"Xi Mubai, hindi ikaw ang amo ng buhay ko. Isa pa, buo na ang desisyon ko; kailangan ko ang bagay na iyon na nasa kamay ni Xia Meng," sabi sa kanya ni Xinghe. Hindi siya humihingi ng permiso dito; sinasabi lamang niya ito dito dahil sa paggalang.
Tinitigan siya ng ilang sandali ni Mubai bago ito bumuntong-hininga. "Minsan, nahihiling ko na sana ikaw ay mas… mahina, at huwag nang subukang harapin ang mundo ng ikaw lamang mag-isa.:
Isa pa, kung mas mahina siya ng kaunti, baka kakailanganin nitong sumandal man lang sa akin ng kaunti.
"Kailangan ko pa din ang tulong mo," sinalubong ni Xinghe ang tingin niya. "Sa kasalukuyan kong sitwasyon, kailangan kong dumepende sa tulong mo."
Masayang ngumiti si Mubai na tila isang bata na nabigyan ng matamis na bagay.
"Sige, irerespeto ko ang desisyon mo, pero ipangako mo sa akin na hahayaan mo na ako ang bahala sa kaligtasan mo." Ang isang maliit na kompromiso mula kay Xinghe ay nagawang baliktarin ang kalungkutan niya.
Nanginig ang sulok ng mga mata ni Xinghe at tumango ito. "Salamat."
"Hindi mo na kailangang magpasalamat sa akin." Bulong ni Mubai ng buong seryoso bago nito binuhay ang makina ng nakangiti.
Matapos nilang bumalik sa lumang mansiyon ng Xi Family, nagawa ding makumbinsi ni Xinghe si Xia Meng.
Nangako siya kay Xia Meng, na tutulungan niya itong makakuha ng diborsyo mula kay Ye Shen at makalayo mula sa Ye Family. Matapos maibalik ang memorya sa mga orihinal na may-ari, tutulungan din siya ni Xinghe na makapagbagong-buhay at makasiguro na mamumuhay siya ng walang iniintindi habang nabubuhay pa siya.
Kahit na magaganda ang mga kondisyon na ito, si Xia Meng ay may hesitasyon na sumang-ayon sa palitan pero ang isang pangungusap ni Xinghe ang nagpabago ng kanyang isip.
"Magdadala lamang sa iyo ng mas madaming gulo ang bagay na ito kapag ikaw pa din ang nagtago."
Tila nagising dito si Xia Meng. Nang maisip niya ito, ito nga ang dahilan kung kaya namuhay siya sa kamalasan…
"Sige, pinapangako ko sa iyo pero kailangan mong sabihin sa akin, ano ang Project Galaxy?" Nag-uusisang tanong ni Xia Meng, inaakala na alam na ni Xinghe ang lahat.
Nang marinig ni Xia Meng ang pangalan ni Xinghe mula kay Lu Qi, nagsuspetsa na siya na may kinalaman siya tungkol dito. Ang pangalan na ito ay masyadong halata…
Nag-uusisa din si Xinghe. Kung hindi alam ng babaeng ito kung ano ang Project Galaxy, bakit nito itinatago ang bagay na ito na tila nakadepende dito ang buhay nito?
"Walang sinabi sa iyo ang tatay mo bago ito umalis?" Ibinato ni Xinghe ang sarili nitong tanong.
Nasa malalim na pag-iisip si Xia Meng nang sumagot ito, "Ang tanging sinabi niya ay dahil sa bagay na ito, mahahanap ko din siya, pero wala akong ideya kung paano ito gamitin."
Bahagyang nanginig ang mga mata ni Xinghe. Ito ay parehong-pareho tulad ng sinabi sa kanya ng kanyang ina…
Kaya naman, nakumpirma na ang suspetsa niya, kapag hawak na niya ang bagay na ito, makikita na niya ito sa personal balang araw.
"Paano nalaman ni Ye Shen na may bagay kang pinanghahawakan na ganoon?" Dugtong ni Xinghe.
Umiling si Xia Meng. "Wala akong ideya, hindi pa naman namin kilala ang isa't isa bago niya ako nilapitan."
Napatungo din si Xinghe habang nag-iisip at nang itinaas na nito ang mga mata, nakaisip na din siya ng palagay, "Mayroon din siyang parehong bagay sa kanya."
Nagulat si Xia Meng!
"Ibig mong sabihin, mayroon din siya nito? Alam din niya ang tungkol sa Project Galaxy?" Napasinghap sa sorpresa si Xia Meng.
Tumango si Xinghe. "Maaari, ito lamang ang pinakalohikal na palagay. Isa pa, naniniwala ako na mayroon siyang mas maraming impormasyon sa Project Galaxy kaysa sa atin o kung hindi ay hindi ka niya matatagpuan."
Kumislap sa pagkamuhi ang mga mata ni Xia Meng nang mabanggit si Ye Shen. "Kailangan mong makuha ang bagay na iyon mula sa kanya! Kapag natalo mo ang planno niya, buong tuwa kong ibibigay sa iyo ang bagay na nasa akin!"
"Natural, kaya huwag mong kalimutan ang pangako mo."
Tulad lamang nito, nagkasundo na agad sina Xinghe at Xia Meng.
Nagsimula nang magplano si Xinghe kung paano makukuha ang bagay na iyon mula kay Ye Shen at kung paano makakakuha ng mas maraming impormasyon tungkol sa Project Galaxy.