webnovel

Mission Impossible

Éditeur: LiberReverieGroup

Pero wala siyang pagpipilian kung hindi tanggapin ito, nasa kanya ang lahat ng kalamangan para magawang mapataas ang kanyang pagkapanalo. Para manalo, kailangang iwanan ni Sun Yu ang kanyang pagiging disente. Para manalo, ibinigay niya ang misyon na kahit siya mismo ay hindi makumpleto, ang i-hack ang 100,000 normal na IPs sa loob ng hindi hihigit sa 10 minuto.

Sa madaling salita, ang nanalong partido ay dapat na makahack ng average ng 10000 IPs bawat minuto, na maikakahulugang dapat ay maka-hack sila ng ilang daang IPs kada segundo! Kahit na ang mga taong hindi pamilyar sa computer science ay alam kung gaano kaimposible ang misyong ito.

Kaya naman, nagsimula nang magreklamo ang kampo ni Munan ng marinig nila ang misyong ibinigay niya!

"F*ck, baliw na ang lalaking iyan."

"Sun na kahit ano, dahil lang sa pinayagan ka ni Miss Xia na magbigay ng paksa, hindi ibig sabihin nito ay magagawa mo na ang kahit ano na gusto mo. Sa tingin mo ba ay hangal ang karamihan sa amin?"

"Sun Yu, ang gawain mo ay hindi kayang matatapos. Kahit ikaw ay hindi ito magagawa!" Mariing tutol din ni Gu Li. Kung hindi lamang sa kagandahang-asal, binigyan na niya ng suntok sa mukha ang lalaki.

Kahit si Munan ay hindi na ito matanggap. "Feng Saohuang, ganito ba umakto ang mga tauhan mo? Mga hindi makatanggap ng pagkatalo?"

Nang-iinis na ngumisi si Sun Yu habang pinapanood ang kanilang mga reaksiyon. "Kayo ang nagsabi sa akin na makaisip ng paksa, na ginawa ko naman. Ano, kung hindi mo ito kayang gawin, p*tang*na sumuko ka na lang!"

"P*tang*na ka din! Pigilan mo iyang dila mo kung hindi ay pasasabugan ko ng bala iyang nasa pagitan ng mga mata mo!" Ganting pagmumura ni Yan Lu.

Inasar siya ni Sun Yu na parang bata, "Gawin mo kung kaya mo, hinihintay ko na o! Halika, naghihintay ako ngayon!"

"Sir, nakikiusap ako na itapon na natin ang grupo ng mga basura na ito na minamaliit ang mga sundali nito ngayon din!" Bumaling si Yan Lu kay Munan.

Ngumisi si Munan. "Itapon si—"

"Xi Munan, kapag papaluin mo ang isang aso, dapat ay kilalanin mo kung sino ang amo nito," malamig na sambit ni Saohuang.

Sarkastikong sumagot si Munan, "Paano kung ang amo ng aso ay hindi karespe-respeto?"

Sumeryoso ang mukha ni Saohuang. "Minamaliit mo ba ako?"

Hindi takot sa kanya si Munan kaya sumagot ito, "Kung iyon ang tingin mo, hindi kita matutulungan diyan."

Nagsimulang magtitigan ang dalawa. Kahit na ang mga tauhan nila ay nagsasalpukan na din. Ang ere ay puno ng tensiyon, maaaring magsimula ang gulo ng kahit anong oras.

Si Xinghe ang nag-iisang kalmado dito. Binuksan niya ang bibig para sabihin na, "Sun Yu, kung sa tingin mo na pareho tayong matatalo dahil sa isang tabla ay makakatulong itong maisalba ang reputasyon mo?"

Nahila pabalik sa kumpetisyon si Sun Yu…

Malupit siyang ngumisi. "Ano, sa tingin mo ay hindi mo din ito matatapos? Hindi ba't ikaw ang pinakamahusay sa mundo? Mula sa nakikita ko, isa pa ding basura!"

"Kung gayon, gawin natin," tinanggap na ni Xinghe ang kanyang hamon, "Ayokong magsayang ng oras sa panlilinlang, mas matimbang pa din ang gawa kaysa sa mga salita."

Nagbago ang mukha ni Sun Yu. "Ano, sa tingin mo talaga ay magagawa mo ito? Huwag mo akong patawanin, kahit ang Diyos ay hindi ito magagawa!"

"Sabihin mo sa akin iyan pagkatapos ng lahat ng ito."

Pagod nang makipag-usap pa si Xinghe sa kanya.

Suminghal si Sun Yu. "Sisiguraduhin kong ipaalala ito sa iyo mamaya!"

Hindi na siya makapaghintay na tawanan ang pagkatalo ni Xinghe, kailangan niyang turuan ito ng leksyon sa pagkalaban sa kanya!

Gayunpaman, sina Munan at ang iba pa ay lubos na nag-aalala.

"Hindi, huwag mo na itong gawin. Hindi mo kailangang pumayag sa kabaliwang patakaran ng kumpetisyon na ito!" Humakbang palapit si Munan para pigilan siya.