webnovel

May Isang Bagay sa Kanyang Isip

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang lahat ng mga dahilan na ito ay nangangahulugang hindi pupwedeng hindi madadamay sa problemang ito si Mubai. Kung ano pa, ibig sabihin nito ay kailangang ibigay niya ang lahat ng makakaya kung hindi ay nangangahulugan ito ng katapusan ng Xi family.

Sa wakas ay nagising na si Xinghe nang sumapit ang gabi. Ang unang bagay na nakita niya ay si Mubai na nakaupo sa sofa na nakasandal sa dingding, nagbabasa ng ilang dokumento ng may buong atensiyon. Ang taning ilaw sa silid ay nagmumula sa ilaw sa dingding na nasa ulunan nito. Ang ilay ay may kahinaan at hindi masakit sa mata. Malumanay nitong tinitingnan ang mga papeles, nag-iingat na hindi siya magising. Hindi maiwasan ni Xinghe na hindi maakit sa maganda nitong hitsura.

"Gising ka na?" Itinaas ni Mubai ang kanyang mga mata nang maramdamang nakatuon ang tingin nito sa kanya. Bigla, gumuhit ang isang maliwanag na ngiti sa mukha nito.

Pakiramdam ni Xinghe ay mabilis na tumibok ang puso niya. Aaminin niya, ang hitsura ni Mubai ay lubhang… kaakit-akit.

Iniuupo niya ang sarili, mahinang nagtanong si Xinghe, "Ano'ng oras na?"

"Ika-siyam ng gabi." Ibinaba na ni Mubai ang mga dokumento at tinawag ang katulong para magpadala ng ilang pagkain. Nasorpresa si Xinghe na nakatulog siya ng kalahating araw.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Mubai habang naglalakad palapit sa kanya. Naupo ito sa kanyang tabi at ang kamay nito ay natural na tumungo para salatin ang kanyang noo.

"Maigi-igi na, salamat," matapat na sagot ni Xinghe. Umigi na ang pakiramdam niya matapos niyang makatulog ng mahimbing.

Ang temperatura niya ay normal na kay Mubai at may kaunting kulay na ang nagbalik sa mukha nito kaya masaya nitong sinabi, "Halika na, tutulungan na kitang tumayo. Nagpaluto ako sa mga tagapagluto ng maraming pagkain; tama lamang ang kanilang timpla, tamang-tama sa isang nagpapagaling na pasyenteng tulad mo."

Inilayo ni Xinghe ang kumot at tumayo mula sa kama. Matapos niyang linisin ang sarili sa banyo, ang pagkain ay nakahain na sa mesa. Kinawayan siya ni Mubai na maupo sa tabi nito. Tiningnan ni Xinghe ang mesang puno ng masasarap na pagkain at nagsimulang tumunog ang kanyang sikmura.

Halos isang buwan siyang walang malay kaya naman ang katawan niya ay naghahanap na ng tunay na pagkain. Nakangiti si Mubai nang marinig ang ingay mula sa tiyan nito. Naglagay ito ng ilang gulay sa mangkok niya at pinilit siya, "Kumain ka na habang mainit pa."

Bahagyang namula si Xinghe. Matapos ang dalawang subo, bigla siyang nagtanong, "Nasaan si Lin Lin?"

Hinahanap-hanap na niya ang anak kahit na kakagising pa lamang niya. Agad na sumagot si Mubai, "Tulog na siya sa ngayon. Papupuntahin ko siya dito bukas para bisitahin ka."

"Aalis ako bukas," diretsong sambit ni Xinghe. Hindi niya gustong manatili ng habambuhay sa bubungan ng iba; may sarili siyang pamamahay.

Natigil sa ere ang chopsticks ni Mubai na kumukuha pa ng gulay para sa kanya. Matapos ang ilang sandali, tumango ito. "Ayos lamang iyon. Gusto mo bang sumama sa iyo si Lin Lin? Sigurado akong magugustuhan mo siyang kasama."

Nabigla si Xinghe na boluntaryong papasamahin ito sa kanya ni Mubai. Gayunpaman, umiling siya, "Ayos lang. mas makakakuha siya ng maayos na pangangalaga dito, sa tingin ko ay hindi ako magkakaroon ng oras na alagaan siya sa mga susunod na araw o buwan."

"May punto ka." Tango ni Mubai. Magiging abala sila sa mga susunod na panahon.

Nakikita ni Xinghe na mayroon itong iniisip. Hindi niya maiwasan na hindi magtanong, "Ano ang problema? May mas masama bang nangyari kay Munan?"

Nagitla si Mubai. Akala niya ay naitago na niya ito pero nababasa pa din siya nito na parang isang bukas na aklat. Hindi niya inisip na si Xinghe ay isang babae na kailangang protektahan kaya sinabi niya ang lahat ng detalye.

"Sa kasamaang-palad, tama ka. Ang imbestigasyon ay natigil, walang ebidensiya na makakapagpatunay ng kanyang kainosentehan." Napabuntung-hininga si Mubai.

"Paano nanakaw ang mga armas?" Tanong ni Xinghe.

Wala ng itinatagong detalye pa, matapat na sumagot si Mubai, "Matapos nilang mahuli ang aktwal na kriminal, dinala nila ang mga armas at tao pabalik sa base. Ngunit minalas sila na makasagupa ang pagguho ng lupa kaya wala na silang pagpipilian kundi magpahinga sa gilid ng kalsada."