"So, talagang may kaugnayan siya kay Major Xi? Ano'ng klase ng relasyon mayroon sila?"
Ang interes ng mga nasa silid ay napukaw.
Tumawa si Shu Mei at nagbato ng tanong sa mga nasa silid, "Alam ng lahat ang relasyon ni Major Xi at ng Xi Empire, tama?"
"Siyempre, nagmula sila sa parehong pamilya. Ang CEO, si Xi Mubai, ay ang pinsan ni Major Xi."
"Ang Xia Xinghe na ito ay dating asawa ni Xi Mubai, pero diborsyado na sila ngayon."
Nang sinabi ni Shu Mei ang huling parte ng kanyang pangungusap, kumurba ang labi nito na nang-uuyam.
Ang b*tch na katulad ng Xia Xinghe na ito ay nararapat lamang na idiborsyo.
Ang mga taong nakaranig ng balita ay nabigla. "So, may ganitong relasyon pala siya sa Xi family. Alam ko na si Major Xi ay may batang pinsan, kaya siguro ito ang anak niya."
"Siguro nga, hindi na nakakataka na maayos ang pakitungo sa kanya ni Major Xi."
"Sinasabi ko na nga ba na nakapasok siya dito dahil sa mga koneksyon niya. Wala siyang karapatan para mamuno sa atin," may panlalait na sabi ng isa.
"Well, mayroon nga siyang malakas na backer. Ang Xi family ay parang isang minahan ng ginto, makuha mo ang kanilang loob at magiging mayaman ka."
"Masasabi ko na masyadong mabuti ang Xi family para pahintulutan itong mabuhay sa kanila kung ikukunsidera mo na diborsyada na siya."
"Tama ka," punto ni Shu Mei. "Alas, ito ang militar na pinag-uusapan natin, hindi ibang lugar na kung saan mabubuhay ka gamit ang mga koneksiyon lamang. Tingnan natin at hindi magtatagal, ang parusa sa kanya ay dadating din."
Lahat ay tumango bilang pagsang-ayon, dahil hindi nila matatapos ang utos sa kanila na ibinigay ni Xinghe. Kung wala silang resulta na maipapakita sa pagtatapos ng araw, ang parusa ay mapupunta ng lubusan kay Xinghe.
Siyempre, ang ilan sa kanila ay hindi ito gagawin ng sadya, pero ang katotohanan ng bagay na ito ay hindi nila ito matatapos.
Ang totoo, lamang sila kung ibibigay nila ang lahat dahil kapag bumagsak na ang mga bagay, si Xinghe ang masisisi dahil sa kanyang mga iresponsableng utos.
…
Tumatangong nasisiyahan si Gu Li sa napabuting paggawa ng lahat.
Naglakad siya papasok sa main control room at nagtanong kay Xinghe, "Sa tingin mo ay matatapos nila sa oras ang mga gawain nila?"
Para sabihin ang toto, kahit siya ay nagdududa din. Dahil siya ang pinuno ng grupo ng mga taong ito, alam niya kung ano ang mga limitasyon nila. Ang utos ni Xinghe ay may kaunting kahirapan.
Si Xinghe na nakatayo sa harap ng higanteng super computer ay ipinilig ang kanyang ulo at sinabi, "Wala akong ideya."
Bahagyang nagulantang si Gu Li. "Wala ka ding ideya?"
"Pinipilit ko lamang sila."
Hindi alam ni Gu Li kung tatawa siya o iiyak. "Kung gayon, posible ba na ang utos ay masyadong mapusok?"
"Ito lamang ang tanging paraan para manalo laban sa kalaban natin. Walang magiging pagsulong kung hindi natin pipilitin ang mga tao na magtrabaho ng mas maigi."
"Alam ko," tumango si Gu Li. "Pero, natatakot ako na baka tumigil sila o lumaban sa sobrang pressure."
"Hindi nila gagawin iyon," may tiwalang sagot ni Xinghe, "May plano ako para mapasunod silang lahat."
Isang kislap ang makikita sa mga mata ni Gu Li. "Miss Xia, ano ang plano?"
Ngumiti si Xinghe at sinabi, "Makikita mo na lamang."
Ang sagot niya ay pinataas lamang ang kanyang interes, pero kahit gaano pa katagal na pag-isipan ito ni Gu Li, hindi siya makaisip ng plano na mapapahinuhod ang buong grupo ng mga taong ito ng sabay-sabay.
Inisip din niya kung magagawa ng kanyang pangkat ang utos nito.
...
Matapos ang dalawang magkasunod na araw ng walang tigil na pagpapaalila, ang deadline ni Xinghe ay dumating na sa wakas!
Nang tumunog ang orasan para ihudyat ang ikalabindalawa, mayroon agad na nagreklamo dahil sa pagkayamot.
"Ah, hindi ko na ito matatagalan pa! Kabaliwan ito, hindi natin posible na matapos lahat ng ito!"
"Tama iyon, ang mga mata ko ay luluwa na at wala pa ako sa bandang huli."
"May nakatapos ba sa inyo sa gawain ninyo?"
Ang grupo na nakatapos ay kakaunti lamang, at halos 80 porsiyento ang hindi natapos ang trabaho.