webnovel

Siya Pala Iyon

Éditeur: LiberReverieGroup

Napatigil ang tasa ng tsaa ni Saohuang sa ere, "Sino?"

Hindi napansin ni Shu Mei ang reaksiyon nito at sinabi ng may pagkayamot, "Isang babae na nagngangalang Xia Xinghe, sino ang nakakaalam kung saang butas nanggaling iyon."

Hindi kilala ni Shu Mei si Xinghe pero alam ni Saohuang. Hindi ba't dating asawa ito ni Xi Mubai? Ang babae na nandoon noong nagkasagupa kami ng Xi family? Ang babae na may pamilyar na titig?

Kumurba ang mga labi ni Saohuang para maging ngisi. Mukhang may talento siya kung humingi ng tulong sa kanya si Munan.

Naaalala pa din niya ang na-record na video na dapat ay nabura na. Ito marahil ay gawa din ng babaeng iyon.

Alam ni Saohuang kung saan pupunta ang direksiyon ng imbestigasyon na ito. Gamit ang impormasyong nakalap na niya, nawalan na ng interes si Saohuang kay Shu Mei.

Tumingin siya sa kanyang relo at walang emosyong sinabi, "Nakalimutan ko na may gagawin pa pala ako. Kailangan ko nang umalis pero namnamin mo muna ang pagkain, ako na ang sagot dito."

Nakaramdam ng panlulumo si Shu Mei. "Pero hindi ka pa nga sumusubo…"

"Ang magkaroon ng pagkakataon na makita ka ay higit pa sa sapat na, magkikita pa tayo ulit," sagot ni Saohuang ng may nakakaakit na ngiti. Nahulog si Shu Mei sa gwapo nitong mukha at nagsimula na namang mamula. Hindi niya napansin na ang ngiti nito ay hindi man lamang umabot sa mga mata.

Tumayo na ito para ayusin ang damit. Lumakad ito bago lumingon para sabihin, "Oo nga pala, sa tingin ko ay kilala ko iyong Xia Xinghe. Dati siyang eldest-daughter-in-law ng Xi family, kaya mag-iingat ka."

Matapos noon, umalis na si Saohuang ng may malalaking hakbang, iniwan si Shu Mei na mag-isa na nagmumuni-muni sa kanyang mga kumplikadong isipan.

Ginugol ni Xinghe ang isang araw na maging pamilyar sa misyon. Ang paggawa ng mga program ay hindi mahirap, ang mahirap na parte ay ang paggawa ng isa sa maiksing panahon. Ang pagsasanay ng mga lupon ay nagbabago sa araw-araw. Ang pagbabago ng mga estilo sa pagsasanay ay nakakasiguro ng isang mabilis na pag-unlad. Isa pa, halos lahat ng pagsasanay ay tungkol sa teamwork.

Maaari itong tulungan ng ilang simulation software kung saan maaaring sanggunian at matututo ang mga sundalo. Makakatulong ito na mapabilis ang kasanay kaysa sa aktwal na pagsasanay.

Ang lupon ni Saohuang ay nanalo dahil sa katotohanan na ang kanilang software ay mabilis na nagagawa. Mabilis na ang grupo ni Munan, pero laging mas nauuna ng isa o dalawang araw ang grupo ni Saohuang kaysa sa kanila.

Kung titingnan ito, ang isa o dalawang araw ay maaaring maliit ngunit ang pangmatagalang epekto ay magiging mapaminsala, kung kaya natataranta si Munan. Ang kanilang tech team ay mahusay na ngunit kahit na gaano pa sila kahusay, palagi silang naiiwan ng grupo ni Saohuang.

Kaya naman, humingi siya ng tulong kay Xinghe, umaasa na mapabilis ang paggawa. Si Xinghe mismo ay mabilis na magtrabaho. Matapos niyang maging pamilyar sa gagawin sa trabaho, hiniwa-hiwalay niya ang mga pangkat sa grupo at binigyan sila ng sari-sariling trabaho. Ang pagtutulungan ang susi sa lahat.

Ang tech team ay may grupo na bago pa dumating si Xinghe kung kaya ang ginwa ni Xinghe ay ang pagsasaayos ng mga tao base sa kanilang kalakasan at kahinaan.

Ang isang grupo ay responsable sa pagsusulat ng mga codes. Dati ay may limang tao dito, kasama na si Shu Mei na isang time leader. Gayunpaman, inalis ni Xinghe ang isa, at iniwanan sila ng apat.

Bukod pa doon, nag-utos din si Xinghe, "Ang parte na ito ng code, gusto kong handa na ito bago ang araw sa makalawa. Tandaan ninyo, kailangan ko ang mga ito sa aking mesa bago ang hatinggabi bukas."

Nagulat si Shu Mei. "Ibig sabihin bago bukas ng gabi?"

Tumango si Xinghe.

Tumatawang nagkomento si Shu Mei, "Miss Xia, sa tingin ko ay hindi lohikal ang iyong pagsasaayos."

"Paano ito naging ilohikal?" Ganting tanong ni Xinghe. Hindi niya iniinda ang pagsasabi ng ilang tao dahil maaari nitong makita ang mga pagkakamaling hindi niya napansin.