webnovel

Nalantad

Éditeur: LiberReverieGroup

Matapos na maibaba ni He Lan Qi ang telepono, ang kanyang tingin ay naging malamig. Hindi niya inisip na ang kagustuhan niyang gumawa ng gulo sa Shen family para maalis ang kanilang atensiyon sa paghahanap sa Country R ay magdudulot ng pagkakalantad ng isang malaking sikreto. Si Xia Xinghe ang anak ng ikalawang Shen Miss. kaya pala umalis ito ng hindi nagpapaalam, maaaring nadiskubre nito ang katotohanan.

Pero paano iyon nagkaroon ng ugnayan sa kanya na maging parte ng Shen family?

Isa pa, nandoon ang misteryo ng kanyang pangalan, Xinghe…

Pakiramdam ni He Lan Qi na siguradong mayroong bagay na nangyari na hindi niya nalalaman. Marahil ang kanilang sikreto ay nalantad na!

Agad na nagpunta si He Lan Qi para magsangguni sa kanyang ama. Nagulat din si He Lan Chang ng mabalitaan ito.

"Ama, marahil ay lumabas din ang balita. Ang suspetsa ko ay may nakatakas sa ampunan maraming taon na ang nakakaraan," sabi ni He Lan Qi ng may seryosong hitsura.

Ang mukha ni He Lan Chang ay madilim. "Tama ka, mayroon sigurong nakatakas. Wala tayong alam para masabi kung ilan, pero sigurado na ang babae mula sa Shen family ay isa sa kanila. Gayunpaman, nakakapagtaka naman, dahil hanggang ngayon ay walang balita na ang isa sa kanila ay nawawala."

"Marahil ay bumalik sila matapos nilang tumakas," hula ni He Lan Qi.

Tumango si He Lan Chang. "Nandoon na nga ang posibilidad na iyon. Tawagin mo si Ah Bin, mayroon akong ipapagawa sa kanya."

"Opo, Ama." Tumango si He Lan Qi pero nandoon ang bahid ng panlalait sa kanyang mga mata. Hindi nagtagal, ang lalaking ito na may pangalang Ah Bin ay dumating. Malaki siyang tao pero walang makikitang bahid ng emosyon sa kanyang mukha. Walang kaluluwa na makikita sa kanyang mga mata. Kung titingnan ng isa ng malapitan, maaaring mapansin ang pagkahawig niya kay He Lan Chang.

Nang makita niya ito, ang panglalait ay muling nakita sa mga mata ni He Lan Qi. Hindi siya pinansin ni Ah Bin at magalang na sinabi kay He Lan Chang, "Ipinatawag ninyo ako?"

Tumingin sa kanya si He Lan Chang at iniutos, "May misyon ako para sa iyo. Pumunta ka sa City A ng Hwa Xia para imbestigahan ang babaeng ito na may pangalang Xia Xinghe, bigyan mo ng espesyal na atensiyon ang kanyang ina. Gusto kong malaman ang lahat sa kanila, mas detalyado ay mas maigi. Tandaan mo, huwag mong hahayaan na mapansin ka ng kung sino, at ang misyong ito ay hindi dapat na pumalpak, naiintindihan mo ba?"

"Opo, sir." Tumango si Ah Bin.

Kumumpas na ang kamay ni He Lan Chang na para siyang binubugaw at walang bahid ng init sa mga mata nito. "Umalis ka na ngayon."

"Opo, sir." Si Ah Bin ay tila isang sundalo na ang tanging alam ay sumunod sa utos.

Sa sandaling umalis siya, bumubulong na nagreklamo si He Lan Qi, "Ama, napakarami nating tao, bakit siya pa ang ipinadala mo?"

Nagpaliwanag si He Lan Qi, "Siya lamang ang mapapagkatiwalaan ko sa ngayon, kung ikukunsidera mo ang kaseryosohan ng sitwasyon."

"Pero talaga bang mapagkakatiwalaan siya?" Malamig na tawa ni He Lan Qi. "May pakiramdam ako na siya ay ang pinaka hindi mapagkakatiwalaan."

"Anak ko siya kaya kahit na ano ang mangyari, hindi niya tayo tatraydurin ng ganoon kadali," may tiwalang sambit ni He Lan Chang.

Tumikhim si He Lan Qi, "Pero hindi natin siya trinato na tila parte siya ng pamilya, paano kung piliin niyang traydurin tayo sa pagkakataong ito?"

Ang intensiyong pumatay ay lumitaw sa mga mata ni He Lan Chang. "Kapag nangahas siyang traydurin tayo ay papatayin natin siya!"

Walang bahid ng kalungkutan o pagtanggi sa kanyang deklarasyon. Maliban kay He Lan Qi, ang lahat ay mga gamit na maaari niyang palitan. Kahit na ang taong iyon ay ang kanyang anak, hindi siya magdadalawang isip na alisin ang posibleng banta.

Nasiyahan si He Lan Qi sa sagot ng kanyang ama. Sa kaparehong oras, isang plano ang nabuo sa kanyang isip, marahil ay magagamit niya ang pagkakataong ito para mawala ang bastardong anak na iyon!