webnovel

PAGBABAYARAN MO ITO

Éditeur: LiberReverieGroup

Wala sana siyang gagawin na kahit ano kung mamamatay na lamang ng kusa sa isang sulok si Xinghe.

Sa madaling salita, kasalanan ni Xinghe kung bakit ginalit siya nito.

Lumalabas na ang kalupitan ni Wushuang at siya ay nagtanong, "Mom, paano ba natin dudurugin si Xinghe? Gusto ko siyang makita naa nakaluhod sa sahig at nagmamakaawa sa atin kung hindi ay hindi mapapanatag ang puso ko."

Ngumisi si Wu Rong, "Kailangang sirain natin ang kanyang dignidad!"

Para sa kanila, isang walang kwentang babae si Xinghe, kaya paano nila dudurugin ang dignidad nito?

Maliban na lamang kung ang dignidad nito bilang babae ang pinag-uusapan…

Ngumisi na si Wushuang, "Mom, naiintindihan ko na. Alam ko na kung ano ang gagawin."

Nagpalitan ng tingin ang mag-ina at parehong sumilay sa kanilang mga labi ang isang nakakahilakbot na ngiti.

Mayroong tama si Wushuang.

Imposible para kay Xinghe na muling makabalik sa ituktok ng madalian, at ang pagbabalik ng kayamanan at reputasyon ay nangangailangan ng panahon.

At hindi intensiyon ni Xinghe na gamitin ang sarili niyang lakas para muling bumalik sa itaas.

Hawak pa ni Wu Rong ang kanyang mana, at isang pagpapakatanga para sa kanya ang hindi bawiin ang lahat ng iniwanan ng kanyang ama na para sa kanya.

Pero bago niya harapin si Wu Rong, kailangan niya ng pera para baguhin ang sarili niya.

At natagpuan na ni Xinghe ang pinakamagandang paraan para kumita ng pera.

Kumikinang ang kanyang mga mata habang nakatitig sa screen ng kanyang laptop.

Chui Ming, manggagaling sa bulsa mo ang pera! Ito ang kabayaran mo sa pananakit sa pamilya ko!

Halos lahat ng impormasyon ni Chui Ming ay nasa kamay na ni Xinghe, kasama na dito pati ang kondisyon ng mga kumpanya nito.

At tila kinakasihan ng pagkakataon, nasa web business din ito.

Maraming negosyo na nasa ilalim ng Chui Family pero dahil sa makabagong panahon, nagpokus na din sila sa computer development.

Si Chui Ming ang CEO ng isang may kalakihang kumpanya na nagngangalang Chui Corps. Ngunit nahinto ang paglago at paglaki ng kumpanyang ito dahil sa kakulangan nito sa abilidad. Halos lahat ng proyekto niya ay naka-tie up sa Xi Empire, umaasa dito para mayroon silang market share.

Ang Xi Empire ang pinakamalaking kumpanya sa buong bansa, kaya hindi maiiwasan na maraming mas maliliit na kumpanya ang umasa sa kanila para sa kanilang proyekto.

Ang pinaka produkto ng kumpanya ni Chui Ming ay isang security software. Tinatawag itong King Kong Internet Security. Intensiyon niya itong gamitin para makakuha ng partnership sa Xi Empire.

Maraming inilabas na pera si Chui Ming para dito. Bumuo siya ng pinakamagagaling na grupo para gumawa nito.

Ang kumpetisyon sa merkado ay masyadong mahigpit. Palaging nagkakaroon ng eliminasyon sa mga kumpanya na hindi kayang sumunod sa pinakabagong teknolohiya.

Malaki ang merkado at lahat ng nasa parehong negosyo ay gustong makakuha ng kapiraso nito.

Ang pakikipagsosyo sa Xi Empire ay nangangahulugan ng walang humpay na pagpasok ng pera.

Sa medaling salita, kailangang makuha ni Chui Ming ang oportunidad na ito para sa partnership!

Ang software na ginawa ng grupo niya ay matagumpay. Naipakilala na ang King Kong Internet Security sa merkado ng ilang taon na at naging positibo naman ang pagtanggap dito.

Maraming user ang mas pinipili ang software na ito.

Kung ikukumpara ito sa sales at reviews, masasabing nangunguna ito sa iba pang kakumpetensiyang kumpanya.

Masaya sa resulta si Chui Ming, sigurado na siya na sa kanya mapupunta ang partnership. Hinihintay na lamang niya na dumating ang kontrata sa kanya.

Kapag naisama na ng operating system ng Xi Empire ang kanyang software, bawat isa sa mga system user ay automatic na gagamit na din ng security software nya…

Ibig sabihin nito ay malaking pera ang kikitain ng kanyang kumpanya. Nakangiti si Chui Ming kahit sa kanyang panaginip. Ang kanyang kasiyahan ay nag-uumapaw kaya kahit asawa niya ay pinagbibigyan niya. Binilhan niya ito ng maraming alahas at pumayag na tulungang gumanti kay Xia Xinghe.

Nangako siya na tutulungan niya itong kumpletohin ang plano na sirain si Xinghe pagkatapos mapirmahan ang partnership.

May mga koneksyon sa pulis si Chui Ming at sa triad. Bale wala lang sa kanya na mag-utos na sirain ang isang babae.

Ipinaalala pa sa kanya ng asawa na siguraduhing magkakaroon ng magandang karanasan si Xinghe bago nila ito patayin.

Ginugugol ni Wushuan g ang kanyang mga araw sa kaligayahan dahil alam niyang bilang na ang araw ni Xia Xinghe. Binigyan siya nito ng sigasig na pagsilbihan ng husto si Chui Ming.

At dahil dito lalo namang gumanda ang mood ni Chui Ming pero daglian din itong napawi dahil nadiskubre niya na nagkaroon ng aberya ang kanyang security software!