Palasap mo sa kanya ang lubos na pagkatalo!"

"Tama iyon, talunin siya, talunin siya, talunin siya…" ang kampo ni Munan ay lubos na nang-iinis na, hindi nila mapigilang hindi sambitin ang dalawang salitang ito.

Ang mukha ni Sun Yu ay nasa pinakapangit na anyo na at ang mukha ni Saohuang ay masyado ng madilim na kaya na nitong takpan ang araw. Gayunpaman, hindi na sila makakaatras pa ngayon. Kung aatras sila, mas masahol pa ito sa pagkatalo. Gayunpaman, ang pagpapatuloy ng paligsahang ito ay nagbabadya ng hindi maganda para sa kanila.

Sa loob-loob ay minumura na ni Saohuang si Sun Yu sa katangahan ng huli. Dapat ay pinutol na niya ang pagkatalo nito noong natalo na, bakit ba ang tanga pa nito para humiling pa ng isa pang ikakahiya niya?! Hindi ba niya alam na hindi na sarili niya ang ipapahiya niya kapag natalo siya? Ang buong grupo ang mapapahiya dahil sa kanya. Gayunpaman, ang hamon ay naibigay na, wala ng atrasan ngayon. Ang tanging maipagdarasal niya ay ang matalo ni Sun Yu si Xinghe sa oras na ito.

Ngumiti si Xinghe. "Sige, paluluguran kita ng isa pang pagkakataon tutal naman ay makakatulong itong mapataas ang morale ng lupon."

"Masyado pang maaga para sabihin iyan!" Sabi ni Sun Yu sa pagitan ng nagtangis niyang mga ngipin. Ang pagkakahambing ay talagang hindi maganda para kay Sun Yu. Si Xinghe ay kalmado, habang siya ay natataranta na at di malaman ang gagawin.

"Hahayaan kitang magdesisyon ng paksa ng ikalawang pagsubok na ito."

"Fine!" Muling lumabas ito sa pagitan ng mga ngipin ni Sun Yu. Isa na naman itong pamamahiya para kay Sun Yu dahil siya ang nagdesisyon ng paksa sa unang pagsubok, kapag natalo siya ulit, ang kahihiyan ay mahirap ng tanggapin pa.