webnovel

Napakaimportante ni Xinghe

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang Shen family at Tong family ay nagpakumbaba na, kaya naman ang kahit na normal na tao ay susukatin ang sitwasyon at tatapusin na ito. Gayunpaman, si Elder Xi ay ang hindi isang pangkaraniwang tao.

Nanatili itong hindi natitinag at sinabi, "Bakit ninyo sinasabi ito sa akin ngayon? Sa isyung ito, ang mga salita ng aking grand daughter-in-law ay ang importante, kung paano natin reresolbahan ang isyu na ito ay nakadepende sa kanya. Kung tumanggi siyang tanggapin ang paghingi ninyo ng tawad, susuportahan ng aming Xi family ang desisyon niya hanggang sa huli."

Nalukot ang mga mukha nina Elder Tong at Elder Shen. Kailan pa naging walang hiya ang matandang hukluban na ito sa pagdepensa ng mga tao niya? Hindi naman siya ganito noong bata pa ito. Dati ay pinahahalagahan niya ang kita ng Xi family ng higit pa sa lahat. Hindi niya ito gagawin para sa kahit na kanino, lalo na sa isang tao na hindi na parte pa ng Xi family! Isa pa, nailigtas naman si Xinghe sa bandang huli, hindi ba? Kaya bakit pa niya ito ginagawa?

"Elder Xi, ikaw ang tagapagsalita para sa Xi family kaya paanong hindi ikaw ang gagawa ng huling desisyon sa isyu na ito?" Tanong ni Shen Ru ng may pilit na ngiti.

Malamig na napatikhi si Elder Xi at sinabi, "Dahil hindi pa pumapayag si Xinghe na pumasok sa pintuan ng aming Xi family, siyempre hindi ako maaaring magpasya para sa kanya. Ang aming Xi family ay kailangan pang ligawan siya, dahil paano kung bigla siyang magdesisyon na huwag na magpakasal pa muli sa Xi family sa hinaharap?"

Nagulantang nito ang dalawang matanda. Kailan pa nanligaw ang Xi family dahil lamang sa isang babae?

Hindi sila tanga, ngayon ay nakikita na nila ang bigat ni Xinghe sa pamilya ng Xi. Inisip nila na ang Xi family ay hindi na ito papansinin dahil diborsyado na siya kay Mubai, pero ngayon ay nakikita nila na umaasa pa din ang Xi family na maikasal itong muli sa Xi family. Na umaasa ng sobra na handa silang isuko ang pagdedesisyon ng kasong ito sa kanya.

Anong klase ng kakayahan ba meron ang Xia Xinghe na ito para pahalagahan siya ng husto ng Xi family?

Marami sa kanila ay minamaliit si Xinghe, pero ngayon, nagbago ang tingin nila dito. Ang taong inakala nila na hindi importante ay ang pinakaimportante pala sa simula pa lamang. Ang kanilang plano ay mali na sa simula pa lang.

Nasorpresa din si Tong Yan sa kahalagahan ni Xia Xinghe. Kung alam lamang niya ng mas maaga… hindi na sana siya nagpadalos-dalos sa pagkilos. Gayunpaman, hindi pinagsisisihan ni Tong Yan ang kanyang ginawa, nagsisisi lang siya na hindi niya ito plinano ng maigi.

"Miss Xia, tama si Elder Xi; ikaw ang biktima dito, kaya naman nasa iyong mga kamay kung gusto mo nang kalimutan natin ito. Sabihin ninyo sa amin, ano'ng klase ng kabayaran ang gusto mo para mapatawad si Little Yan? Huwag kang mag-alala, gagawin namin ang lahat para matupad ang iyong kahilingan, kahit na ano pa ito," sinabi ni Elder Shen sa isang mabait pero makapangyarihang tono.

Normal lamang na humingi ng respeto mula sa iba ang nakakahanga niyang presensiya at halos lahat ay yuyuko sa kapangyarihan nito. Gayunpaman, hindi nito natinag si Xinghe.

"So, sa pagkakataong ito, ay handa ka nang magbigay ng sinserong paumanhin?" Magaang na tanong ni Xinghe, ang tono niya ay walang bahid ng emosyon.

Kumislap ang mga mata ni Elder Shen. Talagang kakaiba ang babaeng ito.

Sumagot ito ng may ngiti, "Sigurado, ang paghingi ng paumanhin sa oras na ito ay siguradong puno ng sinseridad."

Bumaling si Xinghe kay Tong Yan at nagtanong, "Katulad ba ito kay Miss Tong?"

Pigil ang kanyang galit, tumango ito. "Tama iyon! Talagang sinsero ako sa oras na ito!"

Hindi na kailangan pang sabihin, hindi naman talaga siya sinsero at natural lamang kay Xinghe na makita ang pailalim na pag-ayaw ni Tong Yan. Gayunpaman, wala siyang pakialam sa paghingi ng tawad ni Tong Yan, ang gusto niya ay ibang bagay.

Bahagyang tumango si Xinghe. "Okay kung ganoon, dahil handang ipakita ni Miss Tong ang kanyang sinseridad, ang tanging hiling ko ay sagutin niya ang isang tanong."

"Ano'ng tanong? Itanong mo na." Masunuring nakipagtulungan si Tong Yan sa ngayon.

Tinitigan siya ni Xinghe at kalmado ngunit maliwanag na nagtanong, "Ano ang dahilan para puntiryahin mo ang buhay ko? Gusto kong marinig ang katotohanan."