webnovel

Para Wasakin ang Buong Mundo

Éditeur: LiberReverieGroup

Pareho din ito para kay Xinghe. Hindi niya ibinababa ang dipensa niya. Walang lugar para makipagkasundo kung ang buhay niya ang nakataya.

Matapos ang isa pang war cry, kinagat ni Xinghe ng madiin ang tainga ng aso. Agad na napuno ng lasa ng dugo ang kanyang bibig.

Napaungol sa sakit ang aso at naramdaman ni Xinghe na lumuluwag ang kagat nito. Mabilis itong tumakbo pabalik at galit na tumitig sa kanya.

Kaagad na kinuha ni Xinghe ang pagkakataon na tumayo, umaasa na matakot ang kalaban dahil sa mas malaki siya. Pero, napasimangot siya sa sakit na naramdaman ng buo niyang katawan at napaupo siyang muli sa sahig.

Nakita ng aso ang panandaliang pagkakataon ng kahinaan at sumugod kay Xinghe, na nakatuon sa kanyang leeg.

Sa oras na iyon, isang tunog ng baril ang pumailanlang mula sa labas ng pintuan at sa sumunod na segundo, pinasok ng sinag ng araw ang silid mula sa bukas na pintuan!

Ang mabilis na pangyayaring ito ay hindi lamang nagpagulat kay Xinghe ngunit napatigil din nito panandalian ang pagkilos ng aso.

Nakakita ng anino si Xinghe na mabilis na pumasok sa silid at bago pa niya namalayan kung ano ang nangyayari, ang malaking pigura nito ay nakatayo na sa harap niya, isinasanggalang siya mula sa kapahamakan.

Halos sa parehong oras, isang maliit na pulutong na nakasuot ng army fatigues, lubos na mga armado, ay nagsipasukan sa pagawaang walang laman.

Ang kanilang koordinasyon ay masyadong epektibo at mabilis kaya sa halos isang kurap, isang safety perimeter ang nabuo sa paligid ni Xinghe.

Ang lalaking nakatayo sa harap ni Xinghe ay humarap na sa kanya sa wakas para ipakita ang pamilyar nitong mukha.

Habang tinitingnan ang malungkot na eksena, makikita ang lambing sa mga mata niya na hindi mapigilan. Gayunpaman, sa sumunod na segundo, ang mga mata nito ay naging galit at isang malalim na itim na butas, handang lamunin ang buong mundo.

Bago pa magrehistro kay Xinghe ang mga emosyon sa mata nito, sinadyang lumapit ni Mubai sa aso.

Kahit na gutom ang aso para maging marahas ito, ang pakiramdam nito ay nakaramdam ng ibayong panganib sa mas malaking mandaragit. Umungol ito sa takot bago tumalikod para tumakbo.

Tumakbo si Mubai para sunggaban ang dalawang likurang paa nito.

Bayolenteng kumahol ang aso at lumingon para kagatin ang mga kamay nito pero bago pa maabot ng matutulis nitong ngipin ang laman ni Mubai, naramdaman nitong naiaangat ang katawan mula sa sahig. Inihagis ito sa pader ng malakas ni Mubai.

Mula sa kanyang posisyon, naririnig ni Xinghe ang mga buto nitong nababasag.

Ang nabugbog na aso ay sinubukang tumayo pa pero bigla itong binuhat ng katunggali pataas sa ulo nito. Sa ilalim ng ninenerbyos na tingin ni Xinghe, ginawa ni Mubai ay ipinile-drive ang aso na una ang ulo sa lupa!

Umalulong ang aso sa sakit. Nakita ni Xinghe na nangisay ito at narinig na nagpakawala pa ng ilang mahihinang ungol bago ito namatay.

Ito ang unang beses na nakita ni Xinghe ang walang-awang parte ni Mubai.

Dalawang galaw lamang ang kinailangan nitong gawin para mapatay ang isang malaki at mabangis na aso. Ni walang pagkakataon ang aso para lumaban.

Sa oras na iyon, nalaman ni Xinghe na marahil ay hindi talaga niya kilala si Mubai gaya ng kanyang inaakala.

Hindi siya kasing suwabe gaya ng hitsura nito. Sa kaloob-looban, maaaring isa itong walang pusong tao.

Imbes na matakot, si Xinghe, sa ibang dahilan, ay nagkaroon ng bagong pagpapahalaga sa lalaking ito. Hindi ka dapat maging masyadong mabait kung ayaw mong malamangan ka.

Sinalubong ni Xinghe ng titig ang lalaki na naglalakad patungo sa kanya habang nagpupumilit siyang tumayo. "Dalhin mo ang mga katawan kasama natin."

Nagawa niyang masabi ang iisang pangungusap bago nagdilim ang lahat. Ang huling naaalala niya ay ang katawan niyang sinusuportahan ng isang pares ng malalakas na bisig at ang boses ni Mubai na isinisigaw ang pangalan niya.

Tumakbo si Mubai ng makita niyang mabilis na kumukurap ang mga mata ni Xinghe, ang buong katawan niya ay nanginginig habang hawak niya ang katawan ni Xinghe sa kanyang mga bisig.

Nakahinga siya ng maluwag matapos na mabigyan ito ng pagsusuri at naianunsiyo na wala ito sa kritikal na kalagayan.