webnovel

Sumusuko Ako

Éditeur: LiberReverieGroup

Agad na nahati ang mga tao para padaanin ang lalaking tinawag.

Natahimik ang buong lab habang lumalapit ang isang matangkad na lalaki.

Tiningnan ni Xinghe ang susunod niyang katunggali at ang kanyang mga mata ay unti-unting nanlaki habang nakikilala ito…

Ang lalaking ito… ay mukhang pamilyar…

Sandali nga… ET!

Ito ang hacker na kumatawan kay Chui Ming noong Hacker Competition.

Pero… bakit siya narito?

Ang pagdating ni Ee Chen ay bahagyang nagpakalma kay Ruobing. Masigla niyang sinabi kay Xinghe, "Si Ee Chen ang pinuno ng ating computer science committee. Usap-usapan na ang husay mo sa computer ay hindi basta-basta, kaya naman naririto si Ee Chen para malaman para sa amin. Sana ay hindi mo kami biguin at bigyan mo kami ng magandang palabas!"

"Gusto mo siyang kuhanin para subukan ako?" Tanong ni Xinghe na nahihirapang pigilang libakin ito.

Tumango si Ruobing, "Tama iyon!"

"Bibigyan kita ng pagkakataon na palitan siya para sa mas mahusay pa."

"Ayan na naman ang kayabangan mo!" Ngumisi si Ruobing. "Huwag mo siyang hamakin dahil sa bata pa siya. Si Ee Chen ang pinakamagaling na computer scientist namin dito! Kaya huwag mong hatulan ang isang aklat dahil sa pabalat nito!"

Huwag hatulan ang aklat dahil sa pabalat nito? May kaunting kakisigan ang lalaking ito.

Alinman doon, may tao sa madla na kumompirma na, "Tama si Leader Yun. Si Ee Chen ang pinakamagaling na computer scientist sa aming lahat."

Walang boses na tumututol mula sa iba.

Wala sa kanila ang makaunawa sa misteryosong ngiti ni Xinghe. "Sige, sinabi ninyo eh. Mr. Ee, saan mo ba ako gustong subukan?"

"Siyempre, kailangang isa itong pagsusulit na may tamang hirap para naman mawala na ang agam-agam ng lahat na hindi ka nandaraya. Ee Chen, huwag mong pigilin ang sarili mo. Sigurado akong magaling siya para masagutan ang kahit na anong hamong ibato mo sa kanya," utos ni Ruobing na may natatagong motibo.

Ipinahihiwatig niya kay Ee Chen na ibigay kay Xinghe ang pinakamahirap na pagsubok na maiisip nito.

Sigurado siya na kapag isinagad ni Ee Chen ang lahat, magagawa niyang matalo ng madali si Xinghe!

Personal na niyang nakita ang husay nito dati. Maikukunsiderang isa siya sa pinakamahuhusay sa kanyang larangan. Kaya paano naman ang isang babaeng tulad ni Xia Xinghe ay makikipagpaligsahan sa isang ekspertong tulad nito?

Kaya naman, tiwala siya na matatalo sa pagkakataong ito si Xinghe!

"Sumusuko ako."

Si Ruobing ay nagpapantasya ng sambitin ito ni Ee Chen ng nakangiti.

"Ano?!" Nagulantang na napabaling siya dito. Tinitigan niya ito na napanganga, iniisip na nagkamali siya ng dinig.

Ngumisi si Ee Chen at inulit, "Leader Yun, ang sabi ko ay sumusuko ako."

Nagitla ang buong madla.

Ano ang ginagawa ni Ee Chen? Sumusuko siya ng hindi man lamang lumalaban? Ano ang ibig sabihin nito?

Nagdilim ang mukha ni Ruobing sa galit. Sinigawan niya si Ee Chen ng hindi na iniisip pa ang kanyang imahe. "Sino ang nagbigay sa iyo ng permiso para sumuko! Paano ka susuko ng hindi man lamang lumalaban? Inuutusan kita na simulan ang pagsubok ngayon na!"

Ang ngiti ni Ee Chen ay napako sa mukha nito. Bumaba ang tono nito ng sumagot, "Leader Yun, sumuko ako, natural lamang, dahil alam kong hindi ako ang katapat niya."

Isa na namang pasabog ng pagkasindak ang yumanig sa madla.

Paano nasabi ni Ee Chen ang ganitong bagay?

At paano niya nalaman na hindi siya ang katapat ni Xinghe?

"Ito ay dahil nagkaharap na kami ilang buwan na ang nakakaraan. Tuluyan akong natalo sa kanya. Ang totoo nga niyan, labis akong humahanga sa kakayahan ni Miss Xia sa computer, hindi pa ako nakakakita ng isang taong kasing propesyunal niya mula pa noon. Kung hindi kayo naniniwala sa akin, pwede ninyong hanapin ang mga video mula sa Hacker Competition ngayong taon. Si Miss Xia ang nanguna sa paligsahan," Paliwanag ni Ee Chen ng nakangiti, ang mga mata nito ay nagliliwanag sa kagalakan.

Ang pakiramdam na nadama niya noong paligsahan ay agad niyang naalala.

Pakiramdam niya ay natupok siya ng… pasyon.

Nananatili ang ngiti sa mukha ni Ee Chen habang inilalahad ang paliwanag niya ngunit si Ruobing at ang dalawang lalaki sa kanyang likuran ay may kabaliktaran na reaksyon.

Hindi na nila magawang pilit na ngumiti kahit gusto nila!

Pakiramdam nila ay hindi na nila malulusutan ang gusot na ito.