webnovel

MGA BENEPISYO (PAGTATAPOS NG TEMA NG TUNAY NA MAYLIKHA)

Éditeur: LiberReverieGroup

Kung sa totoo lang, nasorpresa din si Xinghe sa agarang pagpayag ni Xiao Mo sa kanyang alok.

Masyado niyang minaliit ang lalim ng pagkamuhi nito kay Chui Ming…

"Sigurado ka? Sinasabi ko na sa iyo ngayon pa lang na hindi ka na maaaring umatras oras na tanggapin mo ang inaalok ko."

Nagpakawala na naman ng halakhak si Xiao Mo, at idinagdag pa nito, "Alam mo ba kung gaano ko gustung-gustong patayin si Chui Ming? Huwag kang mag-alala, ito ang nag-iisang desisyon na hindi ko pagsisisihan!"

"Mabuti, hinahangaan ko ang katapangan mo." Tumatangong nasisiyahan si Xinghe, gusto niya ang determinasyon nito na patayin si Chui Ming.

Nang kumalma na si Xiao Mo, nagtanong ito ng, "Kailan mo ba gustong kumilos ako? Pero bago iyon, kailangan mong magbigay ng ebidensiya na hindi ka aatras sa mga ipinangako mo."

"Sisimulan natin bukas," sabi ni Xinghe at iniabot dito ang kapiraso ng pinunit na papel, "Pumunta ka sa address na ito bukas at isama mo ang kapatid mo."

Kinuha ni Xiao Mo ang papel, pinasadahan ng tingin ang address na naasulat dito at tumango. "Okay, walang problema."

Ang papabalik na si Xia Zhi ay narinig ang sinabi ni Xiao mo at masayang nagtanong, "Ate, tapos ka na dito ngayon?"

Tumayo na si Xinghe at gumanti ng tanong, "Naayos mo na ang problema?"

Bahagyang kumunot ang noo ni Xia Zhi ng maalala ang matapobreng mag-asawa at sumagot, "Oo, ibinigay ko na ang pera sa kanila. Isa pa, naglabas din ako ng extra 10000 RMB tulad ng iniutos mo."

Tinanggap ni Xinghe ang pera at maingat itong inilapag sa mesa, sinabi niya kay Xiao Mo, "Para sa iyo ito. Hihintayin namin ang pagdating mo bukas."

Tumayo na din si Xiao Mo at matapat na sumagot, "Darating ako, makakaasa ka."

Walang ideya si Xia Zhi kung ano ang usapang namagitan sa dalawa pero ng makita niya ang seryosong ekspresyon ni Xiao Mo, pabiro niya itong hinampas sa balikat at sinabi ng may malaking ngiti sa labi, "Dude, bakit ang haba ng mukha mo? Relax, mabuti itong gagawin natin."

Relax? Mas madaling sabihin kaysa gawin.

Saka, kailan pa naging mabuti ang pagpatay? Mukhang hindi nabasa ni Xiao Mo ang memo na iyon ah.

Patuloy na nagsalita si Xia Zhi ng may pagmamalaki, "Sinisigurado ko sa iyo na maraming benepisyo ang pagtatrabaho kasama ang ate ko."

Tulad ng pagkakakulong at pagbitay? Mapait na iniisip ni Xiao Mo.

Naging mapag-usisa si Xia Zhi ng mapansin na hindi nagbago ang mukha ni Xiao Mo. Ganoon ba ang disgusto nito na makatrabaho sila?

Ang gagawin naman talaga namin ay mabuti ah.

Nangislap sa kapilyuhan ang mga mata ni Xinghe ng siya ay paalis na. Binigyan niya ng matalinghagang salita si Xiao Mo bago umalis.

"Pinaniniwalaan mo ba ang lahat ng sinasabi sa iyo ng isang babae? Matulog ka ng mahimbing ngayong gabi, ang kinabukasan mo ay magiging maayos. Hindi ka makukulong."

Isang nasisindak na Xiao Mo ang natigagal at pinanood siyang makaalis.

Nang hindi na niya naririnig ang ugong ng Ferrari, sumilay ang isang nakakatawang ngiti sa kanyang mga labi.

Wala pa din siyang ideya kung ano ang pinasukan niya, pero pakiramdam niya ay hindi ito masama. Tulad ng sinabi ng lalaki kanina, gagawa sila ng mga mabubuting bagay.

Tinitigan ni Xiao Mo ang pera na naiwan sa mesa at ang puso niya ay naguguluhan.

Naupo siya sa kama at kinausap ang yayat na katawan ni Xiao Lin, "Ate, mukhang nagbabago na ang ating kapalaran. Nangangako ako sa iyo, gagamutin natin ang sakit mo at mamumuhay ka ng maayos tulad ng pinapangarap mo. Bukod doon, pagbabayarin ko si Chui Ming!"

Nang ang dalawang salita, na nabanggit ang Chui Ming, isang mapaghiganting tingin ang lumitaw sa dati'y bakanteng mga mata ni Xiao Lin.

Kinaumagahan, dumating si Xiao Mo sa villa ng Xia Family ng kasama si Xiao Lin. Dinala nila ang kakaunting bagahe na mayroon sila.

Si Xia Zhi na may magandang impresyon kay Xiao Mo ang mainit na sumalubong sa kanila.

Si Chengwu na humihirit ng dagdag na kasama sa bahay ay sinalubong din sila ng walang atubili.

Mayroon na siyang kaunting ideya na may gagawing malaking bagay ang mga bata pero hindi niya sigurado kung ano iyon. Napagdesisyunan niyang huwag nang mag-usisa at pabayaan na lamang sila.

Iniayos ni Xinghe ang kanilang mga silid. Ang villa ay masyadong malaki para sa kanilang tatlo kaya maraming bakanteng silid na mapagpipilian.