webnovel

Pumalpak mula sa Simula

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang maiitim na mata ng matanda ay matalim at malamig, ang mga labi nito ay kumurba para sa isang misteryosong ngiti. Gayunpaman, ang tinig na lumabas mula sa kanya ay bata pa. "Huwag kang gagalaw, kung hindi ay papuputukan kita."

Sa sandaling iyon, alam na ni Ah Bin na nabitag siya!

Naghahanap siya ng paraan para makalaban nang tatlo pang lalaki ang nagmamadaling pumasok sa silid na may nakatutok na baril sa kanya!

Nang makita ni Ah Bin ang mga mukha nila, nanlumo ang puso niya dahil nakita na niya ang mga ito, sa restawran na katabi ng ampunan. Sila ang mga manggagawa na nakasuit at ang lalaking nakikipagtalo sa kanyang kasintahan. Ang lahat sa mga ito ay nagbalat-kayo…

Sa simula pa lamang ay nabuking na siya!

"Sino ba kayo?!" Tanong ni Ah Bin ng may galit at pagkabigla.

"Iniimbestigahan mo ako, pero wala kang alam kung sino kami?"

Isang tinig ng babae ang nagmula sa pinto na sumagot sa kanya.

Naglakad papasok sa silid sina Xinghe at Mubai, at sa likuran nila ay sina Ali at ilan pang mga tao. Nang makita sila ni Ah Bin, nagtaka siya. "Paano ninyo nalaman na iniimbestigahan kita?"

Itinago niya ng maigi ang kanyang mga baka, ang araw na iyon ang unang araw na sinundan niya ito kaya paano siya agad na nabuking? Hindi niya mapaniwalaan ang realidad na nabunyag siya kaagad. Isa pa, nang bumalik siya, wala siyang nakitang kotse na sumusunod sa kanya, kaya paano naman nila siya nahanap dito?

Ang lahat ng ito ay hindi kapani-paniwala!

Malamig na ngumiti si Xinghe. "Dahil hinihintay kita."

"Ano ang ibig mong sabihin diyan?" Natigilan si Ah Bin.

Sa pagkakataong ito ay si Mubai ang sumagot sa kanya. Ang tinig nito ay makikitaan ng presensiya at kaarogantehan ng isang hari, "Ang ibig sabihin ay simple. Mula sa simula, isa itong patibong na naghihintay para sa inyo."

"At hindi ninyo kami binigo. Ipinadala ka nila para mag-imbestiga sa akin," dagdag ni Xinghe.

Sa wakas ay naunawaan na ni Ah Bin. Sinadya nila na akitin ang He Lan family para mag-imbestiga sa kanila. Gayunpaman, hindi pa din niya makuha ang isang bagay, paano siya nadiskubre ng mga ito at nagawang sundan siya sa kanyang pinagtataguan?

"Sino ang nagsabi sa iyo ng tungkol sa aking misyon?" Tanong ni Ah Bin ng may malalim na kunot-noo.

Mabagal na nagpaliwanag si Xinghe, "Wala, pero napansin na kita sa aming surveillance, kaya naman naglagay kami ng tracker sa ilalim ng iyong kotse."

"Ano?" Panibagong pampagulat na naman ito kay Ah Bin. Kahit ang mga mag-aaral na iyon ay parte ng patibong…

Sa ganitong dahilan, pakiramdam ni Ah Bin na gusto niyang tumawa. Inisip niya na mahusay na siya, na tahimik na niyang nasusukol ang kanyang sisiluin, pero siya pala ang masisilo!

Ito na yata ang pinakamalaking kabiguan ng isang misyon na nagawa niya sa kanyang buhay, at natalo na siya sa simula pa lamang! Isang pagkatalo na hindi na maisasalba pa.

Nahihirapang tanggapin ni Ah Bin ang katotohanan at ang hindi pagkapaniwala ay makikita sa mukha nito…

Gayunpaman, hindi niya maiwawaksi ang katotohanan dahil itinali siya ng mga ito.

"Halughugin ang kanyang katawan at bawal sulok ng silid. Gusto kong makita kung gaano karami ang makukuha nating ebidensiya ng kriminalidad ng He Lan family ang makikita natin," utos ni Xinghe at ang grupo ng mga lalaki ay nagsimula nang kumilos.

Nagsimula nang kabahan si Ah Bin. May ilang piraso ng impormasyon ng He Lan family sa kanya, katapusan na kapag nadiskubre ang mga ito!

Gayunpaman, wala na siyang magawa habang nakikita niyang kinukuha na ang kanyang telepono. Gusto niyang manlaban pero ang ilang baril ay nakatutok sa kanya; hindi na siya nangahas na kumilos ng agad-agad. Ang kanyang maleta at computer ay nakalabas na.