webnovel

Sa Lumang Mansiyon ng Pamilya

Éditeur: LiberReverieGroup

Sumagot si Xinghe ng walang kagatul-gatol, "Kung isasauli mo sa akin ang anak ko, kahit sino ay magiging sapat."

Syempre, kahit sino maliban siya.

"Ano ang gagawin mo naman, palayasin lahat ng babaeng lalapit sa akin?" Tanong ni Mubai ng may interes. Ang tono nito ay tila nagmumungkahi na hinihikayat siyang gawin iyon…

Kumurba ang mga labi ni Xinghe sa isang bahagyang ngiti. "Hindi ako ganoon kainteresado sa buhay mo, gusto ko lamang ang anak ko."

"Pero anak ko din siya at kapalaran na niya na manatili sa loob ng Xi Family."

"Sinabi ko na sa iyo, hahanap ako ng paraan para makalabas siya."

"Mayroong isang paraan na napakasimple," ipinilig ni Mubai ang uli para tingnan siya at sinabi, "Makipagbalikan ka sa akin."

Bahagyang kumurap si Xinghe pero walang halatang pagbabago ng ekspresyon sa kanyang mukha.

Naghintay si Mubai ng may hindi maipaliwanag na pag-aalala para sa sagot nito. Hanggang sa sinabi nito na, "Matingkad pala ang imahinasyon mo."

"…"

Hindi siya makikipagbalikan dito at babawiin niya ang anak sa sarili niyang pagsusumikap.

Kaya ito ang dahilan kung bakit siya pupunta sa old family mansion ng Xi Family.

Handa siyang gawin ang lahat para lamang mailabas si Lin Lin.

Kung ito ay talagang imposible, kailangan niyang makaisip ng paraan para mapababa ang mga posibilidad na malagay ito sa panganib. Syempre, ang kanyang pinagtutuunan ng pansin ay ang pag-alis pa din dito sa Xi Family.

Ang totoo, mayroon na siyang ideyang naiisip, at ito ay ang dumaan sa lola ni Mubai.

Ang lolo ni Mubai, si Xi Gang, ay isang dating prominenteng pigura sa politika sa Hwa Xia.

Kahit na nagretiro ito, nanatili ang malahari nitong awtoridad. Wala ni isa ang nangahas na suwayin ito sa Xi Family.

At ito ay dahil sa kanya kaya naman ang Xi Family ay nananatiling isang higanteng pwersa sa panahon ngayon.

Kung pumayag si Xi Gang na pansamantalang payagan si Lin Lin sa kustodiya ni Xinghe, walang ibang magagawa ang iba pa kung hindi ang sumang-ayon.

Syempre, hindi naman makikinig si Xi Gang sa kanyang hiling. Mayroon lamang isang tao sa buong Xi Family na pakikinggan nito.

At iyon ay ang asawa nito, ang lola ni Mubai.

Walang masyadong alam si Xinghe tungkol sa hererkiya ng Xi Family pero iisa lamang ang nasisigurado niya.

Mayroong iisang tao lamang na maaaring makakahimok na pumayag at hindi pumayag sa lolo ni Mubai, at ang taong iyon ay ang una nitong asawa.

Tinatawag itong unang asawa niya dahil diborsyado na sila maraming taon na ang nakakaraan. Gayunpaman, nananatili silang magkasama sa iisang bubong. Ang totoo, tinatrato pa din ito at minamahal ni Xi Gang na parang ito pa rin ang asawa nito.

Pero bakit sila nagdiborsyo sa simula, walang alam si Xinghe, pero hindi na niya intensiyon pang alamin ito.

Ang kailangan lamang niya ay makumbinsi ito.

Sa wakas ay narating na nila ang old family mansion ng Xi Family.

Matatagpuan ito sa tanyag na Prosperity Hill ng City T.

Tulad ng ipinapahiwatig ng pangalan nito, ang Prosperity Hill ay tahanan ng mga mayayaman at sikat.

Ang pinakamayaman sa kanilang lahat ay natural na ang mga Xi. Ang pinakamalaking mansyon doon ay ang old family mansion ng Xi Family.

Minsan pa lamang napunta si Xinghe dito noon at naaalala pa niya kung paano siya humanga noong nandito siya noon.

Subalit, sa kanyang ikalawang pagbisita, wala na siyang naramdaman. Ang lugar na ito ay tulad na lamang ng iba pang normal na lugar para sa kanya.

Iginiya siya ni Mubai sa isang malawak at marangyang salas. Isang katulong ang lumapit at binati sila ng may paggalang, "Narito po ba si Young Master para makita ang Old Master? Nagsasanay siya ng kanyang calligraphy kasama ang Little Young Master sa study."

"Gaano na ito katagal?" Tanong ni Mubai.

"Kalahating oras."

Gumugugol si Xi Gang ng isang oras kada araw para mag-ensayo ng kanyang calligraphy. Wala ni isa ang dapat umistorbo sa kanya sa oras na ito.

Sa madaling salita, silang dalawa ni Xinghe ay dapat na maghintay pa ng kalahating oras.

"Kapag nagsasanay si lolo ng kanyang calligraphy, hindi niya gustong maiistorbo. Sana ay hindi mo masamain na maghintay ng kalahating oras," sabi ni Mubai kay Xinghe.