webnovel

Paano Siya Babagsak Bago ang mga Kalaban Niya

Éditeur: LiberReverieGroup

"Alam kong hindi ikaw iyon," direktang sabi ni Xinghe. Ikinagulat ito ni Saohuang, hindi niya inaasahan na maniniwala ito agad sa kanya.

Pilyo itong ngumiti. "Bakit ka nakakasiguro?"

"Ito ay dahil nakita ng sarili kong mga mata ang salarin."

"Sino ba iyon?"

"Lin Xuan."

Dumilim ang mga mata ni Saohuang. So, siya pala iyon!

Tumawa siya. "Kakaiba talaga ang Lin family; ang bawat isa sa kanila ay ipinanganak na walang puso."

Ang ginawa nito ay talagang walang puso!

"Paano mo nalaman na siya ang may gawa?" Bahagyang humilig paabante si Saohuang para itanong.

Mariing sumagot si Xinghe, "Sinasabi ng kutob ko; maaaring wala pa akong pruweba, pero alam kong siya iyon."

"Pinahanga mo na naman ako." Hindi matipid sa papuri si Saohuang. "Gustung-gusto ko ang pagiging diretsa at prangka mo. Xia Xinghe, bakit ba hindi kita agad nahanap noon?"

Wala nang mawawala pa kay Saohuang at maaaring hindi din niya maiwasan ang hatol ng kamatayan, kaya nawala na siya ng pagpipigil. Isa pa, talagang hinahangaan niya si Xinghe. Kung nagkatagpo sila sa mas mabuting pangyayari, marahil ay niligawan na niya ito.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Xinghe sa kanya. "Alam mo ba kung sino ang pinuno ng IV Syndicate?"

"Walang ideya, dahil kung alam ko, ay nasabi ko na sa kung sino para maipalit sa mas mababaw na parusa."

"Ano ang hitsura niya…"

"Walang ideya, wala akong impormasyon sa kanya dahil ang lahat ng pagtutulungan namin ay ginagawa ng may tagapamagitan."

Kinakitaan ng kabiguan ang mga mata ni Xinghe, panibagong clue ang nawala. Wala na talaga siyang iba pang paraan para maintindihan ang tungkol sa Project Galaxy na ito?

"Nandito ka ba para tanungin ako tungkol dito?" Biglang tanong ni Saohuang.

"Oo."

"Pero bakit?"

"Ang makaalam ng higit pa sa dapat ay hindi maganda para sa iyo."

Ngumiti si Saohuang at gumamit ng bagong taktika. "Kumusta si Xi Mubai, patay na ba siya?"

"Buhay ka pa kaya naman paano siya mamamatay?" Mahinang sambit ni Xinghe bago siya tumalikod para umalis. Naramdaman ni Saohuang ang galit na nakadirekta sa kanya. Nagbiro lang naman ako ng tungkol sa kamatayan ni Mubai ay nagalit na siya ng husto…

Sa ibang kadahilanan, nakaramdam ng inggit si Saohuang kay Mubai.

Kahit na ang lahat ng mga lead ay nawala na, hindi pa din sumuko si Xinghe. Personal niyang tinawagan si Philip para hanapin ang pinuno ng IV Syndicate. Hiniling niya dito na tawagan siya kapag may nahanap silang panibagong mga lead.

Nangako si Philip, "Ipagpapatuloy namin ang paghahanap sa kanya. Hindi ko siya papatakasin kahit na hindi mo pa hilingin. Pero bakit mo gustong mahanap siya?"

"May ilang katanungan akong itatanong sa kanya, makikita mo."

"Xinghe, kumusta ka naman?" Biglang tanong ni Philip ng may pag-aalala. Matapos ang pagsabog, tila ba inaalo siya ng buong mundo. Gayunpaman, hindi ito kailangan ni Xinghe; hindi siya kasingrupok tulad ng iniisip nila. Isa pa, hindi niya hahayaang maging mahina ang kanyang sarili, lalo na sa mga panahong ganito. Mas mahirap na pagsubok, mas magiging malakas siya.

"Ayos lamang ako."

"Mabuti kung ganoon. Maiba ako, may ipapadala ako sa iyong regalo, hindi magtatagal ay matatanggap mo na ito."

Ano'ng klase ng regalo? Hindi sinabi ni Philip at hindi nagtanong si Xinghe. Ang totoo, nakalimutan na niya ang tungkol dito agad-agad dahil may isang bagay ang nangangailangan ng kanyang atensiyon.

Matapos ang aksidente ni Mubai, kahit na tumutulong sa kumpanya si Jiangsan ay naaapektuhan pa din ang stock ng Xi Empire. Salamat na lamang, ang epekto ay kaya pang magawan ng paraan.

Gayunpaman, nitong mga nakaraan, isang malaking kumpanya sa City A ay nagsimulang bumili ng malalaking halaga ng stock ng Xi Empire. Maraming shareholder ay natatakot na malugi ang Xi Empire kung wala si Mubai, kaya naman masigasig silang ibenta ang kanilang mga share!