webnovel

Si Xinghe ay Masyadong Sikat

Éditeur: LiberReverieGroup

Ayon sa kanyang plano, mayroong bagong pasiklaban sa trabaho sa tech team. Nalaman na nila ang kanilang mga kahinaan at itinutulak ang kanilang mga sarili na malampasan ang mga ito. Dati, ang tingin nila sa kanilang trabaho ay mga simpleng okupasyon lamang, walang interes na magdiskubre, pero ngayon ay tinatrato nila ito bilang isang karanasan para matuto…

Sa pagsusubaybay ni Xinghe, mas naging interesado na sila sa kanilang trabaho. Sa ilalim ng mga ganitong pagkakataon, ang pagtaas ng produktibidad at pag-unlad ay natural lamang. Malaki ang naging epekto nito sa buong lupon dahil ang pag-unlad ng grupo ni Munan ay nagsimula nang makahabol at hindi naglaon ay nalampasan na ang kay Saohuang.

Ang mga tauhan niya, na tuwang-tuwa sa mga pangyayari, ay lalong tumaas ang morale at tumaas din ang kasanayan nila sa pagsasanay. May kakaibang sigla sa buong kampo. Nahihiling nila na ang bawat araw ay higit pa sa 24 oras. Napapahalagahan na nila ang bawat minuto at bawat segundo ng kanilang gawa. Ang ganitong klase ng sigasig ay hindi makikita bago pa dumating si Xinghe.

Hindi akalain ni Munan na ang mga pangyayaring ito ay dulot ni Xinghe. Ginugol ni Yan Lu ang kanyang mga araw sa pagtawa. Kapag may oras siya, pumupunta ito sa silid ng tech team at purihin si Xinghe. Siya ang bituin ng kampo. Ang lahat ay hindi makapaghintay na tulungan siya. Kahit ang pagkain ni Xinghe ay mas sumarap, isang kontribusyon mula sa kitchen crew na sinusubukan ang lahat ng kanilang makakaya para paluguran ang panlasa ni Xinghe sa pamamamagitan ng pagbabago ng menu sa araw-araw.

Ang kakaibang pagtrato na ito ay dahil hindi siya isang opisyal na sundalo, isa siyang espesyal na civilian agent. Sila ay may utang sa kanya. Isa pa, hindi naman sa hindi siya nararapat; inani niya ang lahat ng magandang pagtrato na pinauulan ng mga ito sa kanya. Kung mayroon pa nga, ang iba ay iniisip na ang espesyal na trato na ito ay hindi pa sapat.

Habang lumilipas ang araw, nalaman ng mga tao na hindi masamang tao si XInghe kahit na malamig itong makitungo. Walang pagkukunwari sa kanya, at tinatrato niya ang lahat ng patas. Kaya naman, ang bagay na nagpahanga ng husto sa tech team ng lubos ay ang maluwag na kagustuhan nitong turuan ang iba. Kaya naman, ang tech team ay tila mga gutom na espongha na patuloy na sinisipsip ang mga kaalamang ibinibigay nito!

Dahil kay Xinghe, natuto sila ng mas mahusay na programming techniques at mga short cut. Praktikal na nagbukas ng bagong mundo si Xinghe para sa kanila. Kahit si Gu Li ay ginugugol ang kanyang mga araw sa tabi niya, sinusubukang matuto hanggang kaya niya mula rito. Tinanggihan pa nga niya ang imbitasyon ni Yan Lu na uminom ng beer! Wala ng panahon si Gu Li na makipaglaro sa kanila dahil kailangan niyang namnamin ang oras para matuto mula kay Xinghe.

Siyempre, ang malaking pagbabago sa pangkat ni Munan ay hindi nakaligtas sa paningin ni Saohuang. Hindi na niya kailangan pang umasa sa ilang tagong operasyon para malaman kung ano ang nangyari. Ito ay dahil masyadong sikat si Xinghe. Alam ng lahat na may dinalang imposibleng talento si Munan.

Ikinagulat ito ni Saohuang. Kaya naman pala iniingatan siya ng Xi family; ganoon siya kahusay.

Pauyam na nagsalita si Sun Yu, "Napakabata pa niya at, mula sa impormasyong nasa atin, hindi man lamang siya nakatapos ng pag-aaral, kaya paano siya naging ganoon kahusay? Isa lamang siguro itong pagkakamali, niloloko lamang nila tayo."

Sinulyapan siya ni Saohuang, "Kung patuloy na magiging matigas ang iyong ulo, mamamatay na tayong lahat bago mo pa malaman kung ano ang tumama sa atin!"

Nagulantang si Sun Yu. "Boss, naniniwala ka dito? Pero kung ang babaeng ito ay napakamakapangyarihan, bakit hindi pa ako nakakarinig ng balita tungkol sa kanya?"

"Dahil nawalan siya ng alaala ng maraming taon." Mukhang naiintindihan na ni Saohuang ang lahat.