webnovel

Sa Pagkagunaw ng kanilang Mundo

Éditeur: LiberReverieGroup

Tila ba ang mundo ay nabubuhay!

"Nailigtas na namin si Kelly. Nasa sa iyo na kung wawasakin na ang IV Syndicate o hindi, sabihin mo lamang," mahinang dagdag ni Xinghe.

Sa wakas ay nakuhang muli ni Philip ang kaniyang kompiyansa sa sarili. Ang mga mata niya ay nangingislap na habang ang kanyang dugo ay kumukulo. Ang presensiya niya ay pumuno sa lugar na iyon. Tila isang bagong gising na leon, handa na siyang harapin ang mundo.

"Siyempre," napahigpit ang pagkakahawak ni Philip sa telepono at iniutos, "Wasakin na ninyo sila ngayon!"

Nasagad na siya ng buwisit na organisasyong iyon.

Ngumiti si Xinghe. "Sige, pero iminumungkahi ko na gamitin natin ang pagkakataong ito na ipakita sa mundo ang isang magandang palabas."

"Napakagandang ideya." Tumawa si Philip habang ang kanyang tingin ay hinahagilap si Aliyah. Ang huli ay namula dahil sa nararamdamang takot.

Ano ang nangyayari?

Hindi magtatagal at malalaman din niya.

Humarap si Philip sa libu-libong mamamayan at walang katapusang mga camera, at makapangyarihang ipinahayag, "Mga kababayan ko at mamamayan ng mundo, ngayon ay gusto kong magbigay ng isang seryosong pahayag, pero huwag kayong mag-alala, isa itong mabuting balita. Ang pinakakuta ng IV Syndicate ay natukoy na. Ngayon ay hindi ako magtatalumpati kundi magbibigay ako ng isang demonstrasyon! Gagamitin ko ang aking pagkilos para ipakita sa buong mundo ang konsikuwensiya ng pananakit sa mga mamamayan ng aking bansa at sa pagbabanta ng kanilang kaligtasan! Ang pagkawasak ng IV Syndicate ay ang simula, ito ang pangako ko, ni Philip, sa inyong lahat!"

Ang malakas na tinig ni Philip ang nagpatigagal sa lahat ng naroroon at sa buong mundo. Narinig nila ang lahat ng sinabi niya pero nahihirapan silang intindihin ito.

Habang natitigagal pa ang buong mundo, ang malaking screen sa likuran ni Philip ay biglang nagbago!

Ipinakita nito ang isang malaking espasyo sa disyerto na punung-puno ng mga military unit, mga sundalo, mga helicopter at mga fighter jet.

Isang fighter jet ang lumipad sa ibabaw ng kalangitan ng disyerto at naghulog ng bomba. Sumabog ito, at isang ulap na hugis kabute ang lumitaw sa kalangitan.

Ang bomba ay nagbunyag sa mundo ng kaharian ng IV Syndicate na nasa ilalim ng lupa. Ang mga tao sa kuta ay nagitla sa pagsabog.

Masyado nilang pinagtuunan ang eleksiyon, hinihintay na sumuko si Philip, pero ang sumunod na nakita nila ay, sinabi ni Philip na wawasakin sila nito. Bago pa nila maintindihan ang mga nangyayari, ang screen sa likod ni Philip ay pinapakita ang paibabaw na antas ng kanilang underground base. Hindi ito maipagkakamali.

Bakit hindi sinasabi ng kanilang surveillance na mayroong malaking hukbo na nakalapit ng husto sa kanila?

Ang buong kuta ay natataranta na parang mga manok na walang ulo, nagkakabungguan na sila sa isa't isa habang sinusubukan nilang lumaban pabalik.

"Bilis magpaputok kayo at ilunsad ang ating mga missile. Buhayin ninyo ang ating defense system!"

"Ano?! Ang mga missile ay hindi gumagana!"

"Ang defense system ay hindi rin sumasagot; ang buong system ay hindi gumagana!"

"Sino ang nagbukas ng mga pintuan? Ang militar ay pumapasok na—"

Ang pangungusap na ito ang naglunsad sa buong base sa kaguluhan.

"Mabilis puntahan ninyo at kuhanin ang p*ta ni Philip. Kailangan natin siyang gamitin bilang pamalit!"

Inisip nila na magagamit nila si Kelly para makaalis sa kaguluhang ito. Gayunpaman, ang mga lalaki ay mabilis na bumalik at nag-ulat, "Masama ito, wala na siya doon. May nagpakawala doon sa babae!"

Wala sa mga opensa o depensa ang napapagana. Hindi na nila mapigilan ang mga sundalo sa pagpasok at ang kanilang pinakamahalagang bihay ay nawawala.

Ang pakiramdam ng buong IV Syndicate ay magugunaw na ang kanilang mundo.