webnovel

Naghihintay sa Bao Hwa

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang reputasyon ng Bao Hwa na nauna nilang nakalap ay nawala ng muli. Ang totoo, ang pinsala ay mas malaki sa oras na ito.

Dinodoble ng Xi Empire ang kanilang presyo sa bawat oras habang ang Bao Hwa naman ay tinatapan lamang ang presyo. Ang pagkakahambing ng dalawa ay hindi maganda para sa Bao Hwa.

Pero ang lahat ay naghihintay para makita kung ipagpapatuloy ng Bao Hwa ang paligsahang ito. Ang mga tao na nalulungkot lamang ay ang mga nagbitaw ng kanilang shares ng masyadong maaga.

Bakit ba hindi sila naging mas pasensiyoso? Ang laki tuloy ng nawala sa kanila!

Ang mga taong may hawak pa ng mga stock ng Bao Hwa at Xi Empire ay pinanghawakan na ang kanilang mga stock na tila buhay nila ang iniingatan nila, sino ang makakapagsabi kung tataas pa ang presyo o hindi na?

Ang mga may hawak ng stock ng Xi Empire ay hindi na nangangahas na ibenta ito agad-agad, dahil naghihintay sila sa Bao Hwa na lapitan sila nang may mas mataas na presyo. Sa kabilang banda naman, ang ilan na may hawak ng stocks ng Bao Hwa ay handang magbenta, dahil natatakot sila na ito na ang pinakamataas na halagang iaalok sa kanila. Natatakot sila na mauwi sa wala dahil sa kasakiman.

Gayunpaman, ang kasakiman ay parte na ng ugali ng tao…

Kaya naman marami ang naghihintay ng tanong, Bao Hwa, kailan ba ninyo tataasan ang presyo ninyo para bilhin ang mga stock ng Xi Empire?

Si Xinghe at ang iba pa ay naghihintay din sa susunod na galaw ng Bao Hwa. Sinusundan ni Xia Zhi ang paligsahang ito ng ilang araw; maihahalintulad siya sa isang masayang bata, aliw na aliw ng husto.

"Sa oras na ito ay siguradong natigilan sila. Ginawa nating limang beses ang presyo; siguro ay nagtatae na sila sa mga salawal nila!"

Kahit ang grupo ni Ali ay sinusundan ang mga pangyayari kasabay ang buong bansa.

Pilyong ngumiti si Sam. "Sigurado akong hindi na sila mangangahas na ituloy pa ito. Ang limang beses na presyo sa merkado ay hindi maliit na halaga. Mababangkarote sila kapag ipinagpatuloy pa nila ang kalokohang ito."

"Xinghe, sa tingin mo ba ay susundan pa nila ito?" Tanong ni Ali.

Tumango si Xinghe. "Gagawin nila."

Nagulat ang lahat ng nasa silid. Hindi makapaniwala si Xia Zhi. "Hindi naman kapani-paniwala iyan, saan nila kukuhanin ang mga asset para gawin ito?'

Maaaring mayaman ang Bao Hwa, pero ang presyo ng stock ng Xi Empire ay ang pinakamataas kaysa sa dati. Limang beses sa presyo ay nakakatakot na halaga. Ang total ng mga maliliit na shareholder na handang magbenta ay nasa ilang bilyon.

Para sa kapakanan ng argumento, sabihin na nating ang presyo ay dalawampung bilyon, kung gustong bilhin itong lahat ng Bao Hwa, kailangan nilang maglabas ng humigit kumulang na isang daang bilyon!

Ang malaking halaga na ito ay siguradong magbabaon ng malaking utang sa Bao Hwa.

Ngumiti si Xinghe. "Ang itaas ang presyo ay hindi nangangahulugan na bibili sila."

Agad itong naintindihan ni Cairn. "Gusto lamang nila ang PR, kung mayroon talagang tao na lalapit sa kanila para magbenta, iisip sila ng maraming klase ng dahilan para pigilan ito."

"Natural, hindi lamang iyon, ang layunin na ginagawa nila ito ay para gipitin ang Xi Empire, para makagawa ng imahe na ang Xi Empire ay pabagsak na," pagpapaliwanag ni Xinghe.

"Kung ganoon ay magagawa din natin ang kaparehong bagay!" Mayabang na ngumisi si Xia Zhi. "Itataas din natin ang presyo pero hindi tayo bibili."

"Tama iyon, magagawa din natin ang kaparehong bagay." Tumatango na sang-ayon ni Ali.

Umiling si Xinghe. "Pero bibili pa ako ng ilan."

Nalito ang mga nasa silid. "Sis, bakit gusto mong bilhin ang kanilang stocks? Ang Lin Jing na iyon ay may hawak na tatlumpung porsiyento ng mga stock, kahit na matagal na nating ginagawa, ay limang porsiyento lamang ang ating nakuha, hindi natin sila malalampasan," tukoy ni Xia Zhi.

"Xinghe, gusto mo ba talagang bilhin ang lahat ng kanilang stock sa mataas na presyo?" Napakunut-noo si Sam at sinabi, "Ang trade-off ay hindi sulit."

Umiling si Xinghe. "Hindi ko bibilhin lahat, limang porsiyento lang."

"Pero bakit?"

Ngumiti si Xinghe. "Malalaman din ninyo."

Sige, wala silang alam tungkol sa negosyo, kaya naman pinili nilang maniwala dito. Siguro ay may sarili siyang mga dahilan.