webnovel

Sunog

Éditeur: LiberReverieGroup

Ito ay para makalikha ng ilusyon. Ang plano ni Xinghe ay gamitin ang nakakahawang flu para tuluyang sirain ang ampunang ito; hindi na sila mapapayagan pang magpatakbo nito sa hinaharap. Ang mga file na nasa basement ay naialis na matapos na niyang mai-hack ang kandado. Walang makakaalam kung ano talaga ang nangyari nang gabing iyon.

Bago pa sumikat ang araw, ang lahat ng nasa ampunan ay nagkasakit. Ang lakas ng sakit ay napakalakas na kahit na ang mga bodyguard at doktor ay ayaw lumapit sa ampunan kahit na nakasuot na sila ng isang MET suit. Tanging ang grupo ni Xinghe ang nagboluntaryo na gawin ang trabaho.

Sa kaparehong oras, nakatanggap ng update si He Bin mula kay Xinghe. Ang bawat importanteng miyembro ng He Lan family ay nasabihan ng lahat ng nangyayari sa ampunan. Nang makita nila ang video na kuha ni Xinghe, nagulat sila dahil hindi nila inaasahan na nakakamatay ang nakakahawang flu.

Kahit si He Lan Qi, na nabigyan ng espesyal na pangangalaga ng grupo ng mga doktor, ay halos maamatay na pero paano pa kaya ang mga taong ito na wala. Gayunpaman, ang una nilang tugon matapos na makita ang paghihirap ay hindi na magpadala pa ng maraming tao para iligtas ang mga ito kundi ang wasakin ang lahat ng naroroon para pagtakpan ito!

Napakaraming tao ang sangkot dito, ang balita ay hindi maaaring makalabas, kung hindi ay katapusan na nilang lahat. Isa pa, wala silang sapat na pera para mailigtas ang napakaraming tao, at kahit na kumuha pa sila ng tulong mula sa labas, ang sikreto nila ay siguradong malalantad.

Kaya naman, iminungkahi nila na alisin na ang Angel Orphanage sa mundo gamit ang isang higanteng apoy. Nang napakinggan ni He Bin ang walang pusong desisyon ng mga ito sa video conference, ang puso niya ay nanlamig. Ito ang He Lan family, wala sa kanila ang may puso ng tao. Pero muli, bakit nga ba sila hahayaang manatili ni He Lan Chang kung hindi sila malupit?

Ito ay dahil sa napagdesisyunan nilang kalupitan na ang sikreto ng He Lan family ay nananatiling tago ng napakatagal. Natural, kailangang magkunwari ni He Bin na maging isang walang puso din. Pinayagan niya ang desisyon ng mga ito na wasakin ang lahat at pati na rin ang mga naka-kwarantina sa ampunan.

Kahit na ang lahat ay pumayag sa desisyong ito, wala sa mga ito ang gustong sila ang gumawa nito. Natatakot sila na sila ay mahawa ng sakit. Hindi naglaon, sama-sama nilang ipinataw ito sa mga balikat ni He Bin dahil ito ang pinuno nila. Inasahan na ito ni He Bin mula sa grupo ng mga ahas na ito, pero payag siyang tanggapin ang responsibilidad na ito.

Matapos na matanggap ni Xinghe ang balitang ito, may ngiti nitong sinabi na, "Kung ganoon ay ipagpapatuloy namin ang plano, iwanan mo na ang iba pa sa amin."

"Okay, mag-iingat kayo."

"Huwag kang mag-alala, ang lahat ay matatapos na din." Ibinaba na ni ito ni Xinghe matapos niyang ipangako iyon. Ibinaba na din ni He BIn ang kanyang telepono, pagkatapos ay tumingin siya sa labas ng bintana. May patong na frost sa salamin, pero ang gabi sa labas ay tila kasing lamig ng yelo. Gayunpaman, ang dugo ni He Bin ay kumukulo sa kasabikan ng dakila at marangal na misyong ito…

….

Ang mga doktor at bodyguard na hindi nahawa sa ampunan ay ipinadala sa malayo. Ang mga bata ay sikretong inialis din sa lugar na iyon.

Pagkatapos, ang buong ampunan ay sinabuyan ng petrolyo. Ang masangsang na amoy ay pumaimbabaw sa malamig na hangin. Ang lahat sa grupo ni Xinghe ay may hawak na lighter sa kanilang mga kamay. Sinuri nila ang mga gusaling walang laman ng may malamig na tingin.

"Simulan na natin!" Pagkatapos niyang sabihin ito, sinindihan ni Xinghe ang kanyang lighter bago ito itinapon sa isa sa mga gusali. Pagkatapos, sumunod na ang iba pa.

Agad na sumiklab ang apoy. Ang mga alab ay tila naglilinis na apoy ng Diyos habang sinusunog nito ang makasalanang lugar, nilalamon ang lahat na nahawakan ng kasalanan.