webnovel

Mas Misteryoso kaysa sa Aming mga Xi

Éditeur: LiberReverieGroup

Nang matanggap ni Mubai ang balita, nandoon siya sa bahay ng kanyang second uncle's.

"Talaga?!" Tanong niya ng may saya at pagkagulat. "Panatilihin ninyo ang kaligtasan niya, papunta na ako diyan ngayon!"

Mabilis niyang ibinaba ang telepono at sinabihan ang kanyang pinsan, si Xi Munan, "Natagpuan na namin siya, nandoon na siya sa istasyon ng pulis!"

"Mabuting balita iyan, sasama ako sa iyo!" alok ni Munan.

Tumango si Mubai at ang dalawa ay humahangos na pumunta sa istasyon ng pulis. Noong sila ay dumating ay doon lamang nakita ni Mubai kung gaano kalala ang mga pinasalang tinamo ni Xinghe.

Wala pa din siyang malay at ang mga pulis ay tumulong para hanapan siya ng doktor. Galit na galit si Mubai nang makita ang kanyang katawang puno ng pasa at maputlang mukha. "Ano ang nangyari sa kanya?!"

Isang police officer ang sumagot habang itinuturo ang driver, "Mr. Xi, ang sabi ng mabait na lalaking ito, si Miss Xia ay mukhang tinatarget ng ilang misteryosong grupo ng mga tao. Gayunpaman, ang kanyang kondisyon ay umiigi na. Nagpapahinga na lamang siya ngayon."

"Tinatarget?" mabilis na lumingon si Mubai para tingnan ang driver. Ang bibig ng driver ay nakaawang ng malaki. Si Mubai ay isang tao na may maalamat na estado sa City T, kaya naman na star-struck siya. Nananaginip ba ako?

"Mawalang-galang na, pero maaari mo bang ikuwento sa amin kung ano ang nangyari?" magalang na nagtanong ang isang matangkad at gwapong lalaki ang nakatayo sa tabi ni Mubai. Tiningnan ito ng driver at nalaman na ang binata at si Mubai ay may pagkakahawig sa kanilang mukha.

"Nagmamaneho ako palampas sa ospital ng ang babaeng ito ay biglang lumundag sa kalsada …" Ikinuwento na ng driver sa kanila ang mga pangyayari ng maliwanag at buong ingat.

Pagkatapos niya, binigyan ni Mubai ang pulis ng isang tingin at ang police officer ay sumagot na tila naintindihan na, "Ipinadala na namin ang mga tauhan namin para tingnan ito. Gayunpaman, wala kaming nakitang mga kahina-hinalang aktibidad, ang mga taong iyon, kung sino man sila, ay mabilis na nakatakas, walang iniwang ebidensiya. Tiningnan na din namin ang ospital, wala doong tala na nanatili doon si Miss Xia. Ang kalaban ay may hindi karaniwan para makagawa ng mga bagay na tulad nito."

Umismid si Mubai. "Kahit gaano pa siya kahusay, hahanapin ko ang traydor na iyon!"

"Sa siyudad na ito, wala nang mas makapangyarihan pa kaysa sa aming Xi family," dagdag ni Munan ng nakangiti. Humarap siya kay Mubai, "Kuya, iwanan mo na ito sa akin. Sasabihan na lamang kita kung may mga pagbabago pa."

Tumango si Mubai bago binuhat sa kanyang mga braso si Xinghe at umalis.

Gayunpaman, nakakailang hakbang pa lamang siya bago lumingon para kausapin ang driver, "Sinabi niya na mayroong isang daang milyong pabuya? "

Walang iniwang detalye ang driver sa pagsasalaysay ng kanyang kwento, at kasama na doon ang usapan nilang dalawa ni Xinghe.

Nagmamadaling ikinaway ng driver ang kanyang kamay. "Hindi dahil sa pera kaya ko tinulungan ang babaeng ito. Dapat ay palagi nating tulungan ang mga nangangailangan."

Tumingin si Mubai sa isa sa kanyang mga bodyguard. "Igawa ninyo siya ng tseke na nagkakahalagang isang daang milyon."

"Yes, sir!"

Nagulat ang driver. Mabilis niyang sinabi, "Mr. Xi, masyado itong malaki, hindi na ito kinakailangan…"

Pero naglakad na palayo si Mubai. Hindi na niya binigyan pa ng pagkakataon na tumanggi ang driver.

Sumulat ang bodyguard ng tseke para sa driver at inialok ito ng may mainit na ngiti. "Salamat sa iyo, sir, sa kabutihan mo. Ang narito ay hindi naman kalakihan, pero ito ay pasasalamat mula sa aming Young Master. Pakitanggap ito, pakiusap."

"Ito, okay…" Hinawakan na ng driver ang tseke sa kanyang kamay at natutulalang hinabol ng tingin si Mubai na papaalis.

Dahil sa biglaang pagkakaroon ng isang daang milyon sa kanyang mga kamay, kinurot niya ang sarili para malaman kung nananaginip lamang siya.

Dinala ni Mubai si Xinghe para makita si Lu Qi dahil ito ang pinakamahusay na doktor sa bayan.

Maaaring pinutol na ni Mubai ang kanilang pagkakaibigan pero ito ang nagdala sa kanila ng gulo na ito sa simula pa lamang, kaya kailangan nitong tulungan sila ngayon; utang na loob nito iyon sa kanila.