webnovel

Stepped On His Tail

Éditeur: LiberReverieGroup

Hindi tulad ni Ye Shen, wala talagang pakialam si Xinghe tungkol sa enerhiyang kristal. Kung ang pagsasabi ng lokasyon nito sa lalaki para maligtas ang buhay niya, gagawin niya ito agad. Ang isyu dito ay wala siyang ideya kung nasaan din ito.

Tahimik siyang pinag-aralan ng lalaki at sinabi nito ng may ngiti, "Kahanga-hanga ang kakayahan mong umarte. Hindi ko masabi kung nagsisinungaling ka o nagsasabi ng totoo sa akin."

"Kung may suspetsa ka sa puso mo, ang bawat katotohanang sinasabi ko ay parang kasinungalingan lamang," mahinang sagot ni Xinghe.

Natimo nito ang puso ng lalaki, pero hindi ito sapat para makumbinsi ito.

"Kung wala ito sa iyo, wala na ako ng pakinabang pa sa iyo!" Bigla ay naglabas ng handgun ang lalaki at itinutok ito sa puso niya. "Ipapadala na kita para samahan mo ang asawa mo."

"Samahan siya? Hindi siya karapat-dapat!" nanunuyang tawa ni Xinghe.

Inisip ng lalaki na matatakot siya sa baril, pero kakatwang kalmado pa din ito. May oras pa ito na itama siya.

Sa malamlam na ilaw ng silid, ang lalaki ay nahihirapang makita ang mukha niya pero ang pares ng mga mata nito ay kumikislap ng husto.

May bahid ng pagsisisi sa boses nito, "Talagang nakakalungkot na ang isang kahanga-hangang babae na tulad mo ay naikasal sa isang walang kwentang tao na tulad ni Ye Shen. Alas, ngayon ay mamamatay ka dahil sa kanya na rin. Hindi ito nararapat, sang-ayon ka ba?"

"Hindi nga ito nararapat." Nasorpresa siya ng sumang-ayon ito sa kanya.

Naintriga siya. "Kung ganoon, dapat ay sabihin mo na sa akin kung nasaan ang bagay na iyon, at hindi mo na kailangan pang mamatay para sa kanya."

"Hindi ba't tapos na tayo dito?" nauubusan ng pasensiya na reklamo ni Xinghe, "Ibibigay ko na sa iyo ang bagay na iyon kung hawak ko, dahil wala namang halaga sa akin ang bagay na iyon."

"Ang bagay na iyon ay walang halaga sa isang taga-labas na tulad mo…" tumatango na sang-ayon ng lalaki.

Ang pangungusap na ito ang nagkumpiram sa suspetsa ni Xinghe, kung saan wala itong kaalam-alam na may piraso din ng enerhiyang kristal si Xia Meng. Ang tanging alam nito ay ang bagay na hawak ni Ye Shen.

Mula sa obserbasyong ito, malalaman mo na wala itong alam tungkol sa mga ama nila Xia Meng at Ye Shen, at may kinalaman ang mga ito sa Project Galaxy.

Napaungol sa isip si Xinghe sa katangahan ni Ye Shen. Kung ang plano ay importante tulad ng sinasabi nito, bakit ito magsasagawa ng imbestigasyon na lantaran na makakakuha ng atensiyon ng ilang misteryosong grupo?

Nagpapasalamat pa din si Xinghe na walang alam ang lalaki tungkol sa nakaraang henerasyon dahil baka pagsuspetsahan pa niya na si Xia Xinghe ay may hawak na isa sa mga enerhiyang kristal din.

Kung alam nito, hahabulin nito ang pamilya niya at sigurado pati na din ang buong Xi family.

Inisip ni Xinghe na sabihin dito na ang enerhiyang kristal ay nakay Xi Mubai at sa pagpapadala niya kay Mubai, maaari nitong matukoy ang assassin pabalik sa kanya, pero hindi siya nangahas na kunin ang pagkakataong iyon.

Ang lalaki at ang grupo nito ay may kakayanang patayin si Ye Shen sa bilangguan, at dukutin siya ng wala man lamang iniiwan na bakas. Maaaring makalaban pa si Mubai sa mga ito, pero paano naman si Lin Lin?

Kaya naman, kahit na ano ang mangyari, hindi magagawa ni Xinghe na magsuspetsa ito sa Xi Family.

Agad na nabuo ang desisyong ito sa isip ni Xinghe sa loob lamang ng ilang segundo.

Siyempre, hindi ito makikita sa kanyang mukha. Imbes ay nagtanong siya sa lalaking nasa kanyang harapan, " Kaya naman, sa tinginmo ba ay gagamitin ko ang buhay ko para protektahan ang isang bagay na walang halaga sa akin?"

Nagbigay ng nakakikilabot na ngiti ang lalaki. "Sino ang nakakaalam, baka alam mo, kahit na ang bagay na walang halaga sa iyo, ay malaki ang halaga sa ibang tao! Maaari mo itong ipagpalit sa mga kayamanan na hindi mauubos sa maraming buhay mo kaya hindi na nakapagtataka na handa mo itong protektahan gamit ang buhay mo."

"Isa kang taong puno ng pagkontra, tiwalang-tiwala sa iyong abilidad pero may pagka-paranoid sa lahat."

"Ano ang sinabi mo?!" mukhang may tinamaan ang mga salita ni Xinghedahil ang mga mata nito ay naging malamig na gustong pumatay.