webnovel

Pwersahin ang Kamay ng Lin Family

Éditeur: LiberReverieGroup

Pinagalitan siya ni Elder Lin dahil sa kanyang katangahan. "Ang lahat ng taon na pakikisalamuha sa mundo ng pulitika ay nasayang talaga sa iyo; mas tanga ka pa kaysa kay Little Xuan. Bakit sa tingin mo ay inilayo niya si Little Yan?"

Agad na naunawaan ito ni Lin King. "Ipinapadala natin si Little Yan?"

"Siya ang pinakaperpektong kandidato," buong kumpiyansa na sabi ni Elder Lin. "Hindi natin maaaring hayaan na matukoy ito pabalik sa atin, kaya naman kailangan nating hiramin ang kamay ng iba para gawin ito, hanggang ang taong ito ay hindi mula sa Lin family."

Nagsimula nang mag-alala si Lin Kang. "Hindi ba't makakasama ito kay Little Yan? Kung ang bagay na ito ay mabubunyag…"

Tumawa si Elder Lin. "HIndi mo ba ikinunsidera ang katauhan ni Little Yan? Sino ang mangangahas na may gawin laban sa kanya? Sa bandang huli, isa lamang itong patay na babae, maraming paraan para pagtakpan iyon."

Tama, kung may mangyayari man kay Tong Yan, ang Shen family at Tong family ay siguradong makikialam. Isama pa ang mabubuting salita mula sa Lin family, ang presidente ay siguradong patatawarin ito. Kaya naman, walang mangyayari kay Tong Yan, kaya siya ang pinakaperpektong kandidato para gawin ang maruming gawain ng Lin family.

Sa wakas ay naintindihan na ito ni Lin Kang, at sumali na ito sa pagtawa. "Ama, sa tingin ko ay ito ang ibig sabihin nila na sanayin ang hukbo ng isang libong araw para gamitin ito ng isang oras."

Mas malakas ang naging halakhak ni Elder Lin. "Tama, nagsabog tayo ng tamang bihin napakaraming taon na, sa wakas ay oras na para anihin natin ang ating pabuya!"

"Ibinunyag mo na ang impormasyon tungkol sa disenyo ngayon, hindi ka ba natatakot na may gawin laban sa iyo ang Lin family?" Nag-aalalang tanong ni Lu Qi kay Xinghe matapos nilang mapaalis na ang lahat. Hindi na maikakaila, naikunsidera na ito ni Xinghe.

Sumagot ito, "Ito na ang tamang oras na pwersahin ang kamay ng Lin family at gumawa sila ng pagkakamali."

"Pero masyado pa din itong mapanganib. Hindi ka lubos na nakahanda, at ito ang City A. Kapag nagsagawa sila ng pag-atake sa iyo, sa tingin ko ay hindi mo maipagtatanggol ang iyong sarili."

Bahagyang itinaas ni Xinghe ang kanyang mga mata. "Sino ang nagsabing hindi ako handa?"

"May ginawa ka nang paghahanda?" Nasisiyahang nasorpresa si Lu Qi.

Tumango si Xinghe. "Gayunpaman, sumasang-ayon ako na napakalaki nga ng panganib na ito. Gayunpaman, tanging sa pagbubunyag ng ating pananaliksik ay magagawa natin silang pilitin na kumilos, kung hindi ay nagawa na natin ang ating disenyo at napagaling ang presidente, at wala namang nangyari. Hinihintay na ito ng Lin family ng maraming taon, hindi na nila alintana na maghintay pa ng kaunti. Gayunpaman, matapos ang ilang taon, ang lahat ay magiging huli na! Isa pa, ang pasensiya ko ay hindi magagawang maghintay ng ganoon katagal."

"Maaaring tama ka, pero nag-aalala pa din ako para sa iyo. Mabuti kung magiging matagumpay nga ito, pero kung hindi, ipapakita lamang nito ang ating kahinaan sa kanila…"

Umiling si Xinghe at kakikitaan ng determinasyon ang kaniyang mga mata. "Isa itong hakbang na kailangan kong gawin, ginawa ko na ang lahat ng magagawa ko, kaya iiwanan ko na ang iba pa sa kapalaran. Gayunpaman, mariin akong naniniwala na ang Lin family ay hindi makakatakas na kanilang pagbabayaran ang kanilang mga kasalanan sa pagkakataong ito! Karma is a nasty b*tch!"

Isa pa, kung ang plano na ito ay matagumpay, ang katapusan ng mga ito ay hindi na nalalayo pa.

Para bigyan ng pagkakataon ang Lin family na makalapit sa kanya, humiling si XInghe ng ilang araw ng pahinga mula sa bahay ng presidente. Ang dahilan na ibinigay niya ay dahil sa gusto niyang bisitahin si Mubai. Dahil sa naging matagal na siyang napalayo sa bahay at nag-aalala na siya para dito.

Naiintindihan ni Madam President kung ano ang nararamdaman niya kaya naman pumayag ito sa bakasyon at inutusan ang mga guwardiya samahan siya patungo sa airport.

Tinanggap ni Xinghe ang kabutihan nito at hindi nagtagal ay umalis ang kotse sa bahay ng presidente.

Sa loob ng kotse, agad na tumawag si Xinghe kina Ali at sa iba pa. "Naglalakbay na ako, hintayin ninyo ako sa dati nating lugar."

Si Ali, na nauna nang itinalaga ni Xinghe sa City A, ay sumagot, "Okay, hihintayin ka na lamang namin dito."

Mula nang dumating siya sa City A, umisip na siya ng maraming paraan kung paano pakikitunguhan ang Lin family, pero kahit ano pa ang isipin niya, kakailanganin niya ng mga makakatulong.