webnovel

Patayin mo Siya at Ililigtas Kita

Éditeur: LiberReverieGroup

"Hindi mo talaga pinagplanuhang ipapatay ako?!" Idiniin ni He Bin ang baril sa sintido ni He Lan Chang at umangil, "He Lan Chang, sa tingin mo talaga ay isa akong tanga? Kahti sa oras na ito, nagsisinungaling ka pa din ng hindi kumukurap at umaasa na maniniwala ako sa mga kalokohan mo?!"

Ang makapal na mukhang si He Lan Chang ay nagpatuloy, "Pero hindi talaga kita gustong patayin, isa lamang itong paraan ng pagsasalita, isang eksaherasyon. Ikaw ay anak ko, kadugo't laman, kaya paano ko maiuutos na patayin ka. Anak, ibaba mo ang baril mo, dapat ay nagtutulungan tayo na harapin ang babaeng ito at hindi tayo ang naglalaban! Magkadugo tayo kahit ano pa ang sabihin nila."

"So, ganito pala tinatrato ni Old Master He Lan ang sarili niyang kadugo, napakalupit," nakangising komento ni Xinghe.

Biglang sumigaw ng galit si He Lan Chang, "P*ta ka, tumigil ka na sa ginagawa mong pag-awayin kami! Usapin ito sa pagitan naming mag-ama, sino ka ba para makialam sa amin? Kung hindi dahil sa iyo, paano ko magagawang pagdudahan ang mahal kong anak? Lahat ng ito ay plano mo; sinusubukan mo lamang na paglabanin kaming dalawa…"

Sa sandaling ito, tila nakakuha ng pag-asa si He Lan Chang, humarap siya para sabik na sabihan si He Bin, "Anak, tama iyon. Plano niya na pag-awayin tayo! Hindi ka dapat maniwala dito. Ako ang bayolohikal mong ama! Pagkatapos mo akong patayin, magiging isa kang ulila! Anak, huwag kang gumawa ng isang bagay na pagsisisihan mo sa buong buhay mo, okay?"

Nagawa pang maluha ni He Lan Chang sa pagtatapos ng kanyang talumpati. Kahit si Xinghe ay napahanga ng pag-arte nito. Inakala talaga niya na ang isang taong malupit na katulad ni He Lan Chang ay magkakaroon ng matapang na pagharap sa buhay; hindi niya inaasahan na takot itong mamatay.

Pero muli, maraming mawawala sa kanya kapag siya ay namatay. Isa pa, ngayong alam na niya ang pananaliksik tungkol sa memory cell at DNA modification ay matagumpay, ang hangad niyang mabuhay ay mas lalong lumakas. Alas, kailangan niyang mamatay, dahil kapag hinayaan nila itong mabuhay, makukulong ito at mawawala ang lahat ng kapangyarihan niya pati na ang impluwensiya nito!

Ang mga saloobin ni He Bin ay magulo habang nakikita sa ganitong ayos si He Lan Chang. Ang kanyang mga mata ay sandaling nanginig pero walang makakapagsabi kung ano talaga ang naiisip niya.

"Hindi mo ba talaga plano na patayin ako?" Maingat na tanong nito kay He Lan Chang.

Nakakita ng pag-asa na makaligtas si He Lan Chang at ipinagpatuloy ang kanyang katwiran. "Siyempre, wala sa puso ko na ipapatay ka! Anak kita, kaya siyempre ay hindi ako magpapalabas ng ganoong utos."

"Pero, sinabi ni He Lan Qi na ginawa mo!" Malamig na ngumiti si He Bin. "Siya mismo ang may kagagawan kung bakit nagkaganito ako, naging lumpo ako dahil sa kanya. Isa pa, sigurado ako na gusto niyang mamatay ako!"

Nanginig ang mata ni He Lan Chang at nagbigay siya ng taimtim na pangako. "Sisiguraduhin kong hindi ka na niya pagbubuhatan ng kamay kahit kailan. He Bin, maraming bagay kaming nagawang mali sa iyo, pero ipinapangako kong babawi kami sa iyo sa hinaharap. Anak, hindi mo ba mapagkakatiwalaan minsan pa ang iyong ama?"

"Okay," pangako ni He Bin.

Nagulat si He Lan Chang pero agad itong nasundan ng galak. "Sa wakas ay pinili mong maniwala sa akin? Mabuti, nagagalak ako…"

"Pero kailangan kong patayin si He Lan Qi!" Putol sa kanya ni He Bin. Sa oras na ito ay wala nang oras pa para magreak si He Lan Chang.

Tumitig sa kanya si He Bin at ang mga salitang ito ay lumabas sa bibig ni He Lan Qi, "Ang tanging paraan para mawala ang galit sa puso ko ay ang patayin si He Lan Qi. Tanging sa pagpatay laman dito ay saka ko masisigurado ang kaligtasan ko. Isa pa, ito lamang ang tanging paraan na naniniwala akong hindi ka nagsisinungaling sa akin. Pumayag ka at sabihing oo at pakakawalan kita."

Nanlamig ang mga mata ni He Lan Chang at ang panga nito ay hindi sinasadyang nanginig, pero hindi malaman kung ito ba ay dahil sa pagkabigla o sa galit.

Pinagalitan niya si He Bin ng may galit at sakit, "Si He Lan Qi ay kapatid mo, paano mo nagawang mawalan ng awa sa kanya? He Bin, paano mo naisip na gumawa ng nakakasuklam na bagay gaya ng pagpatay sa sarili mong kapatid?"